(SDC building)
"mukhang malalim nanaman ata ang iniisip mo ah" saad ni Aifah kay Rich matapos ilagay nito ang mga papeles sa lamesa.
Hanggang ngayon kasi ay hindi pa din nahahanap ni Rich ang nanay niya, kaya labis pa din ang pag aalala nito.
Napabuntong hininga lang si Rich habang nakatanaw sa bintana sa pagkakaalala sa kanyang ina.
"Rich, ginagawa naman nila atty. Saavedra ang lahat, tska for sure hinahanap ka din ng nanay mo, pag nakita niya yung mga poster na pinakalat natin, tatawagan ka nun o sa kung sino man ang makakakita sa kanya" pagdamay ni Aifah kay Rich.
"pero Aifah, nag aalala ako kay inay, hindi ko alam kung nasa maayos ba siya? kung nakakakain ba siya ng mabuti? nakakatulog ng mahimbing? ang hirap isipin na habang ako ay nandito eh baka yung nanay ko naman ay naghihirap sa sitwasyon" si Rich na di maiwasang pumatak ang luha sa kanyang mga mata.
"Rich, for sure nasa maayos na lagay ang nanay mo, kaya kailangan mong magpakatatag para sa kanya, malay mo, namasukan siya kung saan, pero sa ngayon, kailangan natin mag focus para sa grand launching mo ng bagong liquor na ilalabas mo para sa SDC, sabi kasi ni Vienne na parang may pinaplano nanaman si ma'm Sabrina laban sayo" si Aifah at agad naman pinunasan ni Rich ang kanyang mga luha.
"kahit kailan talaga ay hindi ako tinitigilan ng babaeng yan, di ako papayag na sirain niya ang Event ko, this liquor that i will present will be a tribute to sir Andrei, importante ang event na ito, para sa tuwing makikita nila ang SDC ay maaalala pa din nila si sir Andrei, ang taong bumuo at nagtatag ng kumpanyang ito" si Rich na nababahala sa maaring gawing gulo ni Sabrina.
"wag kang mag alala Rich, aalamin namin ni Vienne ang binabalak ni ma'm Sabrina, and we'll assure you na di siya magtatagumpay" si Aifah na ikinapanatag naman ng kalooban ni Rich.
"salamat Aifah, buti nalang at nandyan kayo nila Vienne, di nga nagkamali si sir Andrei, na marami ang gustong kumuha ng lahat ng pinaghirapan niya" si Rich na napailing nalang.
"kaya nga don't let your guard down, but first, you need to prepare for the presentation along with the board members, okie?" si Aifah na sinang ayunan naman ni Rich.
~~~~~~~
sa opisina ni Sabrina...
"bwiset talaga yang Rich na yan!!!" si Sabrina na nanggagalaiti sa galit.
Bigla naman pumasok ang kanyang ama sa kanyang opisina.
"what's with that look?" pagbungad ng kanyang ama na agad naupo kaharap niya.
"papa, why are you here?" si Sabrina at inayos ang kanyang sarili.
"we have a board meeting don't you remember? o baka naman tuluyan ng na distract yang utak mo kakaplano ng childish acts mo laban kay Rich?" tugon ng ama ni Sabrina habang pinapaikot ang globo na nakadisplay sa lamesa.
"papa, that gay freak is getting through my nerves, may consultant atang psychic yan at nakokontra palagi ang mga plano ko sa kanya" pagka bwisit ni Sabrina.
"Seriously? you called that a plan? ano? ang buhusan siya ng wine in front of people? ang ikulong siya sa opisina niya para maleyt sa meeting? ang sirain ang gulong ng sasakyan niya to get his clients? those are some examples of your plan? at the first place you called that a plan? where does your tiny brain come from?" pagka disappoint ng ama ni Sabrina.
"papa, i'm trying my best here to take that gay out of the picture, but hindi ko akalain na magiging kasing husay niya si Andrei in this field" tugon ni Sabrina.
"what do you expect? Andrei was prepared for this, he became aware about what will gonna happen, kaya pwede ba, kaysa pinapairal mo yang childish acts mo against Rich, just follow my order to you" paliwanag ng ama ni Sabrina.
BINABASA MO ANG
Love, Money, Debt
RandomPag-ibig, ang salitang ito ay importanteng pakiramdam sa buhay ng isang tao, masasabi mong masarap mabuhay pag mayroon ka nito. Pera, ang salitang ito ay importanteng bagay sa buhay ng isang tao, masisiguro mo ang buhay pag meron ka nito. Sa madalin...