Five: G&G Grand opening

44 5 0
                                    

Para sa akin, pag dumating ang oportunidad sa buhay mo, kapitan mo lang, gawin mo yung best mo, dahil wala naman umasenso sa buhay na hindi dumaan sa paghihirap, tiyaga at pagpupursige.

~~~~~~~~

Binigyan si Rich ni sir Andrei ng one week para mag formulate ng mga recipe para sa menu na i-lalaunch sa grand opening ng G&G cafe.

Kinakabahan man ay tinanggap ni Rich ang hamon na ito sa kanyang sarili, na gusto niyang patunayan na hindi nagkamali si sir Andrei sa pagpili at pagkakatiwala sa kanya ng project na ito.

"napakabango naman Rich, for sure, Sir Andrei will be happy about these products" pagpuri ni Ms. Zuelo sa mga ginawang sample cakes and pastries ni Rich.

"sana nga po Ms. Zuelo, sana po matuwa si sir Andrei sa mga sample products na ginawa ko" si Rich habang nilalagyan ng final decorations ang huling cake na ginawa niya.

"nako, sa amoy at hitsura palang, sobrang pasado na yan, i've tasted some of your products these past few days at masasabi ko na sobrang sarap, iba sa mga natikman ko, and amazingly talagang na infuse mo ang flavors ng mga liquors ng Silvano Distillery" paghanga ni Ms. Zuelo habang pinapanood si Rich sa finishing touches nito sa cake.

"salamat po Ms. Zuelo, sa pagbigay niyo po sa akin ng tiwala, malaking tulong din po yung pag suporta niyo sa akin para magawa ko itong mga ito, kaya maraming salamat po talaga" si Rich na natapos na ang kanyang ginagawa.

Agad naman niyakap ni Ms. Zuelo si Rich.

"wala yun Rich, (iniharap si Rich sa kanya) para na din naman kitang anak, sa totoo lang nga eh, naalala ko yung anak ko sayo nung nabubuhay pa siya, gaya mo ay may pusong babae din siya, kaya lang, ayun, di ko nagampanan ng mabuti ang pagiging ina ko sa kanya, nagpakamatay siya dahil di niya nakayanan ang mga diskriminasyon at pambubully na nakapalibot sa kanya (huminga ng malalim) wala man lang akong nagawa nung mga panahon na iyon Rich" kwento ni Ms. Zuelo na pinipilit niyang huwag maluha sa pag alala ng yumao niyang anak.

Ramdam naman ni Rich ang bigat ng kalooban ni Ms. Zuelo kaya niyakap din niya ito ng mahigpit.

Naalala din kasi ni Rich bigla ang kanyang ina, kung ganito din ba ang inisip nito sa kanya, na sana dumating ang panahon na mapatawad siya ng kanyang ina.

Bigla naman dumating si sir Andrei at napansin na tila namumugto ang mga mata ni Rich at Ms. Zuelo.

"is everything alright?" pag alala ni Sir Andrei na agad nilapitan sina Rich at Ms. Zuelo.

"nako, pasensya na sir Andrei, nagkakwentuhan lang po kami nitong si Rich tungkol sa buhay buhay, kaya ayun" si Ms. Zuelo na inayos ang sarili nito.

"opo sir Andrei, pasensya na po, and sir (agad pinakita ni Rich ang mga finished products) okay na po yung mga products na i-lalaunch sa grand opening, for approval and adjustments niyo nalang po ang kailangan" saad ni Rich na ikinamangha naman ni Andrei ng makita ang mga products na prinisenta nito.

"wow, i'm speechless, everything looks elegant and with class, (tinignan si Rich) di ako nagkamali sa pagpili sayo Rich, right Ms. Zuelo?" si Andrei na ikina thumbs up naman ni Ms. Zuelo na tuwang tuwa sa achievement ni Rich.

Agad na pinadala ni Andrei ang mga sample products ni Rich sa conference room kung nasaan ang mga members ng board para sa taste test.

"o Rich, why dont you and my secretary Aifah take a break for a while? habang ni rereview namin ng mga board members along with Ms. Zuelo ang mga products na ginawa mo" si Andrei, nahalata niya kasi na kinakabahan si Rich.

"dont worry (inakbayan si Rich) everything was perfect, i'm sure the board members will love it" pagpapalakas ng loob ni Andrei kay Rich na ikinangiti nito.

Love, Money, DebtTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon