Nasa labas ako ngayon ng school namin dahil uwian na at hinihintay ko si Aya para sabay kaming umuwi.
Mayamaya pa ay lumabas narin ang mga grade one students kaya nakita ko na syang palabas habang hatak hatak nya ang bag nya na de gulong.
Lalapit na sana ako para tulungan sya sa dala nya, kaso nakita kong may kasama syang babae at magkahawak pa sila ng kamay.
Nang makita nya akong naghihintay sa kanya ay nagpaalam na sya sa kaklase nya.
"Babye Joyceee!! Kita tayo bukas." Sabi nya rito at kumakaway kaway pa ng may malaking ngiti.
Hanggang sa byahe namin pag-uwi ay nakangiti sya ng malapad at parang magandang maganda ang mood.
"Ngiting ngiti a, sino ba yung kasama mo kanina?" pagtatanong ko habang nagsasagot sya ng assignment dito sa kwarto ko at ako naman ay nagpapiano.
"Si Joyce, kaibigan ko!" proud na proud na sabi nya dahil may bago syang kaibigan.
Masaya ako dahil kahit papaano ay may nakakasundo na sya sa classroom nila at hindi na ako mag-aalala na mabully sya.
"Ken-ken, pwede pahiram ako ng oil pastels mo?" pagpapaalam nya sakin.
"Bakit? Anong gagawin mo?"
"May assignment kami sa arts e."
"Bat di mo gamitin yung mga crayons mo?"
"Ah, nakalimutan ko sa bahay e."
Napakunot ang noo ko dahil hindi naman nya gawain na magtanggal ng gamit para maiwan iyon. Pumunta naman sya sa drawer ko para kuhain ang oil pastels ko kaya kinuha ko yung bag nya.
"Naiwan daw, eh ano tawag mo rito sa mga ito?" nakita ko kase ang crayons nya na kabibili lang sa kanya ni Tita Niziel nung nakaraan. Kaso nga lang ay putolputol na iyon at kulang kulang. "Anong nangyari dito? Bakit ganito na?" itinaas ko pa ang lalagyan nun na gutay na.
"Ah, nahulog ko kase kanina iyan at natapakan ng mga kaklase ko." Tinignan ko sya ng buong pagdududa ng sabihin nya iyon. "Hindi naman nila sadya."
Kinabukasan ay hinantay ko na naman sya nung uwian at nakita ko na namang kasama nya yung Joyce at maganda na naman ang mood nya at nangiti.
"Magkwento ka nga, paano kayo naging friends ng Joyce na iyon. Good mood ka araw araw e!" sabi ko sakanya at para naman syang kinilig nung sinabi ko iyon.
"Ganito kase iyon Ken-ken, isang araw lumapit sya saakin para magpatulong ng assignment dahil nakalimutan nya sa bahay nya yung assignment nya."
"Oh? Ano naman ang ginawa?"
"Syempre tinulungan ko, mabait ako e." sabi nya sabay ngiti ng malaki kaya natawa nalang ako. "Tapos araw araw na kaming magkasama, lagi ko syang binibigyan ng baon ko dahil hindi sya ginagawan ng mama nya ng baon."
"Eh?"
"Oo, nakakaawa nga si Joyce e." Sabi nya sabay nguso at nagpatuloy na sa pagkekwento. "Palagi ko syang pinapakopya ng assignment ko, lagi ko rin sya hinahatian ng gamit ko tuwing art class kase lagi syang walang gamit."
Bakit parang hindi na maganda sa pandinig ko ang ginagawa nun?
"Pwede mo naman syang turuan na lang sa assignment nya bakit pakokopyain mo lang?"
"Sabi nya kase tinatamad na daw sya at padating na si teacher kaya nagmamadali na kami, hindi ko na sya matuturuan."
Napakamot nalang ako sa ulo sa narinig ko. "Sa susunod Aya, turuan mo nalang hindi yung pakokopyain mo." Nakitang kong napasimangot sya ng sabihin ko iyon.

BINABASA MO ANG
The Ace (SB19KEN FANFICTION)
RomanceMinsan na tayong pinaglayo ng tadhana, ngayong kasama na muli kita hahayaan ko ba na ulit ay mawala ka? -ACED Disclaimer: This is a work of fiction. Unless otherwise indicated, all the names, characters, businesses, places, events and incidents in...