CHAPTER 5 JOKER'S DAY

24 0 0
                                    

CERYS

Busy ako sa pag-aayos at pagchecheck ng mga files ng company ngayon. Katatapos lang nang meeting with the admins kaya ako nandito ako sa office to do checking at kausapin narin ang head ng accounting department at finance department.

Jaster Calling...

Nakita ko nagflash sa screen phone ko habang nagriring ito. Ano naman kailangan ng isang ito?

Ilang ring pa ay sinagot ko na sya dahil nag-iingay lang ang cellphone ko.

"Problema mo?" sabi ko sa kabilang linya.

"Ay, di ba uso 'hello' saiyo Ace?"

"Bakit nga!?"

"Asan ka ngayon? Bat walang sumasagot dito sa bahay mo?"

Napanganga naman ako sa narinig ko, bakit nasa bahay ko iyon?

"Anong ginagawa mo dyan sa bahay ko? Anong trip mo?"

"Kanina pa ako nagdodoor-bell walang nasagot e. Asan ka ba?"

"Nasa company." Maikling sagot ko.

"Eh, linggo ngayon a, walang training. Bakit ka nandyan?" nagtatakang tanong nya.

"Nagtatrabaho ako, hindi ako nagtetraining."

"Ay, oo nga pala. Osya, bilisan mo dyan ha, aalis tayo."

"Saan mo na naman ako balak dalhin Jaster? Desisyon ka ba para pauwiin ako kaagad?"

"Basta, wag ka na maraming tanong Ace. Puntahan mo nalang ako sa bahay namin, malapit lang naman iyon dito sa bahay nyo. Ayoko maghintay dito sa tapat nyo ng matagal baka may makakita sakin."

Bago pa ako makaangal ay binabaan nya na ako ng tawag saka itinext kung saan ko matatagpuan ang bahay nya.

Saan na naman kaya kami pupunta? Bat ba ang hilig mambigla ng lalaking iyon? Pasalamat sya at wala naman akong gagawing na masyadong mahalaga ngayon sa opisina kaya mapagbibigyan ko pa ang kalokohan nya.

Tinapos ko na agad ang gagawin ko dito sa office at pumunta na sa address na binigay nya. Tama nga sya, malapit lang itong bahay nila sa bahay ko. Pagkarating ko rito ay isang mataas na gate agad ang bumungad sa akin at matataas na pader. Gaano ba kalaki ang bahay nila?

Sinubukan kong pindutin ang doorbell dahil nung tinatawagan ko ang cellphone nya ay di naman nasagot. Pinagbuksan ako ng isang babae at pinapasok sa loob. Bumungad sa akin ang dalawang palapag na bahay na may kalakihan, nakita ko rin yung kotse ni Jaster sa gilid na ginagamit nila ng Eros kapag bumabyahe.

"Asan po si Jah?"

"Nasa taas pa po si Sir Jah. Sabi nya po hintayin nyo nalang muna sya dito sa salas."

Tumango ako bilang pagsagot at saka umupo sa sofa sa salas nila. Andaming mga mamahaling gamit sa bahay na ito nakakatakot gumalaw baka makabasag ako at pagbayarin. Asan na ba yung lalaking iyon? Bakit ang tagal nya?

Nakita kong may nakaupo rin sa kabilang dulo ng sofa na isang batang lalaki na nagtatablet. Ang gwapo naman ng batang ito, kadalasan sa mga bata ay cute pero itong batang ito ay talagang gwapo.

Napansin nya ata na tinitignan ko sya kaya napatingin sa akin. Ngumiti naman ako dahil hindi ko alam ang gagawin.

"Uhmm. Hi." Pagbati ko pero hindi nya ako binati pabalik o nginitian. Attitude tong batang ito a.

"Are you Ate Ace?" sabi nya sakin habang nakacross arms at nakakunot ang noo.

Anong ace sinasabi nito? Ace? Ahh, baka nakwento ni Jaster sa kanya.

The Ace (SB19KEN FANFICTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon