CHAPTER 15 AFTER THEM

20 1 0
                                    


CERYS

"Kanina ka pa parang lutang, siguradong ayos ka lang ba?"

Pagtatanong ni Lester kay Paulo. Kaalis lang kase namin ng studio para sana magsimula ng isang project para sa irerelease na solo single ni Lester. Inaya ako ni Paulo para makipagtulungan sa project nila na iyon, ang kaso lang wala kaming natapos o kahit nasimulan man lang dahil parang lutang si Paulo at malayo ang iniisip.

Tumango lang si Paulo sa kanya. "Kamusta na ba si Lexa? Di parin ba sya nakakauwi." Sunod na tanong ni Lester.

"Hindi pa nga e, nag-aalala na ako. Gusto ko na munang umuwi."

"Intindihin mo nalang muna yang kapatid mo."

Tinapik ni Lester ang balikat ni Paulo saka nya ito nginitian, nagbuntong hininga naman si Paulo dahil wala naman syang magagawa dahil tama naman ang sinabi ni Lester. Hindi sa gusto kong maki-usyoso pero dahil kanina ko pa sila kasama nagkakaroon ako ng kaunting ideya sa pinagdadaanan ni Paulo dahil sa pag-uusap nila. Mukhang inaalala nya ang kapatid nya. Mabuti nalang at nandyan si Lester para sa kanya, alam na alam nya talaga kung papaano pagagaanin ang loob ng mga kaibigan nya.

Pabalik na kami ngayon sa practice room nila dahil mukhang hindi pa namin masisimulan ang dapat namin gawin. Medyo masama pa ang pakiramdam ko ngayon dahil kulang ako sa tulog, ang walang hiyang si Lenie kase kagabi ay umuwi ng lasing. Bwisit na babae yun, pinahirapan pa akong mag-alaga sa kanya. Iinom inom tapos di kaya ang sarili.

Pagkadating namin sa practice room nila nandoon lang si Josh at si Jaster. Kumakain lang sila at nagpapatugtog.

"Sarap ng kain nyo dyan a, mayroon bang para sa amin?" nagmadaling pumunta si Lester doon sa dalawa nyang kagrupo na kasalukuyang nakaupo sa sahig at pinagsasaluhan ang ilang pagkain. "Wow! Kwek-kwek, ang sarap. Pau may hotdog oh! Gusto mo?" alok ni Lester at ibinigay kay Paulo yung hotdog, kinuha naman ni Paulo iyon saka sya umupo sa sahig sa gilid nila Josh pero mukhang wala rin syang ganang kainin iyon.

"Ace, merienda, gusto mo?" tanong sakin ni Jaster saka ako binigyan ng kikiam na nasa baso na may kasamang sauce.

Umupo nalang din ako sa tabi niya. Wala naman akong gagawin ngayong araw dahil binakante ko ang araw ko ngayon dahil nga nakisuyo si Paulo sakin pero mukhang di namin nga magagawa iyon.

"Asan si Ken? Bat wala na naman iyon dito?" sabi ni Lester habang ngumunguya.

"Tinawag ng staff kanina kaya umalis. Pero wag ka mag-alala, hindi yun tatakas ngayon dahil andyan yung gamit nya." Pagpapaliwanag ni Jaster sa kanya.

Halos isang linggo na siguro simula nung tumakas kami ni Ken sa training para maggala. Napagalitan pa ako ni Alliah kinabukasan dahil nagpeprepare nga kami para sa gagawin namin nationwide free concert tapos tinakasan ko pa. Simula noong araw na iyon wala akong narinig na balita kay Ken. Ni hindi kami nag-uusap o anuman.

Medyo naiilang narin ako kahit iisipin ko palang na makakasalamuha ko sya. Masyado akong nabigla sa pinagsasabi nya sakin nung huli namin pagsasama. Siguro nga at hindi ako nag-iingat sa kilos ko kaya nagtataka sya, pero anong magagawa ko? Pinakakomportable ako kapag sya ang kasama ko.

"Inumin oh." Binigyan ako ni Jaster ng palamig na nasa baso at kinuha ko naman iyon.

Isa pa itong si Jaster, simula nung mga nakaraang araw mas lalong dumadalas ang pangungulit nya sakin. Kada umaga, tanghali, gabi o tuwing titignan ko ang cellphone ko palaging may laman iyon na text or chats galing sa kanya.

Madalas pumupunta pa sya sa practice room namin para tumambay at makipagdaldalan lang sakin. Trip nya atang guluhin at abalahin ako.

Patuloy lang sa paglamon ang mga kasama ko, si Lester kinakausap parin si Paulo para gumaan ang loob. Si Jaster ay inuusisa sila kung bakit ang aga daw namin bumalik.

The Ace (SB19KEN FANFICTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon