Uwian na namin dito sa bago kong school, masaya na naman akong uuwi kase alam kong naghihintay si Ken-ken sa akin sa labas ng gate at magkikita na naman kami. Simula nung nangyaring insedente sa dati naming school mas lalo na syang hindi humiwalay sa akin at mas lalo nya akong binabantayan.
"Ken-ken!" masayang sigaw ko malayo palang ng makita ko syang naghihintay.
"Aya, huwag ka ngang tumakbo baka madapa ka!" sinalubong nya akong nakahaya ang kamay parang handang sumalo kung sakali mang madapa ako. Tinawanan ko lang sya, dahil lalo syang nagiging protective kada araw. "Tara na sa sasakyan, akin na iyang bag mo."
"Ih, wag na. Kaya ko na ito hindi naman mabigat."
"Akin na." Pagpupumilit nya.
"Ayoko nga, may buhat ka ng bag e, mabibigatan ka pa."
"Kaya ko, akin na!" hindi na ako nakaangal dahil sapilitan nya ng hinatak ang bag ko kahit na anong palag ko sa kanya.
Pumunta na kami sa sasakyan at sumakay pauwi, doon na naman ako sa kanila tutuloy dahil wala na naman ang magulang naming dalawa dahil may inaasikaso sa negosyo. Di hamak na mas malayo itong bagong eskwelahan na pinapasukan namin kaysa sa dati naming eskwelahan kaya araw araw na rin kaming hatid sundo ng driver nila, mayroon narin akong yaya at sya ang naghahatid sundo sa akin sa pagpasok at pag-uwi mula sa eskwelahan.
"Ken-ken, malapit na ang intrams ng school may sinalihan ka ba?" tanong ko habang nakahiga mula sa kama nya habang sya ay abala sa pagtugtog ng gitara nya.
"Wala, hindi naman ako interesado sa mga iyon."
"Ako kase pinapasali ako sa quiz bee ng teacher ko kahit ayoko."
"Yun naman pala e, bat ayaw mo sumali?"
"Tinatamad ako e, saka walang gagawin ng araw na iyon mas gusto ko sumama sa iyo."
Hindi nya pinansin ang pagdadaldal ko at nagtuloy tuloy lang sya sa pagtugtog ng gitara. Tinitigan ko lang sya habang ginagawa nya iyon, madalas na syang ganon. Makikita mo talaga ang talent nya pagdating sa musika, minsan tinuturuan nya rin akong tumugtog ng ilan nyang instrument.
"Ayaw mo bang tumugtog sa intrams?"
"Ayoko."
"Bakit? Magaling ka naman e."
"Ayoko." Maikling sagot nya, kahit kailan talaga itong lalaking ito, sayang yung talento nya kung hindi nya ipapakita.
"Ay, alam ko na kung ayaw mong tumugtog o kumanta, bakit hindi ka na lang sumayaw? Naalala ko naghahanap sila ng magpeperform sa opening e." Alam ko kaseng magaling din sya sa pagsayaw, nakikita ko syang may pinapanood lagi sa TV tapos ginagaya nya yung mga steps at nagagawa naman nya kaagad ito. Minsan nakikiepal ako sa kanya kapag nakikita ko syang ginagawa nya iyon at nakikigaya rin ako.
"Ayoko parin." Walang ganang sagot nya sa akin at bumalik na uli sya sa pagigitara kaya sinimangutan ko sya. Kainis naman itong lalaking ito.
Dumaan ang ilang araw, dumating na ang unang araw ng intramurals. Maaga kaming pumasok sa school dahil may program ngayong umaga sa opening. Tahimik lang akong nakikinood at nakikipalakpak mula sa pila ng section ko dahil may nagpeperform.
"Please welcome, the dance group from intermediate level Good Boys." Rinig kong sabi ng masters of ceremony para ipakilala yung sasayaw na grupo. Ang corny naman ng pangalan nung mga iyon sino kaya nakaisip nun.
Isa isang pumasok ang mga sasayaw at nagulat akong isa sa kanila si Ken-ken. Bakit sya nandyan? Akala ko ba ayaw nya sumayaw. Sinungaling pala itong lalaking ito, aarte arte pa sasayaw rin naman! Kaya pala nung mga nakaraang araw ay lagi na syang late nauwi at hindi na ako nasasabayan.
BINABASA MO ANG
The Ace (SB19KEN FANFICTION)
Любовные романыMinsan na tayong pinaglayo ng tadhana, ngayong kasama na muli kita hahayaan ko ba na ulit ay mawala ka? -ACED Disclaimer: This is a work of fiction. Unless otherwise indicated, all the names, characters, businesses, places, events and incidents in...