May mga pangyayari talaga sa buhay natin na talagang susubukin tayo sa kung hanggang saan ang kakayanan natin, nasa ating mga sarili nalang kung lalaban ba tayo para harapin ito? o hahayaan nalang natin ito at tatanggapin ang ating pagkatalo.
~~~~~~~~~~
"Ma'am Sabrina" pagkagulat ni Rich ng makita si Sabrina na nandoon.
"I'm asking you a question! and i'm not gonna repeat it again, so listen carefully, where the hell is Andrei?" si Sabrina na mahigpit pa din na nakahawak sa balikat ni Rich.
Di naman maisip ni Rich sa kung ano ang sasabihin niya kay Sabrina dahil di pwedeng malaman nito na nasa ospital si Andrei dahil baka malaman nito ang sikreto nila tungkol sa sakit ng kanyang boss.
Isa pa ay kailangan din niyang kumprontahin si Jeric pero sa kasamaang palad, paglingon niya ay di na niya nakita sila Andrea sa labas, malamang ay nakasakay na ang mga ito pauwi.
"are you deaf? or maybe you are hiding something" si Sabrina ng hindi siya masagot ni Rich.
"Ma'm Sabrina, nasa meeting pa po kasi si sir Andrei" palusot nalang ni Rich.
"meeting? at this time? are you kidding me?! and you? why are you here? di ba dapat kasama ka niya?" si Sabrina na binitiwan ang pagkakahawak niya sa braso ni Rich.
"may kailangan pa po daw kasing asikasuhin si sir sa meeting, kaya pinauna niya na po ako" si Rich na sobrang kaba ang nararamdaman.
"asikasuhin? o baka naman pinagtatakpan mo lang si Andrei dahil may babae siya?! siguro magkasama silang dalawa ngayon no?" pagdududa ni Sabrina.
"nako, mali po kayo ng iniisip, trabaho lang po talaga ang pinagkakaabalahan ni sir Andrei" pagdepensa ni Rich kay Andrei.
"well then, malalaman ko din naman yan, i think i'll just wait Andre in his room, do you have his key?" saad ni Sabrina.
Mas lalo naman na kinabahan si Rich dahil baka ikawindang ni Sabrina kapag nalaman niya na sa iisang kwarto lang sila ni Andrei tumutuloy.
"nako ma'm, dala po iyon ni sir Andrei, alam niyo naman po na private person si sir" palusot muli ni Rich.
"well your right, i guess i'll just wait him here in the lobby, pero teka? saan ka nga pala pupunta, mukhang nagmamadali ka kanina?" pagtataka ni Sabrina ng maalala niya ang nangyari kanina.
'ano ba naman to si Ma'm, talagang pipigain ka sa mga tanong eh' sa isip ni Rich dahil nauubusan na siya ng mga palusot dito.
"uhmm, naisipan ko lang po sana na maglibot sa labas, para makalanghap din po ng sariwang hangin" muling palusot ni Rich na mukhang pinaniwalaan naman ni Sabrina.
"okay, then go, kahit na wag ka nang bumalik" nasabi nalang ni Sabrina at agad na itong umupo sa couch ng lobby para hintayin si Andrei.
Agad naman na pinulot ni Rich ang nahulog niyang bag at agad lumabas ng hotel para tawagan si Andrei.
Ilang ring lang ay agad naman itong sinagot ni Andrei.
"sir Andrei, may problema po tayo" pagbungad ni Rich ng masagot ni Andrei ang cellphone nito.
"yes Rich, anong problema?" tugon ni Andrei mula sa kabilang linya ng telepono.
"sir, nandito po si Ma'm Sabrina, hinahanap niya po kayo" tugon ni Rich na labis na ikinagulat ni Andrei.
Walang nagawa si Andrei kundi ang magpa discharge ng maaga sa ospital at bumalik ng hotel, mahirap na at baka malaman pa ni Sabrina ang tungkol sa kanyang kalagayan.
Pagkalipas ng isang oras ay agad naman dumating si Andrei lulan ng taxi.
"Sir Andrei, pasensya na po, wala na kasi akong maisip pa na palusot kay ma'm Sabrina" pagsalubong ni Rich kay Andrei.
![](https://img.wattpad.com/cover/226509114-288-k413967.jpg)
BINABASA MO ANG
Love, Money, Debt
SonstigesPag-ibig, ang salitang ito ay importanteng pakiramdam sa buhay ng isang tao, masasabi mong masarap mabuhay pag mayroon ka nito. Pera, ang salitang ito ay importanteng bagay sa buhay ng isang tao, masisiguro mo ang buhay pag meron ka nito. Sa madalin...