Iba iba ang ugali ng tao na maaari mong makasalamuha, may mabait, may sakim, may mapanghusga, may masayahin, may mababa ang pasensya at iba pa, ang importante ay ang marunong kang makisama at malawak ang iyong pang intindi, at higit sa lahat ay alam mo sa sarili mo na wala kang ginagawang masama at inaapakan na tao.
~~~~~~~~~~~
(sa opisina ni Andrei)
"you look really amazing at the party last night, i'm so proud of you Rich" si Andrei na masaya sa malaking improvement ni Rich.
Tinignan ng mabuti ni Rich si Andrei, nalungkot siya na makita ang pagbabago sa hitsura ng kanyang boss, malaki na ang pinayat nito at makikita sa mga mata nito na tila hindi ito nakakatulog ng maayos.
Alam naman ni Rich na epekto iyon ng isinasagawang treatment kay Andrei, pero sadya talagang nagdadala ng labis na kirot sa kanyang puso na makita sa ganung kalagayan ang kanyang boss.
"sir Andrei, lahat po ng ito ay hindi ko magagawa kung hindi din po dahil sa inyo, maraming salamat po, pangako ko po na susundin ko po lahat ng mga turo at bilin niyo po sa akin" saad ni Rich na kakikitaan ng lungkot sa kanyang mga mata na napansin naman ni Andrei.
"i know Rich, i know that you will take care of my company as much as i did while i'm gone, dont worry Rich, lalabanan ko itong sakit ko, i've realized many things in my life lalo na nung dumating ka sa buhay ko (napatingin si Rich na ikinagulat din ni Andrei) ang ibig kong sabihin, nung dumating ka sa kumpanya na ito, that's why i'm very grateful" si Andrei na napainom ng tubig bigla.
Napangiti naman si Rich at bigla naman may kumatok sa pintuan at agad din naman pumasok ang isang may katandaan na lalaki na kung titignan ay mga nasa edad 40.
"Attorney Saavedra, (nakipagkamay) i'm glad that you came, let me introduce you to Rich Del Mundo, (nakipagkamay si Rich kay attorney) he will take charge of my place here in the company while i'm gone" saad ni Andrei at agad naupo si Atty. sa upuan na kalapit ni Rich.
"Atty. Saavedra will help us in this matter, he has been our family lawyer eversince kaya naman nasisigurado ko na mapagkakatiwalaan mo siya sa lahat ng bagay tungkol sa kumpanya, maliban sa ating dalawa ay alam din ni Attorney ang tungkol sa sakit ko at sa mga plano natin" paliwanag ni Andrei.
"kaya Andrei, tama lang ang naging desisyon mong ito, para rin sa mga anak mo at sa kumpanya, ang importante ay magpagaling ka at magpalakas, dont worry cause i will help Rich all the way" saad ni Atty. Saavedra.
Matapos ang meeting na iyon ay nagpasya ng umuwi ni Andrei ng bahay dahil nakaramdam ito ng hilo, iniwan nalang niya kay Rich ang ibang gawain na hindi niya natapos.
(sa mansyon ni Andrei)
Pagkauwi ay agad siyang sinalubong ng kanyang anak na si Glenn.
"dad? you look pale po? may sakit ka po ba?" si Glenn na tumabi sa kanyang ama sa couch.
"i'm just tired son (hinimas ang ulunan ng kanyang anak) i'll just need some rest" tugon ni Andrei.
"ok dad, i'll tell yaya to make you some fresh orange juice to make you feel better" si Glenn na pagtango lang ang naitugon ni Andrei at agad na itong pumunta sa kusina.
Sakto naman din at agad nang dumating si Gab.
"o Gab, napaaga yata ang uwi mo?" saad ni Andrei na agad naman siyang nilapitan ni Gab.
"maaga ko lang po natapos yung mga gagawin ko dad" tugon ni Gab at umupo sa couch kaharap ng inuupuan ni Andrei.
"that's good to hear, uhm Gab, i hope you understand my decision of choosing Rich to take my place while i'm gone, and i hope that you will cooperate with him" si Andrei.
BINABASA MO ANG
Love, Money, Debt
De TodoPag-ibig, ang salitang ito ay importanteng pakiramdam sa buhay ng isang tao, masasabi mong masarap mabuhay pag mayroon ka nito. Pera, ang salitang ito ay importanteng bagay sa buhay ng isang tao, masisiguro mo ang buhay pag meron ka nito. Sa madalin...