PAULO
Pumapalakpak kami ng matapos magperform ang isang grupo doon sa stage. Nasa isang award giving show kase kami ngayon. Katatapos lang ng grupo namin na magperform kanina kaya nakaupo na lang kami dito at nakikinig, so far andami naman na naming nakuha na awards simula kanina, hindi ko lang sigurado kung mayroon pang paparating.
"Oy Josh, wag mong ubusin kakain pa ako!" sigaw ni Lester. Mayroon kaseng biscuit, cookies at kung anu ano pang pameryenda dito sa table namin para habang may event ay may nginangata kami.
"Anong ako? Ikaw na nga itong nakararami ako pa ang sasawayin mo. Ikaw nga itong nakaubos!"
"Eh, ang sarap kaya ng cookies."
Pareho kaseng nilalantakan ni Lester at ni Josh yung pagkain sa table, kanina pa nilang dalawa pinagdidiskitahan iyon. Nag-away pa e, silang dalawa lang naman ang kumukuha doon.
"Ano ba naman kayo? Cookies lang nag-aaway na, para kayong bata." Sabi ni Jaster sa kanila. "Kayo na nga lang dalawa kumukain naglalamangan pa kayo."
"Eh, kase itong si Josh e!"
Napailing na lang ako sa nakikita ko, patuloy paring nag-aaway sila Lester at Josh doon habang halos itago na ni Jaster ang mukha nya sa sobrang kahihiyan niya doon sa dalawa. Ang iingay kase, hindi na nahiya sa kabilang table at sa ibang artist.
"Ikaw Ken, mananahimik ka na lang ba dyan?" sabi ko dahil kanina pa sya walang kibo sa tabi ko at hindi nagsasalita. Nagulat na lang ako ng tumingin sya sakin na puno at tikom ang bunganga nya at may amos amos pa sa gilid na labi. Napunta ang tingin ko sa kamay nya na nakatago doon sa ilalim ng mesa na may hawak ding ilang mga cookies.
"Ha?" inosente nyang tanong sa akin.
Natawa na lang ako sa pinaggagawa nya, mas matindi pa sya kay Lester at Josh. Kaya pala na nanahimik sa isang tabi. Akala ko kung ano na naman ang iniisip. Nung mga nagdaang araw kase ay mas tahimik pa sya kaysa dati. Oo, tahimik na nga sya at may sariling mundo pero mas gumrabe nung nakaraan.
Pati si Jaster ay ganun din pero hindi naman nagtagal yung kanya dahil matapos ng ilang oras ay dumadaldal din sya. Nag-iisip ako baka may nangyaring hindi namin alam sa dalawang ito, dahil nung panahong may sakit si Ken ay si Jaster na ang naabutan naming nandoon kasama niya pagkabalik namin ng unit. Tahimik sila nung una at parang walang kibuan, pero ngayon balik uli sila sa dati.
Biglang napunta ang tingin ko kay Lester na tumayo bigla at hawak ang platito na pinaglalagyan ng cookies kanina. "Saan ka pupunta?" tanong ko.
"Pupunta ako kela Ali, baka meron pa sila, manghihingi ako." Bago pa sya makalayo at makalapit doon sa kabilang table ay hinatak ko na sya pabalik sa upuan nya. "Paulo naman e!" reklamo nya.
"Pumirme ka sa upuan mo."
Bigla syang nagdadabog at nagmamaktol nung sinabi ko iyon para hindi na sya makapunta sa table nila Alliah, bumubulong bulong pa sya doon pero hinayaan ko na lang sya. Imbitado kase ang Estrella din sa event na ito, may makukuha rin silang awards tonight and well, good for them.
"Let's welcome the new idols from Race Entertainment, Maya!" nabalik ang tuon ko sa program ng ipakilala ng MC ang susunod na magpeperform.
Maya? Bago sa pandinig ko, siguro bagong grupo na kadedebut lang galing ibang company dahil hindi pamilyar sa akin. Sa sobrang abala namin nung mga nagdaang buwan hindi na ako updated sa ilang mga bagay sa industry namin.
Nagpalakpakan kami at bigla ng pumasok ang limang kababaihan para magperform sa stage. They are wearing a cute but edgy outfit, puro pink and purple ang theme color nila tapos puro sparkle at shimmers. Cute ang datingan nila pero at the same time maangas rin.
BINABASA MO ANG
The Ace (SB19KEN FANFICTION)
RomantizmMinsan na tayong pinaglayo ng tadhana, ngayong kasama na muli kita hahayaan ko ba na ulit ay mawala ka? -ACED Disclaimer: This is a work of fiction. Unless otherwise indicated, all the names, characters, businesses, places, events and incidents in...