Twenty two

31 6 1
                                    


Labis nalang nagtaka si Rich ng makita niya ang kakaibang pagtingin sa kanya ni Jeric habang siya ay papalapit dito.

"Good morning Mr. Mendez, may problema ba sa kasuotan ko? may dumi ba ako sa mukha?" pagpuna ni Rich na ikinabalik naman ng ulirat ni Jeric sa pagkakatitig niya kay Rich.

"nako, wala po, pasensya na, nagandahan lang kasi ako sayo" bigla nalang nasabi ni Jeric na ikinagulat nila parehas.

Aminin man ni Rich o hindi ay tila may kung anong saya ang namutawi sa kaibuturan ng kanyang puso sa sinabi na iyon ni Jeric.

Pero hindi nalang niya ito pinahalata at iniba nalang niya ang usapan dahil baka kung saan pa mapunta ang usapin nilang iyon.

"thanks for the compliment Mr. Mendez, (nakaramdam si Jeric ng hiya sa kanyang nasabi) well as you can see, dito ka titira sa dorm na ito, di ganoon kalakihan ang mga kwarto pero centralized naman ang aircon (naglakad sa may bandang gilid na pintuan) tapos dito sa labas ang banyo niyo, puro lalaki naman kayo dito dahil ang mga kasambahay ay sa loob ng mansyon, may bakanteng kwarto diyan sa loob at pwede mo nang ayusin ang gamit mo then, after one hour ay aalis na tayo" paliwanag ni Rich na naintindihan naman ni Jeric

"salamat Ma'm Rich" naitugon nalang ni Jeric, di niya maintindihan kung bakit bigla nalang siyang naintimidate sa presensya ni Rich.

"okay, mag aayos lang ako ng mga gamit ko, eto yung susi ng kotse, kita nalang tayo dun" paalam ni Rich matapos maiabot ang susi kay Jeric.

Nakahinga naman ng maluwag si Jeric pagkaalis ni Rich, di niya kasi maintindihan kung bakit ganon nalang bigla ang naramdaman niya habang sila ay nag uusap.

"sana ay tuluyan na akong napatawad ni Rich" tanging nasabi nalang ni Jeric at agad na din naman siyang pumasok sa kanyang tutuluyan para ayusin ang kanyang gamit.

Sa loob ng mansyon...

Habang taimtim na umiinom ng kanyang kape si Donya Carmela ay napansin naman niya si Manang Dely na abala sa pagsusuri sa listahan ng mga bibilhin nito.

Dahil sa pagtataka ay nilapitan ito ni Donya Carmela.

"o manang Dely, mukhang ang dami naman ata ng bibilhin mo? may pagsasalo bang magaganap?" pagsiyasat ni Carmela na ikinagulat pa ng bahagya ni manang ang  pagsulpot nito sa kanyang likuran.

"nako, Donya Carmela, may mga pinapabili lang po si Rich, malapit na po kasi ang kaarawan ni sir Gab, naisipan po niya na ipaghanda at surpresahin si sir" tugon ni Manang Dely at inilupi na nito ang kanyang listahan at agad tinabi sa kanyang pitaka.

"talaga? tignan mo nga naman, nagmamagaling nanaman ang baklang iyon, if i know, gagawin niya lang yun para mag papansin kay Gab at bilugin ang ulo nito" nasabi nalang ni Carmela na tila may diin sa mga salitang binigkas nito.

"nako, hindi naman po Donya Carmela, ang nais lang naman po ni Rich ay maging masaya si sir Gab sa kaarawan nito, pero po (napaisip si manang Dely) tingin niyo po ba ay ayos lang na surpresahin namin si sir Gab sa kaarawan niya? binilin po kasi samin ni sir Andrei dati na..." si manang Dely na di na natapos ang pagsasalita dahil agad nagsalita ang Donya.

"pwes! hayaan niyo ang baklang iyon sa gusto niyang gawin, wala akong pakialam sa kanya, mabuti na rin iyon para malaman niya ang dapat niyang kalagyan dito sa mansyong ito" saad ni Donya Carmela at agad na nitong tinalikuran si manang Dely pabalik sa kinauupuan niya.

Napaisip naman si Manang Dely sa sinabi ng Donya, pero binalewala nalang niya ito at agad ng umalis ng mansyon para bumili ng mga rekados na pinapabili ni Rich.

(sa SDC building)

Matapos maihatid si Rich ay binilinan nito na umuwi na muna sa mansyon si Jeric at sunduin na lamang siya ulit nito pag siya ay uuwi na.

Love, Money, DebtTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon