One: kasawian ng puso

107 6 0
                                    


Minsan sa buhay natin, darating ang panahon na kailangan natin mamili,  kung ang kasiyahan ba natin? o kasiyahan ng ibang tao? pero dahil nabubulag tayo sa pag-ibig, mas pipiliin natin ang maging masaya para sa ating sarili, na handa tayong isakripisyo ang lahat para dito, kahit na ito ay mali sa paningin ng iba.

"Mas pipiliin mo ang lalaking iyon kaysa sa sarili mong pamilya?!!" Bulyaw ng ama ni Rich habang nag iimpake ito ng kanyang mga gamit.

"anak, pag isipan mo muna ang gagawin mo? paano na kami ng tatay mo? iiwan mo nalang kami ng ganun na lang?" saad naman ng ina ni Rich na pilit kinakalma ang sitwasyon.

Ngunit, tila wala nang makakapigil pa sa desisyon ni Rich.

"Mahal ko siya ma! kung hindi niyo tanggap iyon ni papa, mas mabuti na siguro ang ganito" tugon ni Rich sa kanyang mga magulang.

Di naman na napigilan pang maluha ng ina ni Rich, dahil mas pinili nito ang lalaking sinisinta kaysa sa kanila.

"Hayaan mo ang suwail na baklang yan!! kaya nating mabuhay ng wala yan!! pero ito ang tatandaan mo Rich, wala ka ng kikilalaning mga magulang!! itinatakwil ka na namin! hindi mo na kami binigyan ng kahihiyan! tinanggap namin ang pagkatao mo tapos ano?!" sigaw ng ama ni Rich na tumagos sa kanyang puso.

Mahirap ang desisyon na ito ni Rich, pero masaya siya sa piling ng kanyang lalaking minamahal, na kahit itakwil pa siya ng kanyang mga magulang ay wala na siyang pakialam pa.

"pagsisisihan mo ang desisyon mong ito! tandaan mo yan!" ito ang huling salitang narinig ni Rich sa kanyang ama bago niya tuluyang lisanin ang kanilang bahay.

Lulan ng taxi ay di napigilan ni Rich ang maiyak, masakit ito para sa kanya, pero para sa pagmamahal ay handa niya itong tiisin, kahit pa ito ay mali...

********************

...Sa isang Fastfood Restaurant...

"may surpresa ako sayo" masayang saad ni Rich sa kanyang nobyo na si Jeric.

Natigil naman sa paglalaro ng cellphone ang lalaki at agad tinignan si Rich sa mga mata nito.

"kakabigay mo lang sa akin nitong bagong damit tapos may surpresa ka nanaman? masyado mo na akong iniispoiled niyan eh" si Jeric na halatang interesado din sa kung ano ang surpresa ni Rich.

Agad na inilabas ni Rich ang isang susi mula sa kanyang bulsa at ipinakita niya ito kay Jeric.

"para saan naman ang susi na yan?" labis na pagtataka ni Jeric.

"di ba napag usapan natin noon na, magsama na tayo sa iisang bahay?  kaya eto, kumuha ako ng apartment para sa ating dalawa" masayang balita ni Rich kay Jeric na ikinatahimik naman nito.

Napansin naman ni Rich ang biglaang pagtahimik ni Jeric, na tila hindi ito natuwa sa kanyang sorpresa.

"bakit parang di ka masaya? ikaw na din ang nagsabi diba? para makatipid ka sa pambayad ng upa sa bahay, lalo na at pinag aaral mo pa yung mga kapatid mo, at least pag magkasama tayo eh, magtutulungan tayong dalawa, para hindi ka na mahirapan" paliwanag ni Rich ngunit tila may bumabagabag talaga sa isip ni Jeric.

Hinawakan ni Jeric ang kamay ni Rich at huminga ito ng malalim.

"Rich, di na muna tayo pwedeng magsama, di ba nabanggit ko naman sayo na may niligawan akong babae? (huminga ng malalim) sinagot na niya ako at nagsasama na kaming dalawa sa inuupahan ko" paliwanag ni Jeric na labis ikinagimbal ng mundo ni Rich.

Alam naman ni Rich na maliban sa kanya ay may babaeng kinahuhumalingan si Jeric, pero dahil sa mahal niya ito ay pumayag nalang siya sa nais ng kanyang lalaking minamahal, alam kasi ni Rich sa sarili niya ay may mga bagay siyang di maibibigay kay Jeric na mahahanap lang nito sa isang tunay na babae na wala sa kanya na isang hamak lamang na bakla.

Love, Money, DebtTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon