CHAPTER 11 BACK HOME

25 0 0
                                    



JASTER

Ala una ng madaling araw, nandito kaming lahat ng mga kagrupo ko sa company kasama ang ilan sa mga staffs at manager namin dahil my flight kami ngayon papunta sa hometown ni Ken. May event kase kaming dadaluhan doon mamayang hapon. Maaga kaming aalis para wala gaanong tao sa airport at mabilis lang din ang byahe ng sasakyan.

Abala akong tumutulong sa pag-aayos ng mga gamit ko at gamit na kakailanganin namin dahil ganun narin yung iba nang may kumatok sa loob ng practice room namin, pinagbuksan naman kaagad iyon ng isa sa mga staffs.

"Asan po si Jaster?"

"Ay andoon. Jah! May naghahanap saiyo."

Bigla naman akong napatingin sa kung sino ang naghahanap sa akin. Nakita kong nasa pinto si Ace, nakasuot ng oversized shirt, sweatpants, tsinelas at napakagulo pa ng buhok. Mukhang naalimpungatan lang mula sa pagkakatulog. Tinawanan ko ang itsura nya saka ko sya nilapitan.

"Anong nangyari saiyo? Bakit ka andito?" kita ko ang antok sa mukha nya at humihikab hikab pa.

"Dito kami natulog sa company dahil may tinapos kami para sa performance namin mamaya." Pagdadahilan nya at kinukusot pa ang mata nya. Mukhang naalimpungatan lang sya mula sa pagkakatulog saka pumunta dito. Debut na kase nila mamaya at may performance sila sa TV as their debut stage kaya siguro dito sila natulog. "Oh! Eto na hoodie mo." Inabot nya sa akin ang hoodie na ipinahiram ko sa kanya nung una naming pagkikita.

"Akala ko hindi mo na isasauli sa akin ito." Natatawang sabi ko. Chinat ko kase sya nung mga nakaraang araw para ipaalala yung hoodie kong ito, hindi ko naman intension na ibalik nya talaga sa akin dahil ang gusto ko lang ay kulitin sya. Alam ko rin namang abala sya dahil magdedebut na sila. Hindi ko naman alam na ngayon nya balak itong isauli, kaya pala nagtatatanong sya sakin kahapon kung ano ang gagawin ko ngayong araw.

"Akala mo lang iyon."

"Salamat a. Sige na bumalik ka na sa practice room nyo at matulog ka na uli." Tinignan nya ako pagkasabi nun at napunta ang tingin nya sa mga abalang tao sa likod ko.

"Aalis kayo ngayon?"

"Oo, may event kase kaming pupuntahan e."

"Ah, tulungan ko na kayo." Napaawang ang bibig ko sa sinabi nya at bigla syang pumasok sa loob ng practice room namin. Kumuha rin ng ibang gamit na dadalhin sa sasakyan. Nakita sya nila Paulo na nagtaka din kung bakit sya nandito pero binati nya lang ito ng "Good morning Pau. Good morning Lest. Ikaw Josh, matulog ka pa wag ka nang sumama sa kanila." hindi sya pinansin ni Josh dahil ganun naman iyon kapag kulang sa tulog at bagong gising. Walang paki sa paligid at nakatulala lang.

Binuhat nya ang isang gamit kaya dali dali akong pumunta sa kanya. "Wag na Ace, mabigat iyan! Ako na magbubuhat." Kukuhain ko sana pabalik kaso inilayo nya na saakin iyon at sya na ang naglagay doon sa lagayan ng gamit na dadalhin na papuntang elevator.

"Kaya ko!" tinaasan nya lang ako ng kilay at hindi na sya nagpatinag. Wala na akong nagawa kaya hinayaan ko na lang syang tumulong sa pagbuhat doon.

Dinala ko na ang ilang gamit na binuhat ko doon sa service elevator kasama si Josh. Babalik akong practice room para i-check kung may naiwan pa ako o kami, nakasalubong ko pa ang ilang staffs pati na si Paulo at Lester dahil mukhang ayos na lahat ng bagahe, ng madatnan kong naiwan si Ken at Ace doon sa loob.

"Sabi ng akin na iyan dahil mabigat."

"Kaya ko nga, mauna ka na doon at susunod ako para ilagay ito sa sasakyan nyo."

Hindi na muna ako pumasok kaagad, hindi ko rin maintindihan ang mga paa ko para huminto doon at panuorin lang silang dalawa na nag-uusap habang hindi nila ako napapansin mula sa pinto.

The Ace (SB19KEN FANFICTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon