CHAPTER 20 REVEAL

33 0 0
                                    

CERYS

"Andyan na!" sigaw ni Lenie dahil may nagdoor bell na naman sa bahay namin.

Nagtaka pa ako ng kaunti sa kanya dahil hindi ko na sya hinahayaang magbukas ng pinto ng mga nakaraang araw pero ngayon inuunahan nya ako sa pagbukas kaya for sure kilala nya ang nagdodoor bell. Wala kaming pasok or practice ngayon, katatapos lang ng mga mini concerts namin kaya pahinga kami ngayon. Pero after these weeks mag peprepare na uli kami for comeback.

Abala ako sa panunuod ng tv habang prenteng nakaupo ng makita kong pumasok ng pintuan si Josh. "Lenie Joy, sino nagsabi saiyong pwede ka magpapunta ng asungot sa pamamahay ko?" ewan ko pero ramdam ko kaseng magkasundo silang dalawa.

"Asungot pinagsasabi mo!?" Hindi ko sya pinansin, nakatuon lang ako kay Lenie na sumunod ng pasok sa bahay.

"Baka ako ang pinuntahan?" sarkastikong sagot sakin ni Lenie. Ano ibig sabihin nya?

May isa pang pumasok ng pinto, kaya doon na punta ang tingin ko. "Ace!" Masayang sigaw ni Jaster saka ako nilapitan.

"Bakit kayo nandito?" nagulat ako na makita sya rito. Wala pa kaming matinong pag-uusap ni Jaster dahil sa sobrang abala kami. Mukhang ayos parin ang pakikitungo nya sakin pero nagiguilty pa rin ako.

"Ewan ko, sinamahan ko lang si Josh. Gusto pumunta--- Aray!" Hinampas agad ni Josh ang sikmura ni Jaster bago pa ipagpatuloy ang sasabihin nya.

"Dinaanan ka lang ni Jah dito. May kinuha siya sa bahay nila. Aalis din kami kaagad." Pagpapaliwanag na Josh.

Pinanliitan ko sya ng tingin dahil sa sinabi nya. "Sure ka hindi para kay Lenie?"

"Hindi nga!" naasar na sagot nya.

"Issue ka Sis, samantalang ako dapat magduda saiyo. Diba Jah?" Napanganga naman si Jaster ng sabihin ni Lenie Joy.

"Ah, ako? Sinamahan ko nga lang si Josh."

"Sinabi ngang dumaan lang tayo e!" sinamaan nya ng tingin si Jaster at halatang hindi naman makuha ni Jaster ang tingin na iyon.

Bat ang wirdo ng dalawang ito? Okay lang ba sila?

"Oh eto!" napaatras ako ng may iabot si Josh sa aking paper bag.

"Para saan yan?" tinititigan ko lang hawak nya at nagdadalawang isip kung kukunin ko ba o hindi.

"Kunin mo nalang ang dami mong kuda!" he impatiently said.

"Ayoko nga, baka mamaya kung ano laman nyan!" knowing na it's Josh, bukod kay Jaster isa rin syang may dugo ng pagkaprankster. Dagdag mo pang mainit dugo nya sakin.

"Kunin mo na, wag ka ng pabebe!" biglang si Lenie ang hinablot ng paper bag saka hinampas sakin kaya wala akong nagawa kundin kunin iyon.

"Ano ba!?"

"Aalis na kami, kailangan na namin pumasok. Ingat kayo rito a." pagpapaalam ni Josh. Ano meron? Yun lang yun? aalis na sila? Binigay nya lang 'to tapos aalis na sila? Ano ba meron? Di kaya may lamang bomba ito?

"Babye Ace, talk to you soon!" kumaway si Jaster sakin at kumindat. Alam nya ring kailangan namin mag-usap. Bakit ba sya ganon? Ang gaan nya parin makitungo. Nagiguilty tuloy lalo ako. Sadya talagang hindi sya marunong magtanim ng galit sa taong mahalaga sa kanya.

"Ingat din kayo!" masayang pamamaalam ni Lenie saka nya sinara ang pinto.

"Hoy! Baka para saiyo ito? Nagkakamali ata yung asungot na iyon."

"Bruha, saiyo nga yan!"

"Bat naman ako bibigyan ng regalo nun?"

"Di ko rin alam."

The Ace (SB19KEN FANFICTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon