Twenty Four

30 5 0
                                    

Maganda ang umaga na ito para kay Rich, dahil sa matagumpay niyang nairaos ang anniversary ng SDC at ng kanyang product launching.

Ito din ang araw ng kaarawan ni Gab, at dahil sa hindi naman masyadong abala ngayon sa SDC ay nag day off nalang si Rich para mapagtuunan niya ang pagluluto ng ilan sa mga paboritong pagkain ni Gab na ihahanda nila mamaya sa kanilang surpresa.

Matapos mag ayos ng kanyang kwarto at ng kanyang sarili ay agad na bumaba si Rich sa kusina kung saan abala sina manang Dely sa paglilinis.

"Good morning ho" masayang pagbati ni Rich na tila kakatapos lang kumain ng almusal ang mga kasambahay

"magandang umaga nak, wala ka bang pasok ngayon sa trabaho? katatapos lang namin mag agahan" si manang Dely na abala sa pagpupunas ng mga plato.

"nako nay Dely, nagpa off po talaga ako sa araw na ito, para makatulong din ho ako sa pagluluto ng ilan sa ihahanda natin sa kaarawan ni Gab para mamaya" masayang saad ni Rich.

"ikaw talaga, nako ewan ko nalang kung hindi pa matuwa si sir Gab niyan, sa sarap mo ba namang magluto eh" tugon ni manang Dely.

"nako, sana nga ho matuwa siya sa surpresa natin mamaya" si Rich na halatang excited na sa pagluluto at agad namang kumuha ng plato para mag almusal.

"nako, ang balita ko ay may inuman sina sir Gab mamaya, makakauwi kaya siya para sa surpresa natin?" pag aalala ni manang Dely.

"ay opo, sabi kasi ng sekretarya ko (pagtukoy kay Aifah) ay di naman daw aabutin ng magdamag yung inuman na yun at may importanteng kliyente din ho si Gab kinabukasan kaya, tiyak ay maaga ho yun uuwi at di magpapakalasing" paniniguro ni Rich.

"buti naman kung ganoon at hindi masasayang yung lulutuin natin mamaya" saad ni Manang Dely.

Sa pag uusap nila manang Dely at Rich ay agad naman na sumulpot si Glenn sa kusina, mahahalata na bagong gising pa lamang ito dahil papungas pungas ito sa paglalakad papunta sa kanila.

"good morning Glenn, nako, di pa ba kayo nag aalmusal nila donya Carmela?" saad ni Rich habang naupo naman si Glenn sa upuan na kaharap ni Rich.

"ay, umalis si donya Carmela kasama si sir Gab, sa labas nalang daw sila mag aalmusal" si Manang Dely.

"opo ate Rich, inaya nila ako pero gusto ko pa matulog eh" saad ni Glenn habang kumukuha ng pritong hotdog sa may lamesa.

"ikaw talaga, binati mo na ba ang kuya Gab mo?" si Rich na binigyan ng plato si Glenn.

"opo ate Rich, di naman mahilig mag celebrate ng birthday si kuya, ayos na siya sa inuman lang kasama ng barkada niya, ewan ko ba dun" saad ni Glenn sabay sandok ng pagkain nito.

Gusto sanang tanungin ni Rich kung bakit ayaw mag celebrate ng party ng kanyang kuya Gab, pero tingin niya ay wala din ideya si Glenn tungkol dun.

"magandang umaga ho" pagbati ni Jeric na ikinagulat naman ni Rich lalo na ng makita niya na naka-sando lamang ito at kakikitaan ng pawis sa ilang parte ng sando at katawan nito.

Kitang kita ni Rich ang magandang hubog ng balikat at braso ni Jeric.

Noon pa lang kasi, nung panahon na magkarelasyon sila ay alaga na talaga ni Jeric ang katawan nito kaya naman di maikakaila ang pagiging habulin ni Jeric sa mga babae, samahan pa ng morenong kulay nito at gwapong hubog ng mukha.

Mas lalong napalunok si Rich ng mapagmasdan niya si Jeric na pinupunasan ang braso at leeg nito na basa ng pawis dahil lalong humuhubong ang muscle sa balikat at braso nito kada ito ay nagpupunas.

"oh hijo, sabayan mo nang mag almusal sila sir Glenn at Rich, tiyak ay nagutom ka sa paglinis ng sasakyan" saad ni Manang Dely na tinanguan naman ni Jeric.

Love, Money, DebtTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon