CERYSUmaga ng lunes at simula na uli ng normal na araw dito sa Up Entertainment, wala na ang mahahabang pila, maiingay na tugtog at magulong paligid. Payapa at napakasaya ng mga tao dito lalo na ng mga kagrupo ko dahil kahahatid lang sa amin ng balita galing admin na maayos ang resulta ng aming huling evaluation.
Mas lalong tumaas at dumami ang investment sa amin, nadagdagan na rin ang mga gustong magsponsor sa amin. At ang pinakamalaking balita ay simula sa oras na ito ay magpapakabusy na kami dahil sa nalalapit naming debut. Aabutin ito ng mga ilang buwan na paghahanda dahil marami pang tatrabahuhin at di naman ganun kadali magrelease ng single.
Napakasaya nilang lahat, nagyayayakapan at yung iba naluluha pa dahil napakatagal nga nilang tinrabaho ito pero ako nakasimangot at naiinis habang hawak ang summarized evaluation sheet ng nangyaring gisahan nung sabado.
“Ano na Sis? Wag ka ngang panira ng moment. Tara dito, sumama ka sa amin.” Sabi ni Lenie habang nagpupungas pa ng mukha dahil kakaiyak lang.
“Wag mo na ngang problemahin yang evaluation sheet na yan. Ang mahalaga makakapagdebut na tayo.” Sabi ni Karen na naiyak na naman at niyakap ang kakambal nyang si Kayla.
“Sinong di mababadtrip sa ganitong komento? Basahin nyo nga, sa lahat ng positive comments sya ang namumukod tanging hindi na satisfied sa performance natin. Tapos eto pa, ako lang ang pinuna. Kailangan ko pa daw magimprove dahil nasasapawan ko raw kayo at hindi daw stable vocals ko. SIGE NGA! SINO DI MABIBWISIT!?”
Natawa nalang silang lahat ng marinig ang mga hinaing ko sa putek na papel na iyon. Gusto kong punitin ng wala sa oras.
“Akin na nga, patingin.” Kinuha ni Alliah ang papel tsaka tinignan. Nakakabwisit parang kapag nabasa mo yun ako ang panira sa grupo.
“Hahahahahha! Oo nga, medyo panget tignan ‘tong isang ‘to kapag nabasa ng mga investors.” Saad nya dahil bukod tangi lang talaga iyon.
“Wag mo na problemahin yan, Cerys. Lutang lang siguro yung nagevaluate nyan.” Sabi ni Alliah para kahit papaano ay kumalma ako.
“Alam naman natin yung totoo, Sis! Sa ating lahat ikaw ang pinakastable dito kapag nagpeperform, kaya wag mo ng isipin a.” pagkasabi ni Lenie nyan ay lumapit sya sakin para yakapin ako pero hinarang ko kaagad yung palad ko sa mukha nya bago nya pa magawa yun.
“Sino kaya sa limang yun yung nagsabi nyan? May ideya ba kayo?” tanong ko sa kanila. Dahil alam ko medyo kasundo nila ang ilan sa mga iyon dahil kasabay nila ito sa training dati.
“Dko maidentify e, kung yung mismong evaluation sheet pa yung pinakita satin siguro malalaman ko base sa handwriting nila.” Saad ni Kayla habang hawak yung papel na kanina ko pa gusto punitin. Summarized na kase yung bigay sa amin at nakacomputerized na lahat. Tapos anonymous na ang comments.
“Si Ken ata.” napatingin kaming lahat kay Cielo.
“We? Paano mo nalaman?” pagtatanong ni Alliah.
“Nung nagpeperform kase tayo tulog sya e.” simpleng sagot ni Cielo.
Kinuha ni Karen yun papel sa kakambal nya at may tinignan uli.
“Oo, baka nga si Ken ‘to. Alam nyo naman yun, madalas lutang yun.” Natatawang sabi ni Karen.
Parang kumalembang naman ang tenga ko ng marinig ko yun at parang ayoko ng punitin yung papel, parang gusto ko ng ipalamon yun doon kay Ken.
“Ali, nasa west wing yung practice room ng Eros diba?” nakangiting tanong ko,
“Oo, katabi ng practice room ng Danger. Bakit anong gagawin mo?”
BINABASA MO ANG
The Ace (SB19KEN FANFICTION)
RomanceMinsan na tayong pinaglayo ng tadhana, ngayong kasama na muli kita hahayaan ko ba na ulit ay mawala ka? -ACED Disclaimer: This is a work of fiction. Unless otherwise indicated, all the names, characters, businesses, places, events and incidents in...