(makalipas ang apat na buwan)Sa isang probinsya kung saan napiling mamuhay ng tahimik nila Jeric at Andrea...
Walang awat ang pag iyak ng sanggol ng madatnan ito ni Jeric sa kanilang bahay pagkauwi niya galing ng trabaho.
Agad na pinuntahan ni Jeric ang kanyang anak at binuhat ito.
"buti naman at nakauwi ka na, bumalik nanaman yung sinat ng anak natin kaya ayan, walang tigil nanaman sa kakaiyak" bungad ni Andrea matapos niyang magtimpla ng gatas para sa anak.
Agad naman kinuha ni Jeric ang bote ng gatas at agad itong ipina dede sa kanyang anak.
"pinatignan mo na ba sa clinic ng baranggay ang anak natin?" si Jeric habang inuugoy ang kanyang anak na kahit papaano ay tumahan na sa pag iyak dahil sa kanyang pag papainom ng gatas.
"oo, maaga palang ay pumila na agad kami sa baranggay, pero ang mamahal kasi ng mga niresetang gamot sa anak natin, kulang na yung pera na binigay mo sa akin, pinambili ko pa kasi ng bigas" saad ni Andrea habang ipinaghahain si Jeric dahil alam niyang gutom na ito mula sa trabaho.
"ganun ba, (dumukot sa kanyang bulsa) o eto, may naitabi pa ako, ibili mo muna kahit kalahati lang nung niresetang gamot, para lang mawala yung sinat ng anak natin at di na ito lumala pa, bayaan mo, bukas eh, susubukan kong bumale sa amo ko" si Jeric at agad naman inabot ni Andrea ang pera.
"pero mahal, di ba malapit nang matapos yung tinatayo niyong apartment?" biglang natanong ni Andrea habang pinagsasandok ng kanin si Jeric.
Napabuntong hininga naman si Jeric bago tumugon kay Andrea.
"oo mahal, pero wag kang mag alala, kinontrata na ako ni aling Pasing para sa ipapagawa nilang third floor ng bahay nila, kahit papaano ay pera din iyon" paliwanag ni Jeric na nagsimula ng sumubo ng pagkain habang kalong ang kanyang anak.
"magandang balita yan mahal, di bale, parati naman ubos ang mga paninda kong meryenda, makakadagdag na din iyon sa panggastos natin, o siya mahal, tatakbuhin ko muna yung botika para sa gamot ng anak natin" si Andrea na sinang ayunan naman ni Jeric.
Napabuntong nalang ng malalim si Jeric habang pinagmamasdan ang nakatulog niyang anak.
Di naging madali ang buhay para kay Jeric, simula kasi ng manganak si Andrea ay hindi na siya nakabalik pa ng maynila para makapaghanap ng trabaho.
Akala niya kasi na magiging maayos ang buhay nila ni Andrea sa probinsya.
Buti na lamang at di na niya iniisip pa ang gastos sa bahay dahil sa pinatuloy nalang sila sa likod bahay ng mga magulang ni Andrea.
Panaka naka lang ang nakukuhang trabaho ni Jeric kaya masasabing sapat lang talaga ang kinikita niya sa pang araw araw.
Yun nga lang, minalas pa siya dahil sa pagiging sakitin ng kanyang anak na halos buwan buwan itong pinapatignan sa doktor, sabayan pa ng mga may kamahalang mga gamot na nirereseta dito.
Laking pasalamat nalang ni Jeric dahil malawak ang pang intindi at pagtiyaga ni Andrea kahit pa minsan ay kamatis na may toyo o patis na may itlog maalat lang ang pagkain nila buong maghapon.
~~~~~
Matapos makabili ni Andrea ng gamot ay nadatnan niya ang kanyang ama na nakatambay sa labas ng bahay nila.
Agad siyang lumapit sa kanyang itay at nagmano dito.
"kaawaan ka ng diyos, o anak, okay na ba si Clyde? nawala na ba yung sinat niya?" saad ng ama ni Andrea.
"di pa po tay, pero tumigil naman na po siya sa pag iyak at kahit papaano ay kumakain na din" paliwanag ni Andrea.
Napailing nalang ang tatay ni Andrea sa kanilang sitwasyon.
BINABASA MO ANG
Love, Money, Debt
De TodoPag-ibig, ang salitang ito ay importanteng pakiramdam sa buhay ng isang tao, masasabi mong masarap mabuhay pag mayroon ka nito. Pera, ang salitang ito ay importanteng bagay sa buhay ng isang tao, masisiguro mo ang buhay pag meron ka nito. Sa madalin...