three: Bagong simula

48 6 1
                                    

Sabi nila, kapag lumubog tayo sa putik na kinatatayuan natin ay dapat pilitin nating makaahon kahit paunti unti, Ang importante ay makabangon tayo at makapagsimula ulit ng panibago, paalis sa putik na ating kinasadlakan.

TOK! TOK! TOK!!!

Tunog na muling namutawi sa buong apartment na inuupahan ni Rich na naging sanhi upang siya ay magising sa himbing niyang pagkakatulog.

Dali dali niya itong pinuntahan para tugunin.

"kayo po pala Aling Tenyang, magandang umaga ho" pagbati ni Rich sa may-ari ng apartment na kanyang inuupahan.

"magandang umaga din, napadaan lang ako kasi gusto ko lang ipaalala na bayaran na ulit sa upa, kuryente at tubig, wag na wag mong kakaligtaan ha?" paalala ni Aling Tenyang na ikinatango nalang ni Rich.

"alam mo naman, madaming gastusin ngayon, o siya, mauna na ako" paalam ni Aling Tenyang at agad na din itong umalis.

Napabuntong hininga nalang si Rich, dahil sa totoo lang ay hindi na sapat ang kanyang huling sinahod, lalo pa at kailangan din niya ng panggastos para sa paghahanap niya ng panibagong trabaho.

"kailangan ko na talagang makahanap ng trabaho, kung bakit ba kasi nawala pa ang mga documents ko, kamalas malasan naman talaga" nasabi nalang ni Rich sa kanyang sarili at agad niyang tinungo ang kanyang maliit na refrigerator para maghanap ng makakain.

Ngunit sa kasamaang palad, tanging tubig at natirang kanin lang ang laman noon.

•••••••••••

Sa Fastfood restaurant....

Inaya ni Vienne si Rich na kumain sa labas dahil may mahalaga din itong ibabalita sa matalik nitong kaibigan.

"Hinay hinay lang sa pagkain besh" si Vienne ng mapansin si Rich na gutom na gutom.

Nginuya muna ni Rich at nilunok ang kanyang kinakain bago magsalita.

"pasensya na Vienne, di pa kasi ako nakapag almusal, pero sobrang salamat sa libre mo ha, dami ko na tuloy utang sayo" si Rich at sumubo ulit ng pagkain.

"sus! okay lang yon, ano ka ba, ay teka! kaya nga pala ako nakipagkita dahil (may kinuha sa bag niya na piraso ng dyaryo at agad inabot kay Rich) may nahanap ako na job offer na tiyak papasa sayo" si Vienne na halatang excited sa balita niya kay Rich.

Agad naman binasa ni Rich ang detalye sa piraso ng dyaryo na binigay ni Vienne sa kanya.

"Silvano Distillery? ito yung nangungunang kumpanya sa mga alak ah" pagkabigla ni Rich ng mabasa niya ang ilang bahagi ng nakasulat sa piraso ng dyaryo.

"hindi lang yun besh, pag natanggap ka dyan, may pagkakataon ka pang makatrabaho si Andrei Silvano, na isa lang naman sa mga hottest at talaga namang gwapong gwapo na may ari ng Silvano Distillery, at take note, 35 years old palang ang lolo mo, although may dalawa na siyang anak pero ayun, hiwalay naman siya sa asawa kaya may chance pa" si Vienne na aliw na aliw na sinasabi ang impormasyon tungkol kay Andrei.

Natawa naman si Rich dahil alam niyang sobrang crush ni Vienne si Andrei Silvano, kaya naman halos alam nito ang latest chismis mula dito.

"nako, ikaw Vienne ha, may Anton ka na eh" pagkantyaw ni Rich kay Vienne na nag iimagine ng larawan ni Andrei sa kanyang isip.

"hay nako besh, crush lang naman, kuntento na ako kay Anton noh, tsaka as if naman pansinin ako nun ni Andrei Silvano, jusko, baka dumi lang ako sa kuko ng mga nagiging jowa nun" si Vienne na natawa naman si Rich sa sinabi nito.

"loka ka, grabe ka naman manlait sa sarili mo" si Rich na naiiling nalang kay Vienne dahil kinuha pa nito ang cellphone niya para hanapin ang litrato ni Andrei.

Love, Money, DebtTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon