(14 years ago)
Pupungas pungas na bumangon si Gab sa kanyang kama.
Gustuhin man niyang matulog pa ay wala naman siyang magagawa dahil kailangan niyang pumasok sa eskwelahan.
Agad siyang naligo at nag bihis ng kanyang uniporme bago pumunta sa hapag kainan para mag agahan.
Pagkababa ni Gab papunta sa dining ay naabutan niya na may seryosong pinag uusapan ang ama niyang si Andrei at stepmom nitong si Selena.
"love naman, di pa nga tayo nakaka isang taon dito sa mansyon ay ibebenta mo na agad?" saad ni Selena habang naghahain ng mga plato.
"pero eto lang ang tanging paraan para maisalba ko ang kumpanya" malungkot na saad ni Andrei.
Natigilan naman sila sa pag uusap ng maramdaman nila ang presensya ni Gab.
"oh anak? kanina ka pa ba diyan? halika at mag almusal na tayo (hinalkan sa noo si Gab ng makalapit ito) Happy birthday" pagbati ni Andrei kay Gab.
"good morning Gab, happy birthday" masayang pagbati din ni Selena.
"salamat po" maigsing tugon ni Gab at agad na itong kumuha ng kanyang pagkain.
"binata na talaga itong anak ko, parang kailan lang kinakalong pa kita" saad ni Andrei.
"ganun talaga love, bukas makalawa eh bigla nalang magdadala ng girlfriend yan si Gab para ipakilala sayo" saad naman ni Selena.
"Ma naman, di ko pa po naiisip yan, gusto ko pong makatapos ng pag aaral para tulungan si Dad sa negosyo" saad ni Gab.
"ang sweet naman ng anak namin, basta kung ano ang ikasasaya mo nandito lang kami ng dad mo, okay?" saad ni Selena na tinanguan naman ni Gab.
"kelangan ko ng umalis, una na ko, (humalik ulit sa noo ni Gab) mamaya na tayo mag usap ulit love (humalik naman sa pisngi ni Selena) kita tayo mamaya" paalam ni Andrei.
Pagkaalis ni Andrei ay nagpatuloy naman sa pagkain ng agahan si Selena at Gab.
"Gab, anak, naayos ko na yung baon mo, nailagay ko na dun sa bag mo, ubusin mo yun ha?" paalala ni Selena.
"oo naman ma, ikaw pa ba? the best ata yung luto mo" pagmamalaki ni Gab.
"sus! nambola ka pa nak, o siya bilisan mo na diyan at baka mahuli ka na sa eskwela mo" saad ni Selena na sinang ayunan naman ni Gab.
Matapos mag agahan ay agad ng pumasok si Gab sa eskwela.
~~~~~~~
Sa panahon na ito ay masasabing napakasaya ni Gab, simula kasi ng dumating sa buhay nila si Selena ay natupad na ang pangarap niyang magkaroon ng masaya at buong pamilya.
Bata pa lang kasi si Gab ay labis na siyang nangulila sa pagmamahal ng isang ina, lumaki siya na ang kanyang ama na si Andrei at Lola Carmela lang ang nasa kanyang tabi.
Minsan nga ay sa tuwing makikita niya ang mga kaibigan at kaklase niya noon na kasama ang ina nila ay labis na nakakaramdam ng inggit si Gab, na sana ay maramdaman din niya ang pagmamahal ng isang ina.
Kaya naman ng ikinasal ang kanyang ama na si Andrei kay Selena ay isa siya sa pinaka masaya dahil sa wakas ay nagkaroon na siya ng matatawag niyang ina.
Pero lingid sa kanyang kaalaman, na sa mismong kaarawan niya ay masisira ang pamilya na pinangarap niya.
~~~~~~
Matapos ang eskwela ay niyaya niya ang kanyang bestfriend na si Jonson sa kanilang mansyon para maglaro ng video games.
Pero nagulat nalang siya ng pagkabukas niya ng pintuan ng kanilang mansyon ay bumungad sa kanya sina Selena na may hawak ng cake, si Andrei na karga karga ang baby na si Glenn, ang ninong niyang si Jorge at ilang kasambahay.
BINABASA MO ANG
Love, Money, Debt
RandomPag-ibig, ang salitang ito ay importanteng pakiramdam sa buhay ng isang tao, masasabi mong masarap mabuhay pag mayroon ka nito. Pera, ang salitang ito ay importanteng bagay sa buhay ng isang tao, masisiguro mo ang buhay pag meron ka nito. Sa madalin...