CERYS
Buong araw ako napapaisip kung papaaano nalaman ni Ken ang lahat. Para akong lutang sa practice tuloy kanina kakaisip. Nababagabag pa ako sa kakaisip dahil buong araw laman ng phone ko ay text messages nya sa akin.
Paano ba ako magpapaliwanag sa kanya? Sabihin ko ba ang totoo? O sabihin ko na lang kaya hindi ko rin sya natandaan? Awit, magsisinungaling na naman ako kapag ganun.
Napasabunot na lang ako sa buhok ko dahil sa hindi ko alam ang gagawin ko. Saka ko lang din naalala, di ko nga pala mahagilap ang wallet ko kaninang umaga. Andoon ang ilang bagay na napakahalaga para sakin. Naiwan ko ba sa kotse ni Jaster kahapon. Baka doon nya nalaman, shoot!
Inabot na ako ng gabi dito sa practice room, hindi ako umuwi kaagad, pinauna ko na si Lenie sa bahay. Mukhang naiintindihan naman nya kahit papaano ang sitwasyon dahil sa nakita nila kanina kaya umoo na lang sya, wag daw ako mag-alala sya na daw bahala sa sarili niya. Medyo naguilty naman ako kahit ganoon ang sabihin nya, di parin ako mapalagay na hayaan sya mag-isa.
Dahan dahan akong lumabas ng practice room. Tumingin muna ako sa paligid para tignan kung may ibang tao. Sinadya ko talaga malate magpauwi dahil alam kong hinihintay ako ni Ken at ayoko pang magkita kami dahil hindi ko alam kung papaano ako nagpapaliwanag sa kanya.
Nakahinga ako ng maluwag ng wala akong makitang ibang tao at madilim na ang lahat ng practice room, tanging ilaw na lang sa hallway ang bukas. Kaya derederetso na akong naglakad, nasa isip ko na nakatakas na ako kay Ken pero akala ko lang pala iyon. Pagdating ko sa lounge, sasakay palang ako ng elevator ng may marinig akong boses na pamilyar.
"Ang tagal mo namang lumabas, kanina pa ako dito." Para akong binuhusan ng malamig na tubig ng marinig ko iyon. Nalingon ako sa likod ko, nakita ko si Ken na nakasandal sa pader at nakacross arms pa. Nakahoodie na naman syang itim.
"Bat andito ka pa?" tanong ko, pilit na pinakakalma ang sarili ko.
"Hinihintay ka." Umayos na sya ng tayo saka lumapit sa akin at hinawakan ang kamay ko. "Tara na."
"Saan tayo?
"Marami ka dapat ipaliwanag sakin." Natatawang sabi nya. "Halika na!"
"Ayoko! Di ako sasama sayo! Ayawwwwwww!!" sigaw ko at nagpipiglas sa kanya. Napasigaw pa sya ng kagatin ko ang kamay nya.
"Aya, wag ka na makulit!"
Nabitawan nya ako kaya nakatakbo ako palayo sa kanya, pero mas mabilis syang tumakbo kaya naabutan nya ako. Binuhat nya ako bigla at nilagay sa balikat nya.
"Ano ba!? Kenji, ibaba mo ako!" sigaw ko habang pinapalo ang likod nya.
"Ingay mo."
Buhat nya ako hanggang sa makasakay kami ng elevator, binaba nya lang ako ng malapit na kami makababa sa parking lot. At para hindi na ako makatakas sa kaya inakbayan nya ako ng mahigpit. Ilang beses akong nagrereklamo sa kanya pero tinatawanan nya lang ako. Sya lang talaga ang kaisa-isang tao na hindi na sisindak sa kin at nakukuha pang tumawa.
"Oh." Inabutan nya ako ng isang helmet, iyon yung ginamit ko nung nakaraang naggala kami. Tinago nya pala. "Suot mo."
"Ayaw."
"Aya!"
"Ayoko."
Naubusan na sya ng pasensya kapipilit sakin kaya sya na mismo ang nagsuot ng helmet sa ulo ko.
"Sasama ka sakin sa ayaw at sa di mo gusto." Saad nya tapos ngumisi.
Wala na akong nagawa kundi sumama sa kanya. Napasakay na kami sa motor at itinigil nya iyon sa may seaside. Nakaupo lang ako sa may upuan ngayon at hinihintay sya. Bumili kase sya ng inumin kaya iniwan ako dito para may maupuan na kami.
BINABASA MO ANG
The Ace (SB19KEN FANFICTION)
RomanceMinsan na tayong pinaglayo ng tadhana, ngayong kasama na muli kita hahayaan ko ba na ulit ay mawala ka? -ACED Disclaimer: This is a work of fiction. Unless otherwise indicated, all the names, characters, businesses, places, events and incidents in...