"Ken-ken, bat kaya di na ako makapunta sa inyo?" tanong ko sa kanya habang iniinom ang gulaman na kabibili ko lang sa cafeteria ng school namin. Dito na lang kase kami nakapagkita sa school, hindi na ako pinapayagan pumunta ng bahay nila. Kapag uwian naman, sinusundo ako ni Nanay Minda tapos deretso na kami sa bahay namin at sya rin ay may sarili ng sundo.
"Hindi ko alam."
"Dumaan ang birthday ko hindi mo man lang ako pinuntahan sa bahay." Nung nakaraan kaseng araw ay nag birthday ako, dito lang kami nagkita sa school nung recess. Ni hindi sya bumisita man lang sa bahay.
"Hindi ako pinayagan ni Papa e." pagdadahilan nya.
"Sabagay, hindi ko rin masyadong nacelebrate ang birthday ko nung nakaraan. Parang may problema sila mama at papa e." kwento ko.
"Bakit? Ano nangyari kela Tito?" nag-aalala lang tanong nya.
"Ilang araw ng nasa bahay sila mama at papa, parang may problema rin silang inaasikaso. Panay ang tawag ng mga kung sino sa telepono namin." Nag-aalala na ako sa mga magulang ko, tuwing titignan ko sila parang ang bigat ng pinagdadaanan nila. Dati ay gusto kong umuwi sila sa bahay dahil halos araw-araw silang wala dahil sa trabaho, pero ngayong nandoon na sila parang hindi parin ako masaya. "Sila Tito at Tita ba?" tanong ko kay Ken-ken dahil sa pagkakaalam ganun din ang magulang nila dahil nga, magkanegosyo ang magulang namin.
"Ganun parin sila Mom at Dad, palaging wala sa bahay. Uuwi sila para lang magpahinga." Sabi nya sakin.
Hindi na ako nagsalita matapos nyang magpaliwanag. Wala naman akong naiintindihan sa kung ano ang ginagawa ng mga matatanda. Itong kausap ko naman na di hamak na mas matanda kaysa sakin ay mukhang wala rin muwang para makaintindi ng kung ano ang nangyayari.
"Aya, ako naman ang magbibirthday sa darating na biyernes." Inabutan nya ako ng invitation pagkasabi nun, saka ko lang naalala na halos magkalapit lang pala ang birthday namin dalawa. Six days after mine, sya na naman ang mabibirthday. Kinuha ko ang invitation na iyon. "Alam kong puro kaibigan at katrabaho lang nila Mom at Dad ang pupunta, hindi ko naman kilala ang mga iyon. Kaya sana andoon ka para naman mag-enjoy ako sa araw ko."
Natuwa ako ng sabihin nya iyon. "Syempre naman pupunta ako! Di ako pwede mawala sa birthday mo 'no?"
Ngumiti sya ng marinig nya iyon. Magpapaalam ako kaagad kela mama at papa pagkauwi ko. Kung hindi man sila papayag ay tatakas ako papunta kela Ken-ken sa araw na iyon. Nang matapos ang recess bumalik na kami sa kanikaniyang room namin at naghiwalay na naman kami ni Ken-ken.
Pagkauwi ko galing school, nadatnan ko ang napakagulo namin bahay. Sobrang kalat ng lugar, abala rin sila Mama na maglagay ng ilang mga gamit namin sa kahon. Habang si Papa naman ay may kausap sa salas.
"Hindi na po namin makita ang accountant nyong si Mr. Carreon, Sir. Tangay tangay nya po lahat ng arian at pera na ininvest nyo sa negosyo nyo." Rinig kong sabi ng kausap ni Papa sa kanya.
"Hindi pwede ito, ano na lang sasabihin namin sa creditors? Paano namin ipapaliwanag iyan? Malulubog ako sa utang." nakita kong napahilot si papa sa sentido nya ng sabihin nya iyon. "Si Mr. Sioson ba? Anong sabi nya?"
"Kayo po kase ang general partner sa business na binuo nyo kaya kayo po ang may sagutin ng lahat. Nasettle naman po ni Mr. Sioson lahat ng obligation nya sa negosyo kaya wala na po tayo pwedeng ilapit sa kanya."
Umalis na ako sa salas, hindi ko naman maintindihan ang pinag-uusapan nila pero alam kong may problema.
"Mama, ano pong nangyayari?" hindi na ata napansin nila mama na dumating ako sa sobrang abala nila. Nang marinig nya ako saka nya lang akong nilapitan at hinaplos ang buhok ko.
BINABASA MO ANG
The Ace (SB19KEN FANFICTION)
RomantizmMinsan na tayong pinaglayo ng tadhana, ngayong kasama na muli kita hahayaan ko ba na ulit ay mawala ka? -ACED Disclaimer: This is a work of fiction. Unless otherwise indicated, all the names, characters, businesses, places, events and incidents in...