Weekends ngayon, tamang nuod lang ako ng TV dito sa bago naming nilipatang bahay. Wala naman akong magawa dahil wala akong pwedeng makalaro sa labas, ang tahimik ng mga kapit bahay. Miss ko na si Ken-ken.
Napabalikwas ako ng makarinig ako ng busina ng sasakyan sa tapat ng bahay naming. Labis ang tuwa ko ng makita ko ang isang pamilyar na sasakyan, agad akong tumayo para salubungin ang lalabas sa kotse. "Ken-ken!" pero bago pa ako makalabas ng pinto, hinatak na ako ni Nanay Minda at ibinalik sa loob.
Nakita kong si Tito Athan lang ang lumabas ng kotse na sinalubong naman kaagad ni Papa hanggang sa makapasok sila sa loob ng bahay. Akala ko pa naman kasama nila si Ken-ken pero mukhang si Tito Athan lang ang nandito.
"Nay, bat ako bawal bumaba?" nandito ako sa kwarto ko kasama si Nanay. Dito nya ako dinala, kanina pa ako nangungulit na bumaba para man lang magmano kay Tito at kumustahin si Ken-ken pero hindi nya ako pinapababa.
"Nag-uusap ang mga matatanda Aya, hindi pwede makinig ang mga bata."
"Pero bakit!?" maktol na tanong ko. Inilingan lang ako ni Nanay, hindi nya ako sinagot at pinabayaan nya lang akong magdabog.
Habang nakikita kong abala si Nanay na maglinis ng kwarto ko, sinamantala ko na ang pagkakataon para sumimpleng lumabas ng kwarto. Pagkarating ko sa may hagdan narinig ko kaagad si Papa at Tito na nag-uusap.
"Pasensya ka na talaga, Rouel. Iyan lang talaga ang matutulong ko saiyo, hindi ko rin gusto ang nangyari. Wala na akong maiaabot malaki ring pera ang nawala sa akin."
"Naiitindihan ko naman Athan. Pasensya ka na, wala lang talaga akong malapitan. Kapag hindi ako nakabayad makukulong ako, kailangan kong buhayin ang pamilya ko, kailangan ako ni Aya."
"May pamilya rin ako Rouel, hanggang dito lang talaga ang maiaabot ko."
Napahinto ako sa mga narinig kong pag-uusap nila sa baba, hindi na ako natuloy dahil mula palang rito sa kinatatayuan ko nakikita ko na kung gaano kaproblemado si Papa.
"Parang awa mo na Athan, para lang kay Aya." Halos napaluha ako dahil nakita kong lumuhod na si Papa sa harap ni Tito Athan para magmakaawa.
"Pasensya ka na Rouel, hanggang dito na lang talaga. Eto na sana ang huli nating pagkikita. Ayoko nang madawit ang pangalan ko at pangalan ng pamilya ko sa mga nangyari."
Hindi na napigilan ni Papa si Tito at tuluyan na itong umalis, napaupo na lang ako sa mga nakita ko dahil awang awa ako sa tatay ko. Gaano ba ako kabigat para umabot sa puntong lumuhod ang Tatay ko sa harap ng ibang tao para magmakaawa para sakin?
"Aya..."
Narinig ko ang boses ni Mama sa likod ko. "Mama..." Tumakbo ako papalapit kay mama para yakapin sya, doon ako umiyak sa mga bisig nya at niyakap rin naman nya ako ng mahigpit.
Lumipas ang ilang buwan, nararamdaman at nakikita ko na ang pagbabago sa pamumuhay naming pamilya. Ang dami naming gamit na naibenta at ang tanging natitira na lang ngayon ay ang bahay na tinitirhan namin. Hindi ko narin madalas nakikita sila Mama at Papa dahil halos ibuhos na nila ang lahat ng oras nila sa trabaho, ang tanging naiiwan na lang sakin na makakasama ko ay si Nanay Minda.
Isang maulan gabi, naglalaro ako ng mga laruan ko sa sala dahil excited na akong makita sila Mama at Papa. Sabi kase nila sakin ay uuwi sila ngayong gabi. Nanunuod naman ng balita si Nanay Minda habang binabantayan ako nang magring ang telepono namin. Tumayo sya para sagutin iyon at iniwang nakabukas ang TV.
"Breaking news! Isang trahedya ang nangyari sa kasagsagan ng ulan ngayong gabi. Isang bus ang nawalan ng preno na naging sanhi ng karambola ng mga sasakyan. Apat na sasakyan ang nadawit sa nasabing trahedya, marami ang nasugatan na ngayon ay naisugod na sa ospital, ang ilan ay kritikal ang lagay, pito ang bilang ng mga nasawi..."

BINABASA MO ANG
The Ace (SB19KEN FANFICTION)
RomantikMinsan na tayong pinaglayo ng tadhana, ngayong kasama na muli kita hahayaan ko ba na ulit ay mawala ka? -ACED Disclaimer: This is a work of fiction. Unless otherwise indicated, all the names, characters, businesses, places, events and incidents in...