Rich Roque Del Mundo
"Dahil sa maling pagmamahal bumagsak ang mundo ko, Nalugmok ako sa lupa, buong buhay ko halos ibinigay ko sa kanya, pero niloko niya lang ako, ginamit para sa sarili niyang kapakanan.
Dahil isa akong bakla? na wala kaming karapatan sumaya sa mundong ito?
Pero lahat ng masasakit na ala alang yun ay inipon ko para magpursige at muling umahon sa buhay, sabi nga nila: being successful is the greatest revenge"
Jeric Christian Mendez"Simple lang naman ang pangarap ko, ang bumuo ng isang pamilya, pero nung nakilala ko siya, di ko akalain na magkakaroon din siya ng puwang sa puso ko.
Pero wala eh, di naman ako pwedeng magmahal ng dalawa, kaya wala akong pagpipilian kundi saktan nalang ang puso niya para layuan ako.
Alam kong mali, pero minsan ang mali sa iyo ay maaring tama para sa iba"
Andrea Lopez"Mahal ko ang asawa ko, lahat ay gagawin ko para sa ikasasaya niya at para sa ikabubuti ng bubuin naming pamilya.
Kahit mahirap lang kami ay tanggap ko ito ng buong puso, basta ang importante ay magkasama kaming dalawa, sabay namin aabutin ang aming mga pangarap.
Wala naman masama kung ipaglaban mo ang karapatan mo diba? may sinumpaan kaming dalawa, sa hirap man o sa ginhawa"
Gabriel Luis Silvano"Bakit siya pa ang mas pinili ni papa? bakit sa kanya niya pinamana ang halos lahat ng kayamanan at mga ari-arian niya?
Anak niya din naman kami?
Kami ang una niyang nakasama.
Kahit sabihin pa niya na hiwalay si papa kay mama, anak kami! kami ang mas may karapatan!
Di ko maatim na makasama siya sa Iisang bahay!"
Paalala:
ang mga larawan po ay hindi ko pag aari, ginamit ko lang sila para mai-portray visually ang mga pangunahing karakter.
Maging ang mga pangalan ng karakter ay pawang imahinasyon lamang at hindi sila totoo sa tunay na buhay.
BINABASA MO ANG
Love, Money, Debt
AcakPag-ibig, ang salitang ito ay importanteng pakiramdam sa buhay ng isang tao, masasabi mong masarap mabuhay pag mayroon ka nito. Pera, ang salitang ito ay importanteng bagay sa buhay ng isang tao, masisiguro mo ang buhay pag meron ka nito. Sa madalin...