Seven : Bonding

37 5 1
                                    


Lahat tayo ay may kahinaan, na maaaring ito ang maging dahilan para mahila tayo pababa, pero minsan ang kahinaan na ito ang ating nagiging lakas para malampasan kung anuman ang matinding balakid na humahadlang sa ating pag angat sa buhay.

~~~~~~~~~~~~

"may mga tao talaga na gagamitin ka lang para sa ikaaangat nila, lalo na sa panahon ngayon, but you dont have to blame yourself for everything that happened to you, tao ka lang din naman, nagkakamali" saad ni Andrei matapos marinig ang kwento ni Rich tungkol sa pinagdaanan nito.

"pero sir, kung di dahil sa katangahan ko, di sana, buhay pa ang tatay ko hanggang ngayon, at magkakasama kaming tatlo nila inay, pero naging mahina po ako, naniwala ako sa mga matatamis na salita na imposible naman talaga na magkatotoo" tugon ni Rich ng muling magbalik sa kanyang ala-ala ang mga nangyari pero pinigilan nalang niyang maluha.

"marami talagang nagiging mahina pagdating sa pagmamahal Rich, even me, tao lang tayo, natukso ka lang kaya napili mo ang desisyon na iyon, but you know, experience makes you stronger, look at me, ginamit ko ang kasawian na iyon para patunayan sa sarili ko na kaya ko" saad ni Andrei.

"pero sir Andrei, sa hitsura at bait niyo pong iyan ay naloko pa kayo? parang imposible naman po iyon" pagtataka ni Rich.

"ganun talaga Rich, tsaka di pa naman ako ganun ka sikat at hindi pa malaking kumpanya ang Silvano distillery 6 years ago, kaya napakalaking bagay talaga na kikilalanin mo muna ng mabuti ang taong gusto mong makasama ng pang habang buhay" paliwanag ni Andrei na nananatili pa din ang kanyang atensyon sa pagmamaneho.

"pero matagal din naman po ang pinagsamahan niyo ng dati niyo pong asawa di po ba?" tugon ni Rich.

"ah, iniisip mo siguro dahil nakadalawa kami ng anak, but, Glenn and Gab have different mother, anak ko si Gab nung pagka binata, di ko sinadyang makabuntis that time, Gab's mother was 4 years older than me, may iba siyang pangarap kaya iniwan niya nalang si Gab sa pangangalaga ko, and we dont love each other that time, natukso lang talaga ako, (napangiti sa kapilyuhan niya) and as for the mother of Glenn, which is the one that i married, one year lang kaming nagsama bilang mag asawa" kwento ni Andrei.

"isang taon lang po? eh di, hindi din po nakilala ni Glenn ang nanay niya?" tugon ni Rich at sumubo ito ng chichirya na kanyang hawak.

"oo, naghiwalay kami nung one year old palang si Glenn, akala ko lubusan ko ng kilala ang nanay ni Glenn that time but i was wrong, dumating kasi ako noon sa punto na nalugi ako sa negosyo, at nagkanda patung patong ako sa utang, siguro, natakot siya sa magiging kinabukasan niya, kaya dun siya sumama sa dati kong business partner, i trusted them so much, but in the end, pinagkaisahan nila akong dalawa, i guess they've planned it all along" kwento ni Andrei na napabuntong hininga nalang ng muling maalala ang nangyari sa kanya.

Naintindihan naman ni Rich ang nakaraan ni Andrei dahil halos parehas lang sila ng pinagdaanan pagdating sa pag-ibig.

Kaya pala ganun nalang kahigpit si Andrei pagdating sa trust issues, lalo na sa taong mamahalin ulit nito.

"kaya po pala sir, hanggang ngayon ay hindi pa po nagiging kayo ni ma'm Sabrina at parang wala pong napapabalita na naging girlfriend niyo" Si Rich na pinainom si Andrei ng tubig dahil sumenyas ito sa kanya.

"i don't feel the connection when i'm with her, minsan hinahayaan ko nalang, mapilit kasi siya, she really wants me, and i don't rush when it comes to love, based from my experience" tugon ni Andrei na sumenyas naman na subuan muli siya ni Rich ng chichirya dahil nakatuon lang ang atensyon nito sa pagmamaneho.

"pero alam niyo sir, mas makabubuti kung tatapatin niyo nalang si ma'm Sabrina, para hindi na siya umasa pa" saad ni Rich na sumubo naman muli ng chichirya matapos subuan si Andrei.

Love, Money, DebtTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon