Revelation 5

3.2K 90 30
                                    

J E N N I E

"Princess,  Why are you here?"tanong ni dad sa akin ng makita ako dito sa mansion.




Sumunod naman si mom at gulat na napatingin sila ng biglang may nakakapit sa binti ko na dalawang bata.





"J-jenjen? Sino sila?"tanong ni mom pero nakatingin pa din sa dalawang bata na ngayon ay tinitignan din sila.





"Mga anak ko"masayang sagot ko at nakita ko kung paano nanlaki ang mata nila sa gulat at narinig kong natawa si Jisoo.






"H-how?"hindi makapaniwalang tanong ni dad hanggang sa biglang pumasok ng mansion si Lisa at ang lalaking nasa tabi nito na ikinasimangot ko.





"Lisa"gulat na tawag ni mom dito at ngumiti naman ito sa dalawa at mahahalata ang pilit na ngiting binigay niya.





"Mommy J, sino po sila?"tanong ni Lian sa akin at mabilis n binuhat ito. Habang si Ella ay nakay Lisa na pala na bitbit din niya.





"Lian and Ella meet your grandparents, my mom and dad"pakilala ko at ngumiti naman na kumaway si Lian sa kanila at napangiti sila dad. Habang si Ella ay nakatingin lang ng malamig na ikinatawa ko lang din.





"My gosh! Mini Jennie and Mini Lisa"masayang sabi ni dad at mabilis na kinuha si Lian.





"Grandpa"tawag ni Lian dito na mas lalong nagpasaya sa magulang ko. Napansin ko na lumapit si mom kay Lisa at kinukuha si Ella na tinitignan ng malamig si mom.





"Kitten, sumama ka she's your grandma"nakangiting sabi ni Lisa dito kay Ella at tinignan ni Ella ang mommy niya then ngumiti ng maliit.





"Wow, parang bumalik ako sa panahon na baby pa ang baby Jenjen ko"masayang sabi ni mommy habang buhat si Ella.




"Parehas na parehas kayo ng mommy mo, noon hindi rin siya basta pumapayag na may magbubuhat sa kanya na iba"nakikinig lang si Ella dito at ilang sandali ay puro tawanan na ang maririnig.




Hanggang sa pumunta sila mom at dad kasama ang dalawang bata maging sila Chaeyoung at Jisoo dahil mag luluto for lunch.





Nakaupo ako sa left side na couch habang sa right side naman si Lisa at yung lalaki na kasama niya.




Malamig na tinignan ko ito at napansin ko na napakapit ito kay Lisa na mas lalong ikinasama ng tingin ko.





"Ahm babe sunod lang ako sa iba"paalam nito at napairap ako ng marinig ko ang tawag nito kay Lisa.




Tumango naman si Lisa dito at hindi ko inexpect ng ginawa ni Lisa ng halikan niya ito sa pisngi.




Fuck!





"Lalisa"malamig na tawag ko dito at napansin ko na kinakabahan ito dahil kinakagat na niya ang ibabang labi niya at hindi ito makatingin ng diretso sa akin.





"J-jennie"saglit na tumingin ito pero umiwas din at napabuntong hininga ako.





"Sino siya?"malamig na tanong ko dito at nagtatakang tinignan ako nito hanggang sa tila may naalala siya.




"Jackson Wang"sagot nito pero tinignan ko lang siya ng malamig dahil hindi ako satisfied sa sagot niya.





"Bakit daddy ang tawag sa kanya ng mga anak natin?"malamig na tanong ko dito at napatingin ito sakin pero napansin ko ang nagdaang ngiti nito sa labi na mabilis na nawala.





The Missing Queen 2: The Revelation (JenLisa) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon