Sabi nga nila, 'expect the unexpected'. Yung tipong, di mo aakalain na may maganda pa rin palang mangayayari sayo sa kabila ng kapaitang dinanas mo sa buhay, sadya talagang mapaglaro ang tadhana.
~~~~~~
Labis na di makapaniwala si Rich na ang nakapulot ng kanyang brown envelope ay walang iba kundi si Andrei Silvano na may ari ng Silvano Distillery Corporation.
"sir Andrei? di ba po kayo din po yung..." si Rich na di na natuloy pa ang sasabihin dahil sa di pa niya maabsorb ang mga pangyayari sa kanyang isip.
"yes, ako yung nasa park last night with my youngest son Glenn, actually, my son was worried to you when he saw tears fall down on your cheeks" tugon ni Andrei habang tahimik lang na nakikinig ang anak nitong si Gab.
"nako, pasensya na po kayo sir, madami lang po talaga akong iniisip that night" pagkahiyang tugon ni Rich.
"no worries, i understand, nakita ko sa mga mata mo yung bigat ng problema na pinapasan mo, i know that feeling, and luckily, my son saw your envelope" saad ni sir Andrei at agad niyang nilabas ang brown envelope sa kanyang drawer, ngunit di niya muna binigay ito kay Rich at nilagay lang niya ito sa kanyang lamesa.
"nako, sobra pong pasasalamat ko, importante po sa akin yung mga documents na andyan, lalo na po at kailangan ko yan sa paghahanap ng trabaho" tugon ni Rich na sobra niyang ikinatuwa ng makita niya ang kanyang envelope.
"and about that (napatingin kay Gab) uhm, Gab, you may go now to your office, just make sure na hindi na mauulit ito, you must be an hour earlier on your time, be responsible" saad ni Andrei na agad namang tumayo si Gab sa kinauupuan nito.
"yes dad, i won't let it happen again" saad ni Gab at lumabas na din ito agad ng opisina ng kanyang ama.
"okay, (itinuon ang atensyon kay Rich) as i was going to say, i reviewed your resume, and as far as i see, you are qualified for what i'm looking for" saad ni Andrei na labis naghatid ng kasiyahan sa puso ni Rich.
"talaga po sir? nako, di ko po alam yung gusto niyong sabihin pero ngayon pa lang po nagpapasalamat na ako ng sobra" pagkagalak ni Rich na muling ikinangiti ni Andrei.
"well, may plano kasi kaming magtayo ng Cafe, we want to explore other business, and the cafe? it will be called G&G Cafe, based from the first names of my sons, and i dont want it to be a cafe like any other, i want that cafe to have a fusion of Silvano Distillery products and even the pastries, i want each of my liquors to have a trademark on those products" paliwanag ni Andrei at agad kinuha nito ang resume ni Rich.
"i read on your resume, that you have a background in pastry, and also you undergo on a barista training which is a big advantage" dagdag pa ni Andrei habang sinisiyasat ni Andre ang resume ni Rich.
"opo sir Andrei, passion ko po kasi ang baking, at kung di niyo po naitatanong, pangarap ko po talagang makapagtrabaho sa isang coffee shop" masayang tugon ni Rich na halatang excited ito sa inoofer sa kanya ni Andrei.
"well i guess, its not a coincidence na pinagtagpo tayo sa park that night, i guess its fate, so its settled then, you will help me formulate some new recipe for my upcoming cafe and once my cafe was opened and i saw your potential? you will be the assistant manager there" paliwanag ni Andrei na labis naman na ikinagulat ni Rich.
"po? agad agad assistant manager?" tanging nasabi lang ni Rich sa pagkagulat niya sa sinabing position sa kanya ni Andrei.
••••••••••
Sobrang saya ng araw na ito para kay Rich, dahil di na niya kailangan problemahin pa ang mga bayarin niya, ang kailangan lang niya ay sipag, tiyaga at pagpupursige para sa opurtunidad na dumating sa kanya at sa tiwala na binigay sa kanya ni Andrei.
BINABASA MO ANG
Love, Money, Debt
RandomPag-ibig, ang salitang ito ay importanteng pakiramdam sa buhay ng isang tao, masasabi mong masarap mabuhay pag mayroon ka nito. Pera, ang salitang ito ay importanteng bagay sa buhay ng isang tao, masisiguro mo ang buhay pag meron ka nito. Sa madalin...