Minsan, gusto nating itanong sa ating mga sarili kung bakit ba kailangan pang dumaan sa buhay natin ang isang tao na ipaparamdam sa atin ang kasiyahan pero bandang huli ay iiwan din pala tayo.
~~~~~~~~~~
Ito ang araw na tila bago ang lahat para kay Rich, wala siyang nararamdaman kundi labis na kalungkutan, wala na, di na niya muli pang masisilayan ang mga ngiti ni Andrei, ang napakalakas na dating nito sa tuwing magkikita sila at lalo na ang yakap nito sa tuwing nakakaramdam siya ng kalungkutan.
Tila isa itong matinding bangungot na sumapit kay Rich, maraming katanungan ang muling namutawi sa kanyang isipan.
'Bakit naman ganon? kung kailan nakahanap ako ng lalaking pinagkatiwalaan ako, pinahalagahan ako, at higit sa lahat ay tinanggap ang buo kong pagkatao ay saka naman bigla siyang mawawala sa akin, sadya naman na napaka pait ng tadhana sa akin, o baka naman talagang malas lang talaga ako pagdating sa pag-ibig?' ilan sa mga bumabag sa isipan ni Rich.
Pero wala, kahit ano pang mangyari ay kailangan niyang harapin ang buhay gaya ng nais ni Andrei para sa kanya, nangako siya na tutuparin niya lahat ng mga habilin nito.
Isa sa mga hiling ni Andrei sa pagkamatay niya ay nais niyang i-cremate agad ang kanyang labi, ayaw niya kasi na paglamayan pa siya dahil makakadagdag lang daw yun sa kalungkutan ng mga mahal niya sa buhay.
Pero di naman maiiwasan na kumalat ang balita sa pagkamatay ni Andrei lalo pa at sikat na personalidad ito na talaga namang marami ang nakakakilala sa kanya.
Bumuhos ang pakikidalamhati ng mga tao sa social media, na talagang gusto nilang ipabatid ang kanilang pakikiramay kahit sa ganoong paraan lang, may mga gumawa din ng tribute at documentary sa telebisyon para alalahanin ang mga nagawa ni Andrei sa industriya.
Kahit papaano ay naibsan ng kahit kaunti ang sakit na nararamdaman ni Rich dahil sa balitang ito, dahil alam niya na maraming nagmamahal kay Andrei.
Agad na nag ayos si Rich ng kanyang sarili dahil ito ang araw na ihihimlay nila ang abo ni Andrei sa Columbary.
Pagkalabas ng kwarto ni Rich ay agad bumungad sa kanya si Glenn, mahahalata pa din ang labis na kalungkutan sa mukha nito.
"i'm going to call you na po sana eh" bungad sa kanya ni Glenn.
"let's go na?" si Rich na inilahad ang kanyang kamay na agad naman kinapitan ni Glenn at sabay na silang lumabas papuntang sasakyan.
Nauna na si Gab sa columbary dala ang Urna na naglalaman ng abo ng kanyang ama.
Di naman ganoon kalayo ang columbary na paglalagakan sa urna na naglalaman ng abo ni Andrei, kaya madali lang kung nanaisin nila itong puntahan.
Kaunti lang ang imbitado doon, pawang malalapit lang na kaibigan ni Andrei at mga kamag anak.
Di nagtagal ay dumating na din sina Atty. Saavedra at Ms. Zuelo na agad niyakap si Gab tanda ng pakikiramay ng mga ito.
Halos kasabayan din nila sa pagdating sina Rich at Glenn na agad din sinalubong nila Atty. Saavedra at Ms. Zuelo.
"I'll go lang po kay kuya Gab" paalam ni Glenn kina Rich na sinang ayunan naman nila.
Agad naman na niyakap ni Ms. Zuelo si Rich dahil alam nito kung gaano din kasakit kay Rich ang nangyari.
Di napigilan ni Rich ang mga luha na kanina pa niya pinipigilang umagos sa kanyang mga mata.
"Ms. Zuelo, di ko lubos maisip kung bakit kay sir Andrei pa nangyari ang ganito, lumaban naman tayong lahat, di naman tayo sumuko, pero bakit kinuha pa din siya sa atin?" si Rich na patuloy lang sa pag agos ng mga luha sa kanya mga mata habang mahigpit na nakayakap kay Ms. Zuelo.
BINABASA MO ANG
Love, Money, Debt
RandomPag-ibig, ang salitang ito ay importanteng pakiramdam sa buhay ng isang tao, masasabi mong masarap mabuhay pag mayroon ka nito. Pera, ang salitang ito ay importanteng bagay sa buhay ng isang tao, masisiguro mo ang buhay pag meron ka nito. Sa madalin...