CHAPTER 1 ONE FATAL ENCOUNTER

50 0 0
                                    

CERYS

Busy ako sa pagii-stretch ng katawan ko para makondisyon ko ito bago ako sumabak sa practice namin. Maya maya lang kase ay magpeperform na kami para sa final evaluation ng grupo namin, doon na nila titignan kung ready na kami magdebut this year. Pero kampante naman na ako na mangyayari iyon this year, kase duhh ang tagal na naming pinaghandaan ito no.

Narito ako sa studio namin ngayon at hinihintay ang leader naming na si Alliah para makapagsimula na kami ng general practice namin. Kinuha nya kase ang gagamitin naming outfit at props para sa evaluation mamaya kasama si manager.

''Oy, ayaw nyo bang magsimula na kahit wala si Ali? Sayang lang yung oras." Inis kong saad sa kanila pero parang wala lang silang narinig. Tinawanan lang ako ni Cielo na tahimik sa isang gilid at abala sa pagmamasid sa mga nangyayari.

Napairap nalang ako at lumapit doon sa tatlo para tignan ang dahilan kung bakit sila nagkukumpulan doon.

"Grabe sa loob ng isang taon nakapag international concert na kaagad sila. Sana ol." saad ni Karen na may hawak ng cellphone, kasama nyang nanonood ang kakambal nyang si Kayla at si Lenie na nandoon lang para makichismis.

"Oo nga, siguro kung natuloy yung debut natin noon nakapag-international concert narin tayo gaya nila" sabi ni Kayla

"Hay naku! Baka nga mas malayo pa narating natin dyan kaysa sa mga yan kung nakapagdebut rin tayo last year" pagmamalaki ni Lenie.

Tinignan ko kung ano pinanonood nila, walang iba kundi ang Eros, Ppop idols na binubuo ng limang kalalakihan. Sila lang naman ang pinaka sikat na Ppop boygroup ngayon. Umaani kaagad sila ng mga malakihang awards sa unang taon nila sa loob at labas ng bansa, kaya hindi lang sila sikat ngayon sa Pilipinas pati narin sa buong mundo. Iniinterview sila ngayon ng isang noon time show dahil kababalik lang nila galing intercon nila.

"So, eto na nga ang matagal ng gustong malaman ng mga fans nyo. Ano nga ba raw ang mga tipo nyo sa isang babae?" kinikilig na tanong ng baklang host sa kanila ng lima. Natawa silang lima ng marinig iyon at tsaka isa isang sumagot sa tanong.

''Ako po ang tipo ko sa babae yung maikli yung buhok, mahinhin at parang Maria Clara." Sagot ng isa sa kanila

"Korni naman ng tipo ni Jaster sa babae, walang thrill." Sabi ni Karen ng marinig nya ang sagot nung isa sa interview.

"ikaw ba ang tinanong? Paki mo ba e iyon yung preference nya." sagot ni Kayla sa kanya.

Di ko alam kung bakit pa ako nakiusyoso sa mga iyon pero umalis na ako dahil nakokornihan na ako sa naririnig ko. Wala naman akong interes sa mga iyon at sigurado naman ako na makikita ko rin ang mga iyon dahil nakabalik na sila ng bansa at sa iisang kumpanya lang kami nagtatrabaho.

Oo, isa akong pre-debut artist sa Up Entertainment kung saan din galing ang Eros, at ang mga kasama ko rito ang mga kamiyembro ko. Estrella, yan ang pangalan ng grupo namin. Ako ang huling naging miyembro nila, magpipitong buwan palang siguro ng makasama ko sila.

''Hoy kayong mga babae kayo! Anong ginagawa nyo magpractice nga kayo!" napalingat kami kay Ali na kararating lang kasama ang manager namin at isa sa trainer namin dala dala nya ang anim na set ng damit nasusuotin naming mamayang evaluation pati props. Kumilos na kaming lima bago pa naming mabwisit si Ali dahil ni isa sa amin walang gustong makarinig ng panenermon ngayon.

JASTER

Katatapos lang ng isang interview and we are on our way back to our company. And guess what, stuck na naman kami sa traffic. Sa lahat ng bagay sa pinas etong traffic ang hindi ko namiss.

"Ate Rose, gutom na ako, kain na muna tayo." Ani ni Lester sa likod, nakikiusap na kay Ate Rose ang manager namin na pakainin kami.

"Sa office na tayo kumain Lest, tiisin mo na yang gutom mo." Sagot ni Paulo sa kanya kaya napahilamos na lang sya sa mukha nya. Mahirap talaga kapag ginugutom mo yung isang iyon.

The Ace (SB19KEN FANFICTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon