Twenty Three

35 5 1
                                    

Sa isang hotel ginanap ang event ng SDC, halos lahat ng dumalo doon ay talaga naman na magagarbo ang kasuotan, minsan lang naman kasi sa isang taon nagkakaroon ng ganitong kahalagang event sa SDC, kaya naman di nagpahuli lahat ng mga dumalo doon pagdating sa fashion statement.

Pinag isa nalang din kasi ni Rich ang pag celebrate ng anniversary ng SDC at ang launching ng bagong liquor na i-propromote ni Rich sa gabi na iyon.

Gaya ng dati ay pinanatili pa din ni Rich ang Black and Gold theme sa pagkakadisenyo sa event dahil sa ito ang kulay na matagal nang sumisimbolo sa SDC.

"ako ay lubos na nagpapasalamat, sa inyong lahat sa pagpunta sa event na ito para magunita natin ang 9th anniversary ng SDC, lahat tayo ay naninibago dahil ito ang unang anibersaryo na hindi na natin makakasama pa si sir Andrei, ang taong nagtatag at bumuo sa SDC.

Pero sabi nga ni sir Andrei, 'life must go on, we must fight and survive to live for another day', sigurado ako na kung nasaan man ngayon si sir Andrei ay masaya siya sa patuloy natin na pagpapahalaga, pagtutulungan at pagmamahal sa SDC, kaya naman hindi nakapagtataka na tayo pa din ang nangunguna sa merkado dito sa bansa.

Dahil diyan ay nais kong ipakilala lahat sa inyo ang bagong alak na madadagdag sa ating koleksyon, eto ay walang iba kundi ang 'Novo Señor' (biglang lumitaw sa big screen ang napakagwapong larawan ni sir Andrei habang hawak ang alak na Novo Señor) lubos akong nagpapasalamat sa graphic design team dahil sa napakagandang larawan na ito ni Sir Andrei na makikita natin sa ilang billboards dito sa manila"

Huminga muna si Rich bago nagpatuloy sa kanyang pagsasalita.

"si Sir Andrei pa din ang naisip kong modelo ng ating kumpanya dahil gusto kong hindi siya mabura sa puso't isip ng bawat isa sa atin, lalo na sa mga mamimili na tumatangkilik sa ating mga produkto at sa mga business partners  na walang sawang sumusuporta at nagtitiwala sa atin"  nagpalakpakan ang mga taong naroon sa event.

Tila nakaramdam naman ng kurot si Gab sa kanyang puso dahil sa labis na pagpapahalaga ni Rich sa kanyang ama, na maging siya ay di maiwasan na pumalakpak.

Kung tutuusin pwede naman palitan ni Rich ang imahe ni sir Andrei, pero ni minsan ay hindi ito nito ginawa.

Matapos ang opening remarks ni Rich ay nagpalabas siya ng VTR tungkol sa SDC at maging sa 'Novo Señor' para mas magkaroon pa ng ideya ang mga taong nandoon.

(sa table nila Sabrina)

"Sabrina, alam ko naman kung bakit nakabusangot ka diyan, pero could you just cheer up? pilitin mo kahit fake smile lang, sige ka baka mahagip ng media yang hitsura mo" pagpapaalala ni Brigette kay Sabrina na halatang wala sa mood.

"Nakakabwiset kasi yang Rich na yan, walang kasing kapal ang mukha! talagang ninamnam at pinangatawanan niya na diyan sa posisyon niyang yan! kuhang kuha na niya ang simpatya ng lahat ng empleyado at maging ng mga board members!" pagkabwiset ni Sabrina sabay lagok ng alak.

"baka naman malasing ka agad niyan? hay nako Sabrina, tanggapin mo nalang na siya ang itinalaga ni Andrei, maayos naman ang pamamalakad ni Rich, kaya wala akong nakikitang problema" pananaw ni Brigette na mas ikinakunot ng noo ni Sabrina.

"alam mo napaka supportive mo sakin eh no?!, dapat man lang sinabi mo na mas bagay ako sa posisyon ng baklang yun,  na ako dapat ang nandoon at pinapalakpakan ng mga hunghang na tao dito! pampalubag loob lang sana, bwiset!" si Sabrina sabay salin at lagok muli ng alak.

"hinaan mo nga yang boses mo! ewan ko sayo! maghinay hinay ka nga sa pag inom! para kang mauubusan diyan" pag awat ni Brigette kay Sabrina ngunit di siya nito pinakinggan.

(sa table naman nila Gab)

"alam mo, di ko talaga lubos akalain na magiging magaling din yan si Rich, although may mga flaws minsan sa kumpanya pero nagagawan naman niya ng paraan" saad ni Jonson.

Love, Money, DebtTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon