Nabigla si Rich ng hawakan ni Gab ang kanyang kamay habang pinupunasan niya ang hubad na pang itaas na katawan nito."G-Gab?!" nasabi ni Rich ng magtama ang mata nila ni Gab pagkamulat nito.
Sa totoo lang ay may halong takot at kaba ang tagpong iyon para kay Rich, baka kasi mamaya ay bigla nalang siyang saktan ni Gab lalo pa at sobra ang pagkalasing nito, idagdag pa yung pangyayari sa surprise birthday kanina na baka bigla din niyang maalala.
Pero di niya inaasahan ang mga salitang nanggaling sa bibig ni Gab sa pagtama ng kanilang paningin.
"di ko sadya..... patawad" mahina at malumanay pero malinaw na sambit ni Gab, yun nga lang, mahahalata pa din ang pagkalango nito sa alak dahil sa pagbigkas nito.
Di man makapaniwala si Rich ay labis na pumukaw sa kanyang puso ang sinabi ni Gab, na tila agad nabura sa kanyang ala ala ang pangyayari kanina, dahil alam naman niya na nabigla lang si Gab kaya niya nagawa yun.
"naiintindihan kita Gab, kasalanan ko din naman, dapat ay inalam ko muna ang mga bagay bagay at di nagpadalos dalos" si Rich pero ng tignan niya muli si Gab ay nakapikit na muli ito at tila bumalik na ito sa himbing nitong pagkakatulog.
Napangiti nalang si Rich at agad na din niyang tinapos ang pagpunas at pagbihis kay Gab.
"Nandito lang ako Gab (hinaplos ng banayad ang pisngi ni Gab) tutulungan kita" tanging nasabi ni Rich bago niya lisanin ang kwarto ni Gab.
Pagkaalis ni Rich ng kwarto ay may luha na dumaloy mula sa mga mata ni Gab at muli itong nagmulat kasabay ng malalim nitong pagbuntong hininga.
"salamat" saad ni Gab at nagpatuloy na muli ito sa kanyang pagtulog.
PAGSAPIT NG UMAGA...
Naalimpungatan si Gab dahil sa nakaramdam siya ng gutom, kaya naman agad na siyang lumabas ng kanyang kwarto para maghanap ng makakain.
Sakto naman dahil may mga pagkain nang nakahain sa lamesa at naroon na din sina Donya Carmela at Glenn para mag almusal.
"Pwede ba?! alisin niyo na ang mga basurang pagkain na to! baka mamaya kung ano pa ang inihalo ng baklang yun at sumakit pa ang tiyan namin" saad ni Donya Carmela sabay kuha ng tinapay.
"La? ang aga-aga highblood agad kayo" pagbati ni Gab sabay halik sa pisngi ng kanyang lola at agad na itong naupo.
"pano kuya, gustong ipatapon ni lola yung mga niluto ni ate Rich para sayo, eh mga paborito mo to eh" si Glenn na kumuha pa din sa nakahain sa lamesa.
"Glenn? wag mong kainin yan! (tumingin kay manang Dely at sa kasambahay sa likod nito) wag na kasi kayong patayo tayo, kunin niyo na ang mga pagkain na to at itapon niyo na o ipakain niyo sa mga pakalat kalat na aso sa kalsada! (tinignan ang isang kasambahay) ikaw naman! ipag prito mo nalang kami ng itlog at mag titinapay nalang kami" utos ni Donya Carmela.
Pero bago pa man makalapit sina manag Dely para alisin ang mga nakahain sa lamesa ay pinigilan ito ni Gab.
"Hayaan niyo na (natigilan sina manang Dely) kakainin ko ang mga yan" saad ni Gab na ikinatuwa naman ni Glenn.
"yehey! masarap yan kuya! tsaka pinaghirapan yan ni ate Rich para sayo" si Glenn at agad ng kumain dahil kanina pa ito natatakam. "mmmmm.. sarap!! the best talaga si ate Rich!" pahabol ni Gab ng matikman ang pagkain.
"Gab???! lasing ka pa ba? alam mo pa ba yung sinasabi mo?" pagtataka ni Donya Carmela.
"La, kumain nalang ho tayo, paborito ko ang mga to, imposible naman na lagyan ni Rich to ng kung ano, tsaka gutom na ho talaga ako" si Gab at nagsimula ng kumuha ng pagkain.
BINABASA MO ANG
Love, Money, Debt
RandomPag-ibig, ang salitang ito ay importanteng pakiramdam sa buhay ng isang tao, masasabi mong masarap mabuhay pag mayroon ka nito. Pera, ang salitang ito ay importanteng bagay sa buhay ng isang tao, masisiguro mo ang buhay pag meron ka nito. Sa madalin...