Twenty

29 6 0
                                    


Sa pagtama ng mata nila sa bawa't isa ay labis na pagkagulat ang pumaibabaw sa kanilang isipan.

Na tila ba panandalian silang nawalan ng boses at ni isa sa kanila ay wala man lang ang gustong magsalita.

Di akalain ni Rich na sa tagpong iyon ay manunumbalik nanaman ang masakit niyang ala-ala na tuluyan na niyang binaon.

Mga ala-ala na pinilit na niyang kinalimutan sa mga nagdaang panahon.

Napakaraming tanong ang muling nanaig sa isipan ni Rich kasabay ng pagpatak ng kanyang mga luha na bigla nalang dumaloy sa kanyang mga mata.

"R-r-rich? ikaw... ang CEO?" laking pagkagulat ni Jeric na napaatras pa siya ng bahagya dahil bumalik din sa kanyang ala-ala ang nakaraan nila ni Rich at kung sa paano niya ito nasaktan.

Huminga ng malalim si Rich at pinilit niyang hinanap ang kanyang boses para makapagsalita mula sa pagkakaalala ng sakit na dinulot sa kanya ng lalaking kaharap.

"Bakit Jeric? bakit mo nagawa sa akin yun?" mga salitang lumabas kay Rich habang patuloy sa pag agos ang luha sa kanyang mga mata.

"Rich, magpapaliwanag ako" si Jeric at akmang hahawakan niya sana ang magkabilang balikat ni Rich subalit itinaboy ni Rich palayo ang mga kamay nito.

"Wag mo kong hawakan! (pinunasan ang luha sa kanyang mga mata) ang kapal ng mukha mong gawin sa akin ang bagay na yun! ang saktan ang damdamin ko! (mas lalong umagos ang luha sa mga mata ni Rich) binigay ko sayo ang lahat, ginawa ko lahat ng makakaya ko para sayo! iniwan ko yung mga magulang ko para lang makasama ka, inintindi ko lahat sayo! pero ano Jeric? bigla mo nalang akong iniwan at nagpakasaya ka dun sa babae mo!? (napaupo si Rich sa kanyang upuan at napahikbi) sobrang gumuho yung mundo ko Jeric, kung alam mo lang!" si Rich na patuloy pa din sa pagluha.

"Rich, di ko naman ginusto yung mga nangyari, maniwala ka" tugon ni Jeric na tila naluluha na din pero pinipigilan lang niya.

Tumawa naman ng nakakaloko si Rich bago tignan sa mga mata si Jeric.

"Di mo ginusto? nag gagaguhan ba tayong dalawa? ang daming paraan para makausap mo ako Jeric, pero ni isa wala ka man lang ginawa! hinayaan mo kong mag mukhang tanga ng kaka hanap sayo at kaka isip sayo! tapos ano?! yun pa ang isusukli mo sa pagmamahal ko sayo?!" si Rich na pinipigilan ng umiyak pero ayaw pa din paawat ng pagdaloy ng luha sa kanyang mga mata.

"wala na akong pagpipilian ng mga panahon na yun Rich! alam kong nagkamali ako at labis kong pinag sisisihan yun!  pero hindi ko kayang mawala si Andrea lalo na yung magiging anak ko sa kanya, di ba sabi ko naman sayo na maselan ang pagbubuntis ni Andrea? nalaman niya yung tungkol sayo Rich at muntik na siyang magpakamatay nun, (di na napigilang maluha ni Jeric) sobra akong natakot Rich, sobra akong naduwag, pinagbantaan pa yung buhay ko ng mga magulang ni Andrea, sobrang litong lito ako ng mga panahon na iyon" si Jeric na pinunasan ang mga luhang lumabas sa kanyang mga mata.

"so kasalanan ko pa? pinanghawakan ko lang naman yung mga sinabi mo sa akin Jeric! pinanghawakan ko yung mga pangako mo na kahit alam ko naman malabong matupad dahil sa bakla ako! pero nagtiwala ako sayo eh, dahil sobra kitang mahal! pinapalaya naman na kita noon eh, pero ikaw lang ang nagpumilit na ituloy natin yung pekeng pagmamahal mo!" si Rich na ikinailing naman ni Jeric.

"Minahal naman kita Rich, yun ang totoo, (huminga ng malalim) pero naduwag ako" si Jeric na umiwas ng tingin kay Rich.

"Minahal? ang kapal ng mukha mong gamitin yang salitang yan sakin, sa loob ng dalawang taon tiniis kong lahat, yung pambababae mo, pati yung mga bisyo mo, lahat tiniis ko para sayo, tapos iiwan mo lang pala ako sa ere kasama yung mga pinangako mo? mas matatanggap ko pa sana kung pinamukha mo nalang sakin lahat e!" si Rich na muling napatayo sa kanyang kinauupuan.

Love, Money, DebtTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon