(sa kwarto ni Gabriel)Labis na di makapaniwala si Rich sa pagtulak sa kanya ni Gab sa higaan.
"answer me! sinong nagbigay ng pahintulot sayo na pumasok sa kwarto ko?!" si Gab na matalim ang titig sa napahigang si Rich.
Iniupo ni Rich ang kanyang sarili sa gilid ng kama at iniwasang tumingin sa hubad na katawan ni Gabriel.
Napansin naman ni Gabriel ang pagkailang sa mga kilos ni Rich.
"patawad" yun lang ang tanging nasabi ni Rich sa sobrang kabang nararamdaman niya dahil sa tila isang mabangis na hayop ang hitsura ni Gab sa ngayon.
Napangiti naman si Gab at dahan dahan na lumapit kay Rich.
"bakit parang kinakabahan ka? oh come on! (hinawakan sa braso si Rich) parehas naman tayong lalake hindi ba? so there's nothing wrong on what you see with your naked eye (binitiwan ng may kalakasan ang braso ni Rich) sorry! nakalimutan ko, bakla ka nga pala" si Gab na ikinangiti ng bahagya.
"Gab, i came here not to argue with you, nag aalala na ako sayo that's why i check up on you" si Rich na mas lalong ikinatawa ni Gab.
"your checking on me? to see my naked body? na miss mo na ba ang dad ko? tell me Rich! mas nagustuhan mo ba ang nakita mo sa akin? kaya ako na ngayon ang pupuntiryahin mo?" si Gab na tinitigan si Rich sa mga mata nito.
Di naman mapigilan ni Rich ang maluha dahil di siya makapaniwala sa mga salitang binitiwan ni Gab sa kanya.
"mali ka ng iniisip mo Gab" si Rich na mas lalong ikinatawa ni Gabriel.
"mali? so does that mean? dad was still better than me i guess, well its good to know" si Gab na kinuha ang kanyang tuwalya at itinapis ito sa kanyang baywang.
"kahit kailan Gab, di ko pinag isipan ang ama mo ng ganyang kababuyan! oo! inaamin ko, minahal ko ang ama mo, minahal ko siya dahil napaka buti ng kalooban niya, di siya nagdalawang isip na tulungan ang kagaya ko, ang pagkatiwalaan ako, pero lilinawin ko sayo na walang namagitan sa amin na kahit ano pa man! sabagay Gab (pinahid ang mga luha sa kanyang mga mata) ano bang alam mo sa pagmamahal? na kung yung sarili mo nga ay di mo magawang mahalin at napapabayaan mo na!" si Rich na ikinaigting ng galit ni Gab.
"wala kang karapatan sabihan ako ng ganyan! sampid ka lang dito!!" si Gab na akmang susuntukin niya na sana si Rich ngunit napigilan ito ng sumigaw si Donya Carmela.
"What the heck is going on here?!! (mabilis na nilapitan si Rich at agad itong sinampal) walanghiya ka talagang bakla ka!! pati apo ko ay pinagbabalakan mo ng masama?!" pagkagulantang ni Donya Carmela sa kanyang nakita.
"isipin niyo na ho ang gusto niyong isipin, tutal, kahit naman ho anong paliwanag at sabihin ko ay di niyo rin naman ako papakinggan, (hinaplos ang kanyang mukha na nasampal) nagpunta lang ho ako dito para hindi pagsalitaan ng kung anu-ano, nagpunta po ako dito dahil gusto ko lang po sana na ipaalala kay Gab na may responsibilidad po siya na hindi niya dapat pinapabayaan, ginagawa ko lang ho ang kagustuhan at habilin sa akin ni sir Andrei, yun lang po" saad ni Rich at agad na niyang nilisan ang kwarto na hindi na niya inantay pa ang sasabihin ng matanda.
"tignan mo ang bastos na iyon at inalisan nalang ako!" pagkainis ni Donya Carmela.
"La, tama na po, baka makasama lang po sa kalusugan niyo" pag kalma ni Gab sa kanyang lola.
"its hard to say this, pero may punto naman yung mga sinabi ng baklang yun, your losing your track Gab, sa ginagawa mo ay hinahayaan mo lang mapunta sa baklang iyon ang mga pinag hirapan ng ama mo, gumising ka na Gab, you are a Silvano, bear that in your mind" pangaral ni Donya Carmela sa kanyang apo.
BINABASA MO ANG
Love, Money, Debt
RandomPag-ibig, ang salitang ito ay importanteng pakiramdam sa buhay ng isang tao, masasabi mong masarap mabuhay pag mayroon ka nito. Pera, ang salitang ito ay importanteng bagay sa buhay ng isang tao, masisiguro mo ang buhay pag meron ka nito. Sa madalin...