CHAPTER 7 RIVAL

24 0 0
                                    

JASTER

"Next!" sigaw ko para pumasok na ang susunod na auditionee sa room.

We are now having an audition for the characters needed in our MVs and short film. Magkacome back na kase ang grupo namin the next two months at nailatag na ang mga dapat gagawin namin.

Balak namin ngayong bumuo ng isang short film na binubuo ng MVs ng kanta namin. Different MVs, different songs from different members. Ginawa namin iyon to introduce our self more to our fans, showing what we got other than dancing and singing.

"Good morning po."

"Okay, start." Sabi ni Paulo pagkapasok ng isa pang auditinee. Kasama ko sya kase ngayon para tumingin ng mga mag-o-audition.

Gusto ko kase kami mismo ang pipili ng mismong makakasama namin sa trabaho para makita kung talagang angkop sila sa role na ibibigay namin. At isa pa, ako rin ang magiging director ng project naming ito, kaya ginagawa ko lahat para maging maganda ang kalalabasan ng comeback namin ito.

Right now, we are searching for the role of our leading ladies. Different kinds of love kase ang gusto naming iparating sa iba't ibang kanta na ilalabas namin.

Puro trainees from our department at ilang artista ang nag-o-audition dito sa amin. Magagaling naman silang lahat pero may hinahanap pa ako na wala pang nakapagpapakita sa akin mula dito sa mga auditionees.

"Hayy, nakakapagod naman ito Jah." Biglang sabi ni Paulo ng lumabas yung huling nag audition. He pushed his hair back and start playing the pen between his fingers.

Natawa ako sa sinabi nya at nailing. "Sumama sama ka pa kase sabi ko ako nalang, tutulungan naman ako ng iba nating staff."

"Ayoko nga. Kailangan hands on tayo."

Tinawanan ko na lang sya at nagpatuloy sa trabaho dahil wala kaming matatapos kung dadaldal lang kami.

"Next!" sigaw ko para papasukin na ang susunod na auditionee habang tinitignan ang papel nito.

From Idol Department, Cerys Dela Cuesta.

"Good morning! Cerys of Estrella." Maikling pagpapakilala nya pagkapasok nya sa kwarto.

Nagkatinginan kami ni Paulo dahil sa gulat. Bakit mag-o-audition ito? Hindi ba sya busy sa preparation ng debut nila?

Bago pa ako magtanong kung bakit nya binalak mag-audition ay binalik na Paulo ang tingin sa kanya at binigyan ng signal para magsimula na.

Siguro ay iisa kami ng iniisip ni Pau? Gusto ko rin kase malaman kung ano naman ang ibubuga ni Ace kapag dating sa acting. Proven na napakagaling nyang dancer at singer, so how about acting?

Nagsimula na syang umarte at binibigkas ang script na ipinamigay namin sa mga gustong mag-audition kaya nanuod na kami ni Pau sa kanya.

Maganda ang pagkakaarte nya, nasasabi nya ng malinaw lahat ng nasa script at nabibigyan nya ng tamang emosyon ang bawat linya.

"At kung nasabi ko ang lahat nuon ay may magbabago ba? Sa aking bawat paghinga, dalangi'y makapiling ka. At kung ito na ang huli nais kong malaman mo na..."

Yung ang hinahanap ko sa bawat nag-audition simula kanina pa. Lahat ng nagdaan ay magagaling at nabibigay ang bawat emosyon na kailangan, pero naoover-power ng emotions nila ang eksena kaya hindi na nabibigyan ng hustisya ang bawat salita sa script. Pero si Ace.

"...mahal kita. Mahal kita! Pag-ibig ko'y sa 'yo, sa 'yo hanggang sa huli." Pagkasabi nya noon ay tumulo na ang luha nya, napatayo si Paulo habang napalakpak at ako ay napangiti.

The Ace (SB19KEN FANFICTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon