KEN-KEN X AYA (A)

17 0 0
                                    

"Masyado ka kaseng pabida kay teacher. Sinusulsulan lang naman ng magulang mo yun kaya ikaw ang Top student!!" tinulak nya ako kaya napabagsak ako sa lupa.

Nadumihan na naman uniform ko, mahihirapan na naman maglaba si Mama neto.

"Mier, kung may problema ka sa grades si teacher tanungin mo." Sinubukan kong tumayo at umalis pero hinatak nya ang buhok ko kaya napaupo na naman ako.

Kinuha nya yung bag ko at tsaka tinaktak lahat ng laman non. Kinuha nya ang ilan sa mga notebooks at libro ko pagkatapos ay pinilas nya ang bawat pahina.

"Mier, huwag. Mawawalan ako ng gamit!" gusto ko sana syang pigilan pero hinawakan ako ng dalawa nya pang kasama kaya wala akong ibang ginawa kung hindi panuorin nyang sirain ang gamit ko.

Di pa sya nakuntento at pinag tatapakan nya pa yung mga gamit ko kaya nabali ang mga Crayons at lapis ko.

"Titigilan nyo yan o irereport ko kayo sa guidance?"

May sumaway na isang estudyante kela Mier na mukhang mas matanda sa amin. Tingin ko ay Grade4 na ang isang ito dahil sa uniform nya.

"Wag ka ngang epal dito Kuya. Umuwi ka na lang." sabi ni Mier tsaka nya pinagpatuloy tapak tapakan uli ang gamit ko.

"Ang sabi ko, itigil nyo iyan." Malamig na sabi nung lalaki sa kanya at hinablot na ang braso ni Mier. Pero di natinag si Mier don at sinipa nya pa ang mga gamit ko para lalong magkalat.

"Ayaw mo tumigil a." Nagulat ako ng kinwelyuhan nung lalaki si Mier, inangat pa nya ito pataas para maging kalebel ng mata nya. "Hindi porket apo ka ng directress ng school na ito ay pepwede ka ng mambully a."

Mukhang natakot si Mier sa kanya kaya nagpupumiglas itong makababa mula sa pagkakakwelyo sa kanya saka tumakbo kaagad kasama ang mga kaibigan nya na may hawak sakin kanina.

Dali dali ko namang kinuha ang mga nakakalat kong gamit, pinagpag ko rin ang bag ko. Mukhang kailangan ko bumili uli ilang bagong gamit.

"Bat di ka pumapalag sa mga iyon?" tanong nung lalaki sakin.

"Ts. Mapapagod rin ang mga yun." Sabi ko tapos tinulangan na ako nung lalaking magpulot.

Releasing kase ng grades ngayon at nag-announce kanina ng mga top students kaya ang laki na naman ng galit sakin nung Mier na iyon. Palibhasa kase apo ng directress ng school kaya ayaw patalo.

"Samahan kita magreport sa guidance. Tara na." sabi sakin nung lalaki sabay hablot ng braso ko pero binawi ko rin.

"Ayoko nga! Magsasawa rin yung mga yun sabi e." naiinis kong sabi sa lalaking iyon dahil ayoko ng pinakikialaman ako.

"Bahala ka nga sa buhay mo." Ubos na pasensya nyang sabi. "Oh." Sabay abot ng ilang gamit ko na pinulot nya.

Kinuha ko naman iyon mula sa kanya.

"Ano bang kailangan mo?" tanong ko sa kanya.

"Ha?"

"Sabi ko anong kailangan mo? Bat mo ako tinulungan?"

Di ko alam pero sanay na ako sa mga tao sa paligid ko natutulungan lang ako, kakausapin o kakaibiganin dahil may kapalit. Hindi ko alam kung bakit. Gustong gusto naman ako ng mga teacher ko dahil ang galing ko raw sa classroom pero walang gustong makipagkaibigan sakin sa mga kaklase ko. Wala akong ibang pinagkakatiwalaan bukod kela mama at papa.

"Wala." Sabi nung lalaki.

"Eh bat mo ako tinulungan?"

"Kailangan ba may kapalit bago ako tumulong?"

Hindi ko alam pero parang gusto kong umiyak sa sinabi nung lalaking yun sakin. Kaninang sinasabunutan ako at sinisira na ng mga kaklase ko yung gamit ko, wala lang sakin iyon. Pero bakit sa sinabi ng lalaking ito dito pa ako maiiyak.

"Sabi na, iiyak ka rin e." sabi nya sabay kuha ng panyo nya at pinunas sakin. Natawa sya ng kaunti ng makita nya pang pinipigilan ko ang pagtulo ng luha ko. "Kala ko naman matapang ka."

Tinititigan ko lang sya habang pinupunasan ang luha ko. Sino ba itong lalaking ito? Sabi ni Mama wag daw ako makikipag-usap sa di ko kilala.

"Uuwi na ako." Sabi ko kaya sinukbit ko na yung bag ko papaalis pero pinigilan nya ako.

"Sandali, ang laki ng sugat mo sa braso." Napatingin naman ako sa braso ko, may sugat na nga iyon at nagdudugo.

"Umupo ka nga muna, bata." Sabi nya sakin tsaka nya binalot ng panyo nya yung sugat ko.

The Ace (SB19KEN FANFICTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon