"Hi Ken-ken, dito uli ako." Sabi ko sabay hagis ng mga gamit ko sa kwarto nya, hindi nya ako pinansin at hindi nya rin ako pinagalitan o pinulot yung gamit na kinalat ko.
"Ken-ken, pahiram ako guitar mo a." hindi nya parin ako pinansin at nakatalikod parin sa kin kaya ginamit ko nalang yung gitara nya.
"Ken-ken, patulong ako assignments sa arts." Sabi ko dahil magaling syang magdrawing kaya sa kanya ako nagpapatulong.
"Hmm."
Sumagot lang sya pero hindi na naman ako tinignan man lang. Naiinis na ako dito a, di ako nililingon. Sa sobrang inis ko, naubos na ang pasensya ko kaya dinamba ko sya mula sa likod nya.
"WAAAAAAHHHH! ANO YAN!?"
"Aya, ano ba!? bumaba ka nga, ang bigat mo!?" nagpipiglas sya dahil nakakapit ako ng parang tuko habang nasa likod nya.
"AHA! Kaya pala ayaw mo humarap sa akin a, may kinakain ka. Ano yan? Pahingi ako!" sabi ko sabay agaw sa kanya ng mangkok na hindi ko alam kung ano ang laman.
"Ayoko, bigay ni Lolo ito sakin."
"Pahingi lang ang damot mo naman e."
Tumayo sya at itinaas ang mangkok ng makababa ako mula sa pagkakakapit ko sa kanya kaya mas lalong hindi ko maabot. Bat ba kase mas matangkad ito sa akin e?
Sumampa ako sa kama nya tsaka tumalon para kuhain ang mangkok na hawak nya.
"Mais! Gusto ko rin neto! Pahingi!" nagwawalang sabi ko ng makita ko kung ano ang laman ng mangkok.
Ang sarap nung nilagang mais na iyon, himay na at kakainin mo na lang.
"Ayoko, maghanap ka ng iyo!" inagaw nya sakin pabalik yung mangkok. Napakadamot talaga nitong lalaking ito,
"Pahingiiiii!" sabi ko at kinulit uli sya.
"Manghingi ka doon kay Lolo, akin 'to e." sabi nya kaya padabog akong lumabas ng kwarto nya at pati pinto ay nilakasan ko rin ang pagsara.
Hinanap ko kaagad si Lolo Ipe at sakto ay nasa kusina sya.
"Lolo, ayaw po ako bigyan ni Ken-ken ng mais. Sabi nya mamatay na raw ako sa gutom, hindi nya parin ako bibigyan." Sabi ko at nagpekeng iyak sa harap ni Lolo.
At dahil sa ingay ko at alam kong naririnidi si Lolo sa ganun, ay ibinigay nya saakin lahat ng natirang mais at pinaghimay nya pa ako.
Bumalik ako sa kwarto ni Ken-ken, para ipagyabang ang bigay ni Lolo Ipe na isang mangkok na punong puno na hinimay na na mais.
"Aya, pahingi naman."
"Ayaw." Sabi ko sabay talikod sa kanya.
"Dali na, ako na gagawa ng assignments mo sa arts."
Nagkunwari akong nag-iisip para paghintayin sya pero...
"Ayaw."
"Aya, sige na. Mas madami yang binigay saiyo ni Lolo kaysa saakin."
"Kase mas mahal ako ni Lolo kaysa sayo, bleeehhh!" sabi ko na kinainis nya.
Akala ko ay hahayaan nya na lang ako doon na mapayapang kumain pero bigla nyang kinuha yung pagkain ko at itinaas na naman iyon kaya hindi ko maabot.
"Oy, ano ba!? akin yan e."
Nakita kong kumuha sya doon at kumain kaya nainis ako at umiyak.
"Waaaaah!! Lolo si Ken-ken, kinain yung pagkain koooo." Pagsusumbong ko.
"Wag ka maniwala dyan Lo." pasimple nyang binalik sa akin yung pagkain ko pero di ko pinapansin iyon at tuloy tuloy pang ngumawa. "Eto na nga Aya e, wag ka na umiyak dyan. Ang ingay mo!" bulong nya. Natatakot sya baka pagalitan sya ni Lolo.
Kaya mas lalo kong nilakas ang ngawa ko kaya mas lalo syang nainis.
Hindi na kami pinansin ni Lolo, siguro ay nagsawa na sya kakasuway sa amin dahil nag-iingay lang kami.
Buong araw akong nandoon sa bahay nila Ken-ken pero nasa sala lang nila ako at hindi sya pinapansin. Hindi ko narin kinain yung binalik nyang pagkain ko dahil ayoko na nun. Naiinis ako sa kanya!
Maya maya lang ay nakita ko syang lummapit saakin na may dalang isang kawali ng bagong nilagang mais.
"Uy, Aya. Sorry na."
Hindi ko parin sya pinansin at nagpatuloy sa pagbisi-busyhan sa paggawa ng homework ko.
"Eto Aya oh, nilaga kita ng mais. Tinulungan ako ni Lolo mamitas nyan at ilaga." Tinignan ko sya dahil parang nagpapaawa sa akin ang tono nya. Pero di ko parin sya pinansin.
"Aya, sorry na. Hindi ko na kakainin pagkain mo. Pansinin mo na ako." Tumabi sya saakin at inakbayan ako. "Sorry na, Plss." Dagdag pa nya.
"Masarap ba ito?" kumuha ako ng mais na inilapag nya sa harap ko.
"Oo, tanim namin ni Lolo iyan e."
Kumuha ako at kumagat sa mais. Binigyan ko rin sya ng isa.
"Ayoko, para saiyo yan e." sabi nya.
"Hati tayo." Nginitian ko sya at saka nya kinuha yung isa pang mais na bigay ko.
Hinalikan ko sya sa pisngi matapos iyon, kaya nagulat sya at napatingin sa akin. "Thank you." Sabi ko ng may malaking ngiti sa mukha ko.
"Kayong mga bata kayo, masyado kayong pasaway." napatingin kami sa nagsalita at nakita namin si Lolo na kanina pa pala nakatingin sa amin.
Sabay kaming tumawa ni Ken at tumawa rin si Lolo Ipe. Ganun lang kami lagi ni Ken-ken kapag nag-aaway madalas nadadamay si Lolo Ipe sa away naming dalawa at mas sumasakit ang ulo nya sa amin.
BINABASA MO ANG
The Ace (SB19KEN FANFICTION)
RomanceMinsan na tayong pinaglayo ng tadhana, ngayong kasama na muli kita hahayaan ko ba na ulit ay mawala ka? -ACED Disclaimer: This is a work of fiction. Unless otherwise indicated, all the names, characters, businesses, places, events and incidents in...