Bago sumapit ang tanghalian ay muli nanaman na pinuntahan ni Vienne si Rich para ayain itong kumain.
"oh te? kamusta si Boyfie?" pagbati ni Aifah sa may front desk ng makita si Vienne.
"ayos naman, takot lang niya sakin (parehas natawa si Aifah at Vienne) si Rich nga pala? di pa ba siya mag bre-breyk?" takang tanong ni Vienne.
"nako, alam mo ba Vienne, hanggang ngayon eh di pa din tapos si Rich sa pag interview? tapos take note, may hitsura din yung boylet na aplikante, baka tama ako na matitipuhan siya ni Rich" si Aifah na tila kinikilig.
"talaga? nako, na-curious naman ako bigla, the who ba yang lalakeng iyan?" pagkainteresado ni Vienne.
"ay eto tignan mo! (agad na may kinuha si Aifah na papel) naiwan yung resume niya sakin" pagkagalak ni Aifah na agad naman inabot ang resume.
Agad naman itong kinuha ni Vienne at dahil sa pagka excite ay agad na niya itong tinignan.
Sa pagkakakita ni Vienne ng resume na iyon ay talaga naman na nanlaki ang mga mata nito na napansin naman ni Aifah.
"o di ba? sabi ko sayo pogi eh, nanlaki pa talaga yang mata mo eh" si Aifah na natatawa nalang sa pagkabigla ni Aifah.
Magsasalita na sana si Vienne pero bigla nalang bumukas ang pinto at agad na lumabas si Jeric mula dito.
"my god! Jeric?" pagkagulat ni Vienne na maging si Jeric ay napahinto sa paglalakad niya ng makita si Vienne.
Nginitian nalang ni Jeric sina Aifah at Vienne at agad na din itong nagpaalam papuntang elevator.
"kilala mo teh?" pagtataka ni Aifah habang sinusundan nila ng tingin si Jeric na papasakay sa elevator.
"oo teh, kilalang kilala! nako po si Rich!" si Vienne at agad na kumaripas ng lakad papunta kay Rich, di kasi siya makatakbo dahil sa high heels na suot niya.
"uy! anong ibig mong sabihin?! saglit!" si Aifah na agad sumunod kay Vienne.
Dumagundong ang ingay ng takong nila Vienne at Aifah sa hallway papunta sa opisina ni Rich at nagulat nalang silang dalawa ng madatnan nila ito na malayo ang tingin sa may bintana habang tinatanaw ang kalangitan.
"nako Besh!! (sigaw ni Vienne at agad nilapitan si Rich) ano? ayos ka lang ba? wala bang nangyaring sakitan?" pag aalala ni Vienne.
"kumalma ka nga besh" simpleng tugon lang ni Rich.
"eh paano naman ako kakalma sa kung sino yung nakita ko, hello Rich? yung taong nanakit ng damdamin mo lang naman yung galing dito" si Vienne na ikinagulat naman ni Aifah.
"Vienne okay na, nasabi ko nang lahat, nailabas ko na kay Jeric yung mga hinanakit ko, kung tutuusin nakaraan na yun at ayoko nang isipin pa" paliwanag ni Rich na ikinataas naman ng kilay ni Vienne.
"mamatay??? (pinandilatan ng bongga si Rich) well besh, proud naman ako dahil nagpakatatag ka sa confrontation niyo ni Jeric at sabihin na natin na naka move on ka na at napatawad mo na siya, pero don't tell me na siya yung kinuha mo na personal driver mo?" si Vienne na talagang abang na abang sa isasagot ni Rich.
"oo (napatapik sa ulo si Vienne), mukhang wala naman masama dun besh, nagpaka professional lang ako, he came here as an applicant and besides kelangan na kelangan niya talaga ng trabaho" pagpapaliwanag ni Rich.
"nahihibang ka na ba besh? seriously? paano kung bigla nalang bumalik yung feelings mo kay Jeric lalo na at madalas mo siyang makikita at makakasama?" si Vienne na naintindihan naman ni Rich ang nais iparating nito.
"Vienne, naka move on na ako, sa tingin mo ba mamahalin ko pa ulit yung taong nang iwan at nanakit sa akin?" paniniguro ni Rich.
"hindi imposible Rich dahil may pinagsamahan kayo, pero sana nga wala ng katiting na pangalan diyan ni Jeric sa puso mo, dahil may asawa at anak na siya (napabuntong hininga) well, nasasayo pa din naman ang pasya, pero sana lang tama tong desisyon na pinili mo besh" tugon ni Vienne na ikinaisip naman ni Rich ng malalim.
BINABASA MO ANG
Love, Money, Debt
RandomPag-ibig, ang salitang ito ay importanteng pakiramdam sa buhay ng isang tao, masasabi mong masarap mabuhay pag mayroon ka nito. Pera, ang salitang ito ay importanteng bagay sa buhay ng isang tao, masisiguro mo ang buhay pag meron ka nito. Sa madalin...