Six: Out of town

48 6 1
                                    

Pahalagahan mo ang mga taong nandyan sa oras ng iyong pangangailangan, dahil bihira lang ang taong totoo at nananatili sa oras ng iyong kagipitan.

~~~~~~

(Makalipas ang anim na buwan)

Naging matagumpay ang G&G cafe at agad itong nakilala sa industriya, at umani ito ng mga papuri at positive reviews sa mga customers na bumibisita doon.

Kaya naman agad napagpasyahan na magpatayo ng second branch nito para mas lumawak pa ang pagkakakilala sa naturang cafe.

Natanggap na din si Vienne bilang empleyado ng SDC sa sales department at nakakasama na nito ng madalas ang nobyo nitong si Anton dahil sa pag rekomenda ni Rich sa kanya.

Dahil sa naka leave si Ms. Zuela ng tatlong araw ay si Rich na muna ang mag rereport kay sir Andrei sa office nito tungkol sa sales at updates ng cafe.

"this report is impressive, in such a short time the customers who visit our store are increasing specially on weekends" saad ni Andrei habang nirereview ang report na dinala sa kanya ni Rich.

"yes sir, and they are excited para sa launching ng bagong flavor ng desserts at frappe for next week" tugon ni Rich na pinakita kay Andrei ang papel kung saan nakasulat ang bagong flavor na kanyang ginawa.

"this flavor is very unique, i guess many customers will look forward in this product, nice job there Rich" pag sang ayon ni Andrei sa proposal menu ni Rich.

"salamat po sir Andrei" tugon ni Rich at agad niyang inayos ang mga papers sa kanyang dala dalang folder.

Tumayo naman si Andrei para may kunin sa drawer na malapit sa pinto ng kanyang office ngunit bigla nalang siyang napatigil at biglang nahilo na agad naman na ikinabahala ni Rich.

Dali daling pinuntahan ni Rich si Andrei at inalalayan ito pabalik sa kanyang upuan.

"sir Andrei? ayos lang po ba kayo? may masakit po ba sa inyo?" si Rich na inaayos ang pagkakaupo ni Andrei na nakahawak lang sa ulo nito na iniinda ang sakit.

Nang maiayos si Andrei sa kanyang upuan ay agad na kumuha si Rich ng isang baso ng tubig para kahit papaano ay guminhawa ang pakiramdam ng kanyang boss.

Agad may kinuha na kung ano si Andrei sa bag niya at agad ininom ito na nananatili pa ding nakaalalay si Rich sa kanya.

"sir Andrei, tatawagin ko lang po yung company nurse" si Rich na aalis na sana sa tabi ni Andrei ngunit agad hinawakan nito ang kamay ni Rich upang pigilan.

"di na kailangan Rich, maybe i'm just tired, (hinagod ni Rich ang likudan ni Andrei) busy kasi dito sa kumpanya nung mga nagdaang linggo, baka na stress lang ako" saad ni Andrei at muli nitong ininom ang tubig na binigay ni Rich.

"sir, dapat po ay iniingatan niyo din po ang kalusugan niyo, mahirap pong magkasakit sa panahon ngayon, dapat po ay nagbabakasyon kayo at nagrerelax paminsan minsan" saad ni Rich at bumalik na ito sa kanyang upuan ng tila bumuti na ang pakiramdam ni Andrei.

"you think so? (napaisip) well, i guess  your right, di din kasi maiwasan na kailangan pagtuunan ng pansin itong kumpanya ng mabuti, i've worked so hard to build this empire, ayokong mabalewala ang paghihirap ko sa pagbuo nito ng dahil lang sa napabayaan ko ito ng saglit, i've put my heart and soul in this company" paliwanag ni Andrei na ikinahanga naman ni Rich.

"kitang kita naman po sir, kaya nga po ang Silvano Distillery pa din ang nangungunang brand pagdating sa mga liquors dito sa bansa for five consecutive years, and i'm sure ito pa din ang mangunguna this year" si Rich na ikinangiti naman ni Andrei.

"i hope so Rich, matindi ang kumpitensya sa business world, that's why you must be always at your hundred percent and focused all the times, (biglang naalala) and speaking about vacation, i remember that we are planning para sa second branch ng G&G cafe, napagpasyahan na sa baguio ito itatayo to attract foreign tourist easily" saad ni Andrei.

Love, Money, DebtTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon