"Di naman hihinto ang mundo sa pagkawala ng isang tao, maaaring tumigil ang mundo ng taong iyon pero ang mga maiiwan niya ay patuloy pa din na haharapin ang panibagong bukas"
~~~~~~~~
Sa pagdampi ng labi ni Andrei sa labi ni Rich ay may bigla na lamang na may nag udyok sa kanyang isipan na mali ang kanyang ginagawa.
Kaya naman agad na kumalas si Andrei sa ginawa niyang paghalik kay Rich.
"i'm sorry Rich (naghahabol ng hininga) sorry, hindi ko dapat ginawa ang bagay na ito" si Andrei na napakabilis ng tibok ng kanyang puso dahil sa nangyari.
Maging si Rich ay di din makapaniwala sa bilis ng pangyayaring iyon, gaya ni Andrei ay napakalakas din ng tibok ng kanyang puso na tila hindi rumerehistro sa kanyang utak ang nangyari.
Oo, ito ang unang beses na nakaramdam si Rich ng isang halik, na ni minsan ay di niya naramdaman kay Jeric.
"Rich (hinawakan sa magkabilang balikat si Rich) again i'm sorry, ang mabuti pa siguro ay pumasok na tayo sa loob para makapag pahinga, kalimutan nalang natin tong nangyari" si Andrei na sinang ayunan naman ni Rich.
"opo sir Andrei, sige po, susunod nalang po ako sa loob ng rest house" nahihiyang tugon ni Rich na kita sa mga mata niya ang pagkalito sa nangyari.
Tumango lang si Andrei at agad na itong tumayo sa inuupuan nilang duyan at bumalik na ito sa loob ng rest house.
'sir Andrei' tanging nasa isip ni Rich habang hawak ang kanyang mga labi at dinadama ang lamig ng hangin na humahampas sa kanyang katawan.
Sa pagkakataong iyon ay alam na ni Rich sa kanyang sarili na mahal niya si Andrei, na muling bumukas ang nagsara niyang puso mula sa pagkasawi nito.
Kinabukasan.....
Maagang gumising sina Rich at Andrei, napagpasyahan na kasi nilang bumalik sa Maynila.
"i hope nothing will change between the two of us Rich, let's just forget about what happened last night, okay?" si Andrei habang hawak ang balikat ni Rich.
"nako, sir, wag po kayong mag alala, naiintindihan ko po, kalimutan nalang po natin yun, baka pinaglaruan lang po tayo ng mga engkanto" saad nalang ni Rich kahit alam niya sa kanyang sarili na hindi yun ang gusto niyang sabihin.
Pero ayaw na niyang umasa pa, dahil kahit mabait si Andrei ay napaka imposible naman na mahalin siya nito.
"thank you Rich, (natawa sa sinabi ni Rich) baka ganun nga yung nangyari, o pano? shall we go?" si Andrei na sinabayan niya ng matamis niyang ngiti.
Pagtango lang ang itinugon ni Rich at agad na silang tumungo sa kotse.
••••••••••
Makalipas ang apat na buwan.....
Ipinagpatuloy muli ni Andrei ang mga treatment na kailangan niya.
Bumalik nanaman siya sa simula ng hirap na kailangan niyang danasin, kailangan pa kasi niyang mabuhay alang alang sa kanyang mga anak at maging sa kumpanya.
May mga oras na gusto na niyang sumuko dahil sa hirap na nararanasan niya, andyan yung sumusuka siya, bigla siyang nahihilo, mga araw na nanghihina na para siyang lantang gulay, at higit sa lahat ay ang pagkalagas nanaman ng kanyang buhok.
Pero sa kabila ng lahat ng iyon ay nagpakatatag siya dahil na din sa suporta nila Rich, Gab at Glenn.
Hindi na siya masyadong nakakapasok sa SDC kaya naman napagpasyahan niyang patirahin na si Rich sa kanyang mansyon para hindi na ito mapagod pa sa byahe para lang ireport sa kanya ang pangyayari sa kumpanya.
BINABASA MO ANG
Love, Money, Debt
De TodoPag-ibig, ang salitang ito ay importanteng pakiramdam sa buhay ng isang tao, masasabi mong masarap mabuhay pag mayroon ka nito. Pera, ang salitang ito ay importanteng bagay sa buhay ng isang tao, masisiguro mo ang buhay pag meron ka nito. Sa madalin...