Sabi nila, maikli lang ang buhay, kung gaano kabilis lumipas ang panahon ay ganun din kabilis dumaan ang buhay ng isang tao, maiisip mo nalang ang mga salita na 'parang kailan lang', na 'sana nagawa ko ang ganito o ganyan'. Pero ano ba talaga ang hangarin o nais natin sa ating buhay? ang lumigaya lang ba?
~~~~~~~~~
Lumipas ang mga buwan at naging maayos naman ang pamamalakad ni Rich sa SDC, lahat ng natutunan niya ay ginamit niya para magampanan niyang mabuti ang tungkuling iniwan sa kanya ni Andrei.
May mga oras na halos sumuko na si Rich sa mga pagsubok na dala ng kumpanya, pero inisip nalang niya na kaya niya ito, at nangako siya kay Andrei hanggang sa pagbabalik nito, at isa pa ay hindi naman siya pinabayaan ni Atty. Saavedra at maging ni Ms. Zuelo na naging katuwang niya sa pagsubok na ito.
May mga oras din na iniinsulto siya ni Sabrina at pinag iisipan ng masama, pero di nalang niya ito pinapansin pa para di na lumaki ang gulo at para di na maapektuhan pa ang kanyang trabaho.
Naging maayos din naman ang pakikitungo sa kanya ni Gab, gaya nga ng sinabi niya ay ginagawa niya ito para sa kanyang ama, kaya kahit labag sa kanyang kalooban ay nakipagtulungan nalang siya kay Rich para sa ikabubuti ng kumpanya.
(makalipas ang walong buwan)
Sa opisina ni Sabrina...
Labis ang panggagalaiti nito sa nangyari sa party ng SDC.
"bwiset talaga yang Rich na yan! napakalakas ng loob niya na ipahiya ako sa mga empleyado?" pagkairita ni Sabrina.
"ikaw naman kasi Mars, bakit mo ba kasi naisipang buhusan si Rich ng wine sa harap ng madaming tao? malamang ganun talaga ang gagawin niya sayo" saad ng kaibigan ni Sabrina.
"dahil dapat lang sa kanya yun Brigette, masyado kasi siyang pa-bida, ako dapat ang tinitingala at hinahangaan ng mga empleyado dito sa kumpanya at hindi siya!" pagkabwiset ni Sabrina.
"pero Mars, sa ginagawa mo ikaw lang ang nagmumukhang tanga at masama sa paningin ng lahat, para kang isip bata sa mga ginawa mo kay Rich" saad ni Brigette na ikinataas ng kilay ni Sabrina.
"teka nga! sino ba ang mas kinakampihan mo sa amin? ako ang kaibigan mo Brigette! may i remind you of that fact?" si Sabrina na ikinailing naman ni Brigette.
"of course Sabrina, you are my friend, kaya nga sinasabi ko sayo ang mga bagay na ito, hindi kita kukunsintihin sa mga ganyan, there are better ways to prove yourself" paliwanag ni Brigette na ikinairap sa kanya ni Sabrina.
"hay nako, ewan ko sayo, humanap ka nalang ng kausap mo!" si Sabrina na bigla naman pumukaw sa kanilang atensyon ang ingay sa labas.
"nandyan na si sir Andrei?" mga katagang narinig nila sabrina mula sa labas ng kanyang opisina.
Dahil sa pagkakadinig noon ay agad lumabas sina Sabrina para kumpirmahin ang kaniyang narinig.
"Hoy kayo! ano yung pinagtsitsismisan niyo tungkol kay Andrei?!!" bulyaw ni Sabrina sa mga nagkumpulang empleyado.
"sorry po ma'm Sabrina, ibinalita ko lang naman po na nagbalik na po si Sir A" saad ng babaeng empleyado na labis ikinagulat ni Sabrina.
••••••••••
Sa opisina ni Andrei...
Dahil sa pagod ay naisipan ni Rich na dumungaw muna sa may bintana para lumanghap ng sariwang hangin.
'sana naging maayos naman ang lahat kay sir Andrei, kaunting panahon na lang at tiyak babalik na siya' saad ni Rich sa kanyang isip.
May pumasok naman sa kanyang opisina pero di na niya ito nilingon pa dahil baka si Aifah lang ito dala ang ibang papeles na kailangan niyang pirmahan.
BINABASA MO ANG
Love, Money, Debt
RandomPag-ibig, ang salitang ito ay importanteng pakiramdam sa buhay ng isang tao, masasabi mong masarap mabuhay pag mayroon ka nito. Pera, ang salitang ito ay importanteng bagay sa buhay ng isang tao, masisiguro mo ang buhay pag meron ka nito. Sa madalin...