two: paglubog sa lusak

67 7 0
                                    


Minsan, darating talaga sa buhay natin na mapipili natin ang maling desisyon na magdudulot sa atin ng kasawian, pero ang importante ay ang matuto tayo sa aral na hatid nito upang di na mangyari pang muli ito sa atin.

~~~~~~~~

Labis na pag aalala ang namutawi sa isipan ni Rich tungkol sa kanyang mga magulang.

Dahil di man lang niya natulungan ang mga ito sa oras na siya ay labis nilang kailangan.

"mapapatawad pa kaya nila ako?" yun lang ang tanging nasabi ni Rich habang nakadungaw siya sa balkonahe ng kanyang inuupahang apartment at pinagmamasdan
ang madilim na kalangitan.

••••••••

Dahil sa di mapanatag ang kalooban, ay nagpasya si Rich na umuwi ng kanilang probinsya para puntahan ang kanyang mga magulang at hingin ang kapatawaran ng mga ito.

"buti nalang pumayag si sir sa hiningi mong leave, pero besh naman, wag kang lalagpas sa leave na binigay sayo, aba! hindi ko na alam ang gagawin kong pagkukumbinse kay sir para wag ka lang niyang tanggalin" si Vienne habang inaantay nila ni Rich ang pagdating ng sasakyan nitong barko pauwi.

"Vienne, salamat ng marami, isa ka talagang tunay na kaibigan, bayaan mo, makakabawi din ako sayo, promise babalik agad ako, baka kasi mamaya sesantihin na talaga ako ni sir" si Rich na niyakap ng mahigpit ang kaibigang si Vienne.

"sige na, pumunta ka na dun sa barko, baka mamaya maiwan ka pa, sayang yung binayad mo" si Vienne na sinang ayunan naman ni Rich.

Sa mga panahon na iyon, ay laking pasalamat nalang ni Rich at nagkaroon siya ng isang matalik na kaibigan na handa siyang tulungan sa oras ng pangangailangan.

•••••••

Makalipas ang kalahating araw ay narating na ni Rich ang kanilang probinsya.

Bawat oras na siya ay papalapit sa kanyang pupuntahan ay patindi naman ng patindi ang kaba na kanyang nararamdaman.

Ang nasa isip nalang niya ay sana mapatawad siya at muli siyang tanggapin ng kanyang mga magulang na kanyang iniwan.

Di nagtagal at nakita na niya ang bahay ng kanyang tiya (kapatid ng ina ni Rich) lulan ng traysikel na kanyang sinakyan, kung saan dito tumutuloy ang kanyang mga magulang.

Pero, labis na pagtataka ang bumalot sa kanyang isipan pagkababa niya ng traysikel ng makita niya ang kumpulan ng tao at may mga naglalaro pa ng baraha sa labas kung saan nakatayo ang malaking tolda.

Kakaiba ang pakiramdam ni Rich ng mga panahon na iyon, tiyak niya na may pinaglalamayan sa bahay ng kanyang tiya.

Pagkarating sa tolda ay bumungad sa kanya ang mga mata ng mga taong nandoon na nakikiramay, at laking gulat nalang niya ng mabasa ang pangalan ng taong pinaglalamayan ng mga nandoon.

"itay???" ang tanging nasabi lang ni Rich na naging sanhi upang mabitawan niya ang mga dalang kagamitan at doon ay bigla nalang umagos ang luha sa kanyang mga mata.

Di siya makapaniwala at talagang ayaw niyang paniwalaan na ang pinaglalamayan doon ay ang kanyang ama.

Napaluhod siya sa kanyang lupang kinatatayuan habang walang patid na bumabagsak ang mga luha mula sa kanyang mga mata.

Labis na pumukaw ng atensyon ang pagdating ni Rich sa mga taong nandoon kaya naman agad siyang nakita ng kanyang tiyahin.

"Rich? (agad tumakbo palapit kay Rich) nako ikaw nga" saad ng kanyang tiyahin at sinalubong siya ng yakap nito habang siya ay nakaluhod sa lupa at walang patid ang iyak.

Love, Money, DebtTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon