"Gab?"
"Rich?"Labis ang pagkagulat nila ng makita ang isa't isa.
"anong... ginagawa mo dito?" pagtataka ni Gab habang si Rich ay di pa din makapaniwala na makikita niya si Gab doon.
"A-a-ano kase....." si Rich na di maisip ang sasabihin kay Gab.
Di naman nagsalita pa si Gab, bagkus ay nakatitig lamang ito kay Rich at inaantay ang sasabihin nito.
Napansin naman ni Rich ang pagkakatitig sa kanya ni Gab kaya naman pinilit niyang umayos at humugot ng lakas para makapagsalita.
"pasensya ka na Gab, gusto ko lang kasing mag isip ng mga bagay bagay (pinilit na ngumiti) sakto kasi tong lugar na to para makapag unwind, makapag relax at makalimot sa mga problema kahit saglit" si Rich na bigla nalang lumungkot ang tono ng pananalita niya bandang huli.
Napabuntong hininga naman si Gab at naglakad sa buhanginan kung saan humahampas ang alon ng dagat na di kalayuan kung nasaan si Rich.
"parehas pala tayo" saad ni Gab habang tinatanaw ang papalubog na araw at dinadama ang alon ng dagat sa kanyang mga paa.
Naisip naman ni Rich na baka gusto din na mapag isa ni Gab kaya naisip nalang nito na mag pasundo kay Jeric at umuwi nalang sa mansyon.
"sige Gab, una na ako, baka kasi makaabala lang ako sayo" saad ni Rich ngunit ng maglalakad na sana siyang palayo para tawagan si Jeric ng biglang napahinto siya sa sinabi ni Gab.
"bakit?" si Gab na ikinataka naman ni Rich kung ano ang ibig sabihin nito.
"A-anong bakit Gab?" naguguluhang tanong ni Rich.
Hinarap muli ni Gab si Rich at dahan dahang lumapit dito.
"Bakit Rich? bakit kahit na madami akong masasakit na bagay na sinabi sayo? yung pagkamuhi ko sayo, yung mga maling nagawa ko sayo, bakit sa lahat ng nagawa ko ay di ka man lang nagalit sa akin? o kahit na kinamuhian man lang? bakit di mo pa din ako sinusukuan na magbabago pa ang turing ko sayo?" seryosong saad ni Gab habang nakatitig sa mga mata ni Rich.
Sa sinabing iyon ni Gab ay labis na napaisip si Rich.
Alam niyang ginagawa niya yun dahil parte yun ng habilin ni sir Andrei, pero yun nga lang ba ang dahilan? o baka naman naaawa siya kay Gab dahil sa sinapit nito, o na baka tama nga si Vienne, na baka nagkaroon na din talaga si Gab ng puwang sa puso niya.
Pero hindi pa niya mahanap ang sagot sa tanong ni Gab.
"Gab, dahil alam ko at naiintindihan kita, na baka nagagawa mo lang ang mga bagay na yun dahil sa mga pinagdaanan mo, alam ko yung pakiramdam Gab, at saka, ayoko din sirain yung pangako ko sa dad mo (umiwas ng tingin si Gab) pero kung isa yun sa ikagagaan ng loob mo, ang kamuhian ako, ang pagsalitaan ako ng kung anu-ano ay ayos lang yun para sa akin" si Rich at pilit itong ngumiti kay Gab.
Di naman tumugon si Gab, nananatili lang itong nakatingin sa kabilang direksyon at mababakas ang lungkot ang mga mata nito.
Napabuntong hininga naman si Rich at muli siyang nagpaalam kay Gab para umuwi na.
"sige Gab, una na ako" simpleng paalam ni Rich at ng pagtalikod niya ay nagulat nalang siya ng hawakan ni Gab ang kanyang kamay upang siya ay pigilan.
"Saglit! (napatigil si Rich at muling humarap kay Gab) wala naman yung kotse mo sa labas, kaya tiyak na balak mong magpalipas ng gabi dito, kaya bakit ka uuwi? pinapaalis ba kita?" saad ni Gab na seryosong nakatingin kay Rich.
"k-kasi, a-akala ko gusto mong mapag isa" kinakabahan na tugon ni Rich dahil sa medyo tumaas ang tono ng boses ni Gab.
"pero mas naisip ko na mas maganda kung may makakasama ako dito" si Gab na muling humarap sa dagat habang nakapamulsa ang dalawang kamay nito, nakaramdam kasi siya ng hiya na sabihin ito kay Rich.
BINABASA MO ANG
Love, Money, Debt
RandomPag-ibig, ang salitang ito ay importanteng pakiramdam sa buhay ng isang tao, masasabi mong masarap mabuhay pag mayroon ka nito. Pera, ang salitang ito ay importanteng bagay sa buhay ng isang tao, masisiguro mo ang buhay pag meron ka nito. Sa madalin...