Eight: Andrei's secret

43 5 1
                                    

'Masaya', ito yung pakiramdam na ating hinahanap sa araw-araw. Masasabi natin na masarap ang mabuhay kapag nararamdaman natin ang salitang iyan.

~~~~~~~~~~~

Maagang nagising si Rich para ihanda ang agahan nila ni Andrei.

Ininit nalang niya yung mga natirang pagkain nila kagabi sa microwave at pagkatapos noon ay nagtimpla na siya ng kape para sa kanilang dalawa.

"Good morning Rich" pagbati ni Andrei ng magising ito sa amoy ng ininit na pagkain ni Rich.

Agad na pinaghainan ni Rich si Andrei, pakiramdam niya ng mga panahon na iyon ay isa siyang may bahay na pinagsisilbihan ang kanyang asawa.

"Rich, tama na yan, maupo ka na dito at kumain na tayo" si Andrei ng mapansin na puspusan ang pagsisilbi sa kanya ni Rich.

Agad naman din sinunod ni Rich si Andrei at agad na silang kumain ng almusal.

Ngayong araw na ito ay pupuntahan nila Andrei ang site kung saan itatayo ang second branch ng G&G cafe.

Kaya naman matapos mag ayos ay agad na silang umalis ng hotel.

Pagkadating sa lugar kung saan itatayo ang G&G cafe ay labis naman ang pagkamangha ni Rich sa tanawin na nakapalibot dito.

Di talaga maaalis sa cafe na kaakibat na talaga nito ang nature na tema.

"what do you think about the place?" saad ni Andrei na gwapong gwapo sa suot nitong black leather jacket at samahan pa ng sunglasses na talagang bad boy ang datingan.

"the view was nice and so relaxing sir, tiyak di lang maeenjoy ng mga customers ang ating mga product, at the same time ay makakapag unwind pa sila dito at talagang mararamdaman nila na they are one with the nature" pag obserba ni Rich na ikinangiti naman ni Andrei.

"so i guess we will retain the same color and design base from the main branch of the cafe, maybe we will just add some few decorations, and i guess you could help me out on that one Rich" saad ni Rich na pagtango lang ang naitugon nito.

Pagkatapos noon ay agad na silang nagsagawa ng meeting kasama ng engineer at interior designer ng second branch ng G&G cafe.

Ganoon lang ang schedule nila Andrei at Rich, pupunta sila sa site every morning and afterwards ay mamamasyal na silang dalawa sa mga tourist spots sa baguio and then babalik na ulit sa hotel para magpahinga.

Pero sa ikaapat na araw nila, matapos ang meeting nila sa engineer ng G&G cafe...

"Sir kunin ko lang po yung files na pinadala nung interior designer para sa suggestion niya about sa rooftop" si Rich at agad na ulit itong pumasok sa loob ng meeting room.

Habang naglalakad si Andrei papunta sa kanyang kotse ay bigla na lamang sumakit muli ang ulo nito.

Mas matindi na ngayon ito kumpara sa dati na naging sanhi upang mabitawan niya ang mga dala niyang gamit.

Napaluhod siya sa lupang kinatatayuan niya at pilit niyang inaabot ang kanyang bag na nahulog sa lupa para kunin ang iniinom niyang gamot doon.

Pero sa bawat galaw niya ay umiikot ang kanyang paningin na mas lalong nagpapakirot sa kanyang ulo at ang mas mahirap pa doon ay bigla nalamang niyang di maigalaw ang ilang parte ng kanyang katawan dahil tila nawalan ito ng pakiramdam.

Sakto naman at agad nakita ito ni Rich at agad niyang tinakbo ang kinaroroonan ni Andrei.

"juskopo!!! sir Andrei!!!" sigaw ni Rich ng makita na nakalupasay na si Andrei sa lupa.

Napansin naman ni Rich ang pagkislot ng ilang bahagi ng kasukasuan ni Andrei at tila nahihirapan itong huminga.

Agad na tumawag ng tulong si Rich para madala sa malapit na ospital si Andrei.

Love, Money, DebtTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon