Pamilya, sila ang bumubuo ng pagkatao mo at sila din ang laging nandiyan sa tabi mo sa oras ng hirap at ginhawa, na kahit kalaban mo na ang buong mundo ay mananatili pa din silang naniniwala, susuporta at lalaban para sayo.
~~~~~~~~
Labis na di makapaniwala ang Lola ni Gab sa sinabi ni Atty. Saavedra.
"Atty. Saavedra, it's been a long time since the last time that we've met, but, are you trying to say na hindi pwedeng paalisin ang (tinignan si Rich mula ulo hanggang paa) piece of trash na ito?" saad ng lola ni Gab.
"Rich po ang pangalan niya Donya Carmela, at tama po ang inyong narinig, dahil may karapatan po si Rich dito sa mansyon" paglilinaw ni Atty. Saavedra na ikinagulat din ni naman ni Rich.
"Good gracious!! attorney, is this some kind of a joke? di kasi ito nakakatuwa lalo pa at kakamatay palang ng anak kong si Andrei" saad ni Donya Carmela na napahawak pa sa balikat ni Gab dahil sa pagkabigla.
"pero kasama po iyon sa last will of testament ng anak niyo pong si Andrei, ang mabuti pa ho ay maupo muna tayo para mapag usapan na natin ang tungkol dito" saad ni Atty. Saavedra na wala namang nagawa sila Gab kundi sundin ito.
Ipinaliwanag ni Atty, Saavedra ang mga habilin ni Andrei at ang ilan dito ay ang pagmamay ari ng G&G cafe at ang rest house kasama ang dalawang kotse na nakapangalan kina Gab at Glenn, at tanging sila lang ang makikinabang sa pag aari nito.
Hinati naman sa porsyento ang mansyon, at binigyan ni Andrei si Rich ng twenty percent na karapatan sa pag aari nito, na hindi siya pwedeng basta paalisin lang at ipinangalan na sa kanya ang kotseng ipinahiram sa kanya ni Andrei.
Ang SDC naman ay nakapangalan kina Gab at Glenn gaya ng inaasahan dahil sila ang mga anak ni Andrei, pero mananatili pa din na CEO si Rich at patuloy na magpapatakbo ng kumpanya hanggang sa maging bihasa at ganap na ang kakayahan ni Gab.
Napatayo naman sa kinauupuan niya si Donya Carmela at matalim na tinitigan si Rich.
"No!!! this is a big mistake!! why would Andrei entrust the company to that person?!! tapos may parte pa siya sa mansyon na ito at libreng pa kotse? we dont need that trash in this mansion and mostly at the company! Gab is the eldest son of Andrei, dapat siya ang humalili sa position ng kanyang ama at hindi yang basurang yan!" paghihisterical ng donya na talagang dinuro duro si Rich.
Kahit na di makapaniwala sa kanyang mga narinig at sa mga pang aalipusta ni Carmela ay pinilit na magsalita ni Rich.
"tama naman po sila attorney, di ko nanaman po kailangan na tumira pa dito sa mansyon, pwede naman po akong mangupahan ulit, at saka pwede ko naman pong gabayan nalang si Gab gaya ng kagustuhan ni sir Andrei kahit po na hindi ako ang CEO ng kumpanya, at tungkol naman po sa..." si Rich na natigilan dahil sa biglang nagsalita si atty. Saavedra.
"Rich, i understand on what you are trying to say, pero nakalimutan mo na ba na mahigpit na bilin ito ni Andrei? ito ang kagustuhan niya and it is also guided by the law, hindi na ito mababago pa" paliwanag ni attorney na ikinailing naman ni donya Carmela.
"my god Andrei! what are you thinking?" nasabi nalang ni donya carmela na napahawak pa sa kanyang ulo sa bahagyang pagsakit nito.
"if that's dad wants, then fine" simpleng tugon ni Gab na ikinatingin ng donya sa kanya.
"fine? Gab? what's fine with that?? are you crazy?" paghisterical ng donya.
"La, let's just respect what dad wants, kakamatay lang ni dad, ayokong mag isip ng kung anu-ano pa, masakit pa sa amin ng kapatid ko ang pagkawala ni dad, and as attorney said, hindi na ito mababago pa" si Gab na makikita ang kalungkutan sa mga mata nito kaya naman kumalma si donya Carmela at naintindihan niya ang nais iparating ng kanyang apo.
BINABASA MO ANG
Love, Money, Debt
RandomPag-ibig, ang salitang ito ay importanteng pakiramdam sa buhay ng isang tao, masasabi mong masarap mabuhay pag mayroon ka nito. Pera, ang salitang ito ay importanteng bagay sa buhay ng isang tao, masisiguro mo ang buhay pag meron ka nito. Sa madalin...