CHAPTER 23 NIGHT OUT

19 0 0
                                    



CERYS

Tapos na ang munting after party at nandito kami ngayon sa isang hotel. Hindi naman sobrang dami ng ganap sa party na iyon dahil may kasama kaming ilang mga bata at magulang ng Eros, hindi rin ako masyadong nakapag enjoy dahil buong oras ay occupied ang isip ko tungkol kay Ken.

Wala rin si Ken sa buong party at mukhang wala na syang balak sumunod. Sumama sya sa parents nya ngayong gabi, sabi nila Paulo pagkarating nila dito kanina, para siguro makabawi sa sobrang tagal ng panahon nilang hindi nagkita. Kanina nya pa ako tintatawagan pero hindi ko magawang sagutin ang mga iyon.

------------------------

From: Ken-ken

I understand Aya, enjoy the after party. 😊

------------------------

Napabuntong hininga na lang ako ng mabasa ko ang text nya.

Bat ganyan sya kaunderstanding pagdating sakin?

"Ate Cerys." Napatingin ako sa tumawag sakin at dali kong ibinaba ang phone ko.

"Yes, Mikki?" Sila kase ang kasama ko ngayon sa suite, siya at ang Ate nyang si Lexa. 

Nasa kabilang suite yung mga lalaki samasama sila doon at ngayon ay nag-iinuman. Yung ibang kapatid na babae ni Lester umuwi na dahil may kasamang bata at may aasikasuhin pa kinabukasan, kaya kaming tatlo lang ang babaeng natira.

"Do you have any extra tampons or pads?" Nahihiyang tanong nya sakin. "I just got my period tonight."

"Uh, yes." Kinuha ko ang bag ko para kunin ang hinihingi nya saka inabot sa kanya iyon. "Where is your sister?" I asked, kanina pa kase kaming dalawa lang dito sa suite. Wala si Lexa, kanina ko pa sya hindi nakikita simula nung iayos nila ang gamit nila dito.

"Thanks, Ate." She said after getting the pads that I gave. "Ate Lexa is with Kuya Lest right now. Hindi ko alam kung san sila pupunta pero sinundo sya ni Kuya Lest dito kanina e."

Nagtaka ako sa sinabi nya. Bat di ko napansin? Siguro ay sinundo sya nung nasa CR ako at nagshashower. Since ako ang pinakamatanda sa aming tatlo rito, I think I am liable of them.

 "Just text her and ask where she is, masyado ng malalim ang gabi." I am comfortable that she's with Lester but you don't know where the danger is.

"Yes, Ate." She cheerfully replied to me then give me a sweet smile. Ang cute ng kapatid ni Paulo. Pumasok na sya sa CR kaya naiwanan na naman akong mag-isa doon.

--------------------

From: Ken-ken

I am so happy tonight, Aya. I wish you were here.

--------------------

Hindi ko alam ang isasagot ko mga text nya kaya napabagsak na lang ako ng katawan ko sa kama at nagtalukbong. 

Inom kaya ako? Punta kaya ako sa kabilang suite? Ayoko, baka magkalat ako ng di oras. Ipipikit ko sana ang mata ko ng may marinig akong kumatok kaya bumangon ako para pagbuksan.

"Hi Cerys."

"Hello, Kuya CJ." Bumungad sakin si Kuya CJ pagkabukas ko ng pinto na medyo namumula na ang mukha dahil halatang nakainom na. "And Hello, Justin." Bati ko sa batang naka cross arms at ang sungit ng tingin sakin.

Natawa ng kaunti si Kuya CJ, "Sorry to interrupt you. I know you must be resting already, but can I ask you a favor?"

"Yes, what is it kuya?"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 15, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Ace (SB19KEN FANFICTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon