Twelve: Liwanag ng buwan

35 5 2
                                    

Kailangan lagi nating isaisip ang ating mga mahal sa buhay, na bawat araw ay kailangan nating ipadama ang pagmamahal natin sa kanila, at ang pagkakataon na makakasama natin sila dahil wala namang makapagsasabi kung hanggang kailan natin sila makakasama.

~~~~~~~~~~

Nakalabas na si Andrei ng ospital at mas pinili nalang nitong magpahinga sa kanyang mansyon.

Hiniling din niya na wag nalang ipaalam ang tungkol sa kanyang sakit na tanging si Gab, Glenn, Rich, Atty. Saavedra at Ms. Zuelo lang ang makakaalam nito.

Si Rich pa din ang ipinamahala ni Andrei sa kumpanya dahil hindi siya pwedeng ma stressed out kaya kakaunting oras lang ang inilalagi niya dito.

Gaya ng dati, ay tinutuloy pa rin niya ang pagtuturo kay Rich at pagbibigay ng payo para mas maging magaling ito sa paghawak ng kumpanya.

Sa opisina ni Andrei...

Matapos ang masinsinang pag uusap ni Atty. Saavedra at Andrei ay agad nitong pinatawag si Rich.

"makakaasa ka sakin Andrei, o pano, mauna na ako" paalam ni Atty. Saavedra.

Agad na umupo si Rich sa upuan na kaharap ni Andrei.

"Rich, gusto ko sana na samahan mo ako bukas, may importante lang tayong pupuntahan" saad ni Andrei.

"sige po sir Andrei, tapos naman na po ang mga kailangan asikasuhin sa kumpanya para sa buong linggo na to" pag sang ayon ni Rich.

"nandito naman din si Gab kaya wala tayong dapat ipag alala, o pano, dating gawi, sunduin nalang kita bukas" saad ni Andrei na ikinatuwa naman ni Rich dahil makakasama niya muli ang kanyang boss na si Andrei.

•••••••••••

Kinabukasan....

Maagang nag ayos at nag handa si Rich para sa pag alis nila ni Andrei, simple lang ang sinuot niyang t-shirt at pants dahil wala naman nabanggit si Andrei sa kanilang pupuntahan.

"good morning sir Andrei" pagbati ni Rich ng makarating si Andrei sa kanyang inuupahan lulan ng kotse nito.

Kung titignan ay napakagwapo pa din naman ni Andrei kahit na nangayayat ito, hindi mo mahahalata sa hitsura nito na may iniinda itong karamdaman.

"good morning Rich, ano? Tara na?" pagbati ni Andrei na mababakas mo ang natural na ngiti nito sa labi.

Di naman naging ganun katagal ang kanilang biyahe, mga dalawang oras at kalahati lang ay narating na nila ang kanilang pupuntahan.

••••••••••

Labis na pagkamangha ang namutawi sa mukha ni Rich ng makita ang kanyang paligid.

Makikita dito ang napakagandang bahay na kakikitaan ng magandang pool sa likod at may garden din sa tabi nito na kung makikita mo ang kabuuan ng lugar na ito ay aakalain mong nasa ibang bansa ka dahil sa pagkakadisenyo nito na pang hollywood ang datingan.

Sa likod ng may kataasang bakod ay makikita mo ang ganda ng tabing dagat lalo na pag palubog na ang araw.

"sir Andrei, napakaganda naman po dito, eto po yung tipo ng lugar na nakakawala ng pagod at nanaisin mo pong puntahan kapag gusto niyong lumayo sa mga problema pansamantala" pagkamangha ni Rich habang inililibot niya ang kanyang paningin.

"alam mo ba Rich, sa tagal tagal ay ngayon lang natapos ang ipinagawa kong rest house na ito? pangarap kasi namin ito ng dati kong asawa, pero dahil sa mga pagsubok na dumaan, naudlot ng naudlot ang pagpapatayo nito, muntikan ko pa ngang hindi na itinuloy ang pagpapatayo nito dahil sa paghihiwalay namin" paliwanag ni Andrei na taimtim naman na nakikinig si Rich.

Love, Money, DebtTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon