Twenty Eight

71 8 5
                                    


Matapos mailabas ang kanyang hinanakit na matagal na niyang kinikimkim sa mahabang panahon ay nakaramdam si Gab ng gaan sa kanyang kalooban, na tila ba nabawasan ang bigat na dinadala nito sa kanyang puso.

Sa loob kasi ng mahabang panahon ay ngayon lang nagkaroon ng lakas ng loob na magbahagi si Gab ng kanyang problema at mga hinanakit sa iba.

"Salamat Rich, buti nalang at nandito ka (bahagyang ngumiti si Gab na ikinagulat ni Rich) alam mo, gumaan yung pakiramdam ko, parang nawala yung barang matagal nang nagpapasikip sa dibdib ko" si Gab na tinignan si Rich na kababakasan ng ngiti sa mukha nito.

Sa unang pagkakataon, ngayon lang nakita ni Rich ang mga ngiting iyon kay Gab, lalong lumabas ang kagwapuhan ni Gab dahil umaliwalas na ang mukha nito na kababakasan ng natural nitong ngiti.

"Sabi ko naman sayo, wag mong masyadong kimkimin yung mga problema, di naman kasi maiiwasan sa buhay natin yung mga ganung bagay, sa bawat araw ay may bago tayong suliranin na kakaharapin, kaya naman, tandaan mo lang na kapag mabigat na ulit yung dinadala mong hinanakit diyan sa dibdib mo, nandito lang naman ako at handang makinig sayo, i may not be a good adviser but i can assure you that i'm a good listener" tugon ni Rich.

"well, thanks again (tumingin sa magandang liwanag ng buwan) na realize ko na hindi ko dapat ikumapara yung ibang tao sa stepmom ko, i should know them first before judging" si Gab na sinang ayunan naman ni Rich.

Nagulat naman si Rich ng biglang tumayo si Gab mula sa pagkakaupo nito sa duyan at bigla nalang itong naghubad ng pang itaas nitong damit.

"uy Gab! (nanlaki yung mga mata) anong ginagawa mo?" si Rich na napahawak pa sa bibig nito dahil sa pabigla biglang paghubad ng pang itaas ni Gab.

Napangiti naman si Gab sa reaksyon ni Rich at napailing nalang ito.

"gusto kong lumangoy, (hinawakan ang kamay ni Rich sabay hila) tara!" si Gab na pilit hinihila si Rich patungong dagat pero pumapalag ito.

"uy teka Gab!, di ako marunong lumangoy!" paghisterical ni Rich pero patuloy pa din si Gab sa paghila sa kanya.

Napahinto naman si Gab sa paghila kay Rich bago ito nagsalita.

"nandito naman ako, at saka di kita pababayaan, tara na kasi!, ngayon lang ako nag aya oh!" si Gab na bigla nalang napa pout ng lips na ikinangiti nalang ni Rich dahil ang cute ni Gab sa hitsura niyang yun at para siyang isang bata na ngayon lang nakapag enjoy sa buhay.

"okay sige, basta sa malapit lang tayo ha? Game!" si Rich na tinanguan lang ni Gab at agad na silang tumakbo para lumangoy at magtampisaw sa dagat.

Habang nagkakasiyahan sina Gab at Rich sa ginhawang hatid na dulot ng dagat ay naiwan naman ang napakagwapong litrato ni sir Andrei sa may duyan na nagtataglay ng napakatamis nitong ngiti.

~~~~~~~~~

Sa tinutuluyang apartment ni Jeric sa labas ng mansyon ng mga Silvano...

Di naman madalaw dalaw ng antok si Jeric kaya naisipan nitong magpahangin sa may veranda sa labas ng apartment.

Umupo si Jeric sa kung saan ay makikita niya ang kabilugan ng buwan at nag gagandahang bituin na nagniningning sa kadiliman ng buong kalangitan.

'ano ba tong naiisip ko' nasabi nalang ni Jeric sa kanyang isipan kalakip ng malalim na buntong hininga.

Di naman nagtagal at nakita siya nung hardinero sa mansyon at agad nitong nilapitan si Jeric.

"di ka makatulog? (umupo sa tabi ni Jeric) namimiss mo na pamilya mo ano?" saad ng hardinero.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 31, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Love, Money, DebtTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon