Abala ako sa pagtugtog sa piano ng kantang sinusubukan kong buuin ng biglang gumalabog ang pinto ng kwarto ko at bumukas ito.
"KEN-KEN NAMISS KITA!" Narinig ko ang matinis na sigaw ni Aya na pumasok sa loob ng kwarto ko, nagtatakbo sya papunta sa akin at niyakap ako. Grabe talaga itong batang ito, kahit kailan ay napaka-ingay, akala ko kung ano na ang nangyayari.
"Bat ka nandito?"
"Namimiss na kita e."
"Paano ka nakapunta rito?"
"Hinatid ako ni Nanay Minda."
Inosenteng pagsagot nya sa bawat pagtatakang tanong ko, bakasyon kase ngayon sa school at ilang araw na kaming hindi nagkikita dahil umalis sila ng mama at papa nya. Nagbakasyon ata sila. Mabuti pa nga sya ay nakasama nya ang magulang nya kahit saglit samantalang sila Mom at Dad ay busy parin kakaasikaso ng negosyo nila ni Tito Rouel. Aaminin ko namiss ko rin si Aya, ilang araw din kaseng tahimik ang kwarto ko.
"Buti pinayagan ka ni Nanay Minda na pumunta rito."
"Nagpaalam naman ako kay mama e, kaya pinayagan na ako."
Si Nanay Minda ang nag-aalaga kay Aya simula nung lumipat kaming dalawa sa school, sya ang naghahatid sundo sa aming dalawa ni Aya simula nun. Para narin daw mabantayan pa si Aya dahil ayaw na nilang maulit ang mangyari kaya nag-hire sila ng mag-aasikaso sakanya kahit wala sila.
"Tara Ken-ken, gala tayo!" aya nya ng bumitaw sya ng yakap sa akin.
"At saan naman tayo pupunta? Gabi na."
"May bagong perya na bukas dito sa bayan. Subukan natin!" masiglang sabi nya at hinahatak hatak pa ang laylayan ng damit ko. "Tara dali na Ken-ken!"
"Ayoko Aya, gabi na. Mag-stay na lang tayo dito." Tinatamad kong sabi.
"Sige na please, Ken-ken." Pagpupumilit nya.
"Ayoko."
"Pleaaaaseee!"
"Ayaw."
"Sige naaaaaa!"
Napabuntong hininga na lang ako dahil binigyan na naman nya ako ng tingin na alam nyang hindi ko matitiis. "Fine, Let's go!"
Bigla bigla syang nagtatalon at inalog-alog ako pagkasabi ko nun. "Yehey!" sigaw nya.
Magbabike na lang sana kami papunta doon sa perya at iaangkas ko sya pero hindi pumayag ang mga matatanda nung nagpaalam kami dahil medyo may kalayuan iyon. Kaya bandang huli ay inihatid kami ng sasakyan papunta roon at kasama rin namin si Nanay Minda na magbabantay sa amin.
Pagkarating namin ay agad akong hinatak ni Aya sa kung saan para maglaro ng kung anu-ano. Masyado syang masaya ngayong gabi kaya hinayaan ko na lang dahil mas nakakatuwa syang tignan kapag ganun.
"Paramihan tayo ng matutumbang lata oh!" mayabang na hamon nya sakin.
"Huwag mo akong subukan Aya, hindi ka mananalo sa akin."
"Sus! Takot ka lang e."
"Hindi ako takot, sasayangin lang pera natin dyan." Paliwanag ko dahil gusto nyang laruin yung nakita nyang nagbabarilbaril doon.
"Wee? Si Ken-ken takot matalo. Weak! Weak!" nagpatuloy pa sya sa kaasar nya sa akin at tumatawa tawa pa, hindi nagtagal ay narindi na rin ako kaya pinatulan ko na ang hamon nya.
Naglaro kaming dalawa, tahimik lang akong umaasinta ng mga lata habang sya naman ay walang humpay sa katitili habang bumabaril. Natapos ang oras ng ako ang nanalo kaya sya ang pinagtatawanan ko ngayon dahil ang haba ng nguso nya at hindi matanggap ang pagkatalo nya.
"Ang daya! Ang panget kase ng binigay na baril sa akin e, ulit. Rematch!"
Natatawa na lang ako at pinipilit nya pang umisa ng laban pero umaayaw na ako, kinukulit at inaaway nya pa yung taong nagbabantay doon sa laro. Magaling naman sya sa pagbaril at nakakaasinta naman sya pero ang bagal nya kaysa saakin kaya ako ang nanalo.
"Oh saiyo nalang ito." Inabot ko sa kanya yung teddy bear na kulay dark brown na napanalunan ko mula sa paglalaro nun.
"Ano naman ang gagawin ko dyan?" naiinis nyang tanong sa akin.
"Edi itago mo, hindi naman ako mahilig sa ganito e." sagot ko.
"Ayoko nyan ang korni, lahat ng kaklase ko may ganyan na, dinadala pa nila sa school. 'Kala naman nila kinacool nila iyon." Sikat kase ang ganitong laruan sa mga bata ngayon na kaedad nya, ibaiba pa ang kulay ng ilan sa mga iyon. Halos lahat may ganitong laruan sa school kahit yung iba kong kaklase na babae. Pero dahil nga kakaiba mag-isip si Aya, hindi nya gusto ang ganitong bagay.
"Tanggapin mo na, regalo ko na saiyo." Tutal ay malapit naman na ang pasko at wala naman akong maisip na ibigay sa kanya kaya ito na lang siguro.
"Sus, mayabang ka lang kase napanalunan mo ito e!" natatawa na lang ako kase hanggang ngayon may hinanakit pa sya mula sa pagkatalo, pero kaunting minuto pa ay tinanggap nya rin yung laruan na ibinigay ko sa kanya.
Nahihiya pa, kukuhain rin naman.
"Ano ipapangalan mo dyan?" sabi ko habang kumakain kami ng meryenda dahil nagsawa na kami kakalaro sa ilang lugar dito sa perya.
"Ewan ko, ang panget nya!'' sabi nya sa teddy bear nung muli nyang tignan ito pero hindi naman nya binibitawan simula kanina pa. "Yown, alam ko na tatawag ko sa kanya. Panget! Panget pangalan nya."
Napailing nalang ako dahil mukhang seryoso sya doon sa pangalan na iyon. Pagkatapos naming kumain ay nagpatuloy kami sa kagagala sa perya habang matyaga naman naghihintay at nagbabantay si Nanay Minda sa amin.
"Huy, Ken-ken ayos ka lang ba? Hindi ka na nagalaw dyan." Katatapos lang kase namin sumakay doon sa isang ride na pinaiikot ikot kami, bumabagal at biglang bumibilis, at pakiramdam ko at ilang beses kaming hinahampas sa ere. "Hoy, bat hindi ka nagsasalita? Takot ka sa roller coaster 'no?" tanong nya sa akin na may mapang-asar na tono.
Malay ko bang ganoon iyon, unang beses ko lang na sumakay doon kanina, hindi ko alam na ganun pala. "Hi-hindi a-ah, b-bat ako matatakot?" sabi ko pero nanginginig parin ang tuhod ko.
Narinig ko syang tumawa. "Sige sabi mo e." sabi nya pero parang tunog nang-aasar parin sya.
"Sinabi ngang hindi ako takot e!"
"Oo nga, hindi ka takot! Hahahahahha!"

BINABASA MO ANG
The Ace (SB19KEN FANFICTION)
RomanceMinsan na tayong pinaglayo ng tadhana, ngayong kasama na muli kita hahayaan ko ba na ulit ay mawala ka? -ACED Disclaimer: This is a work of fiction. Unless otherwise indicated, all the names, characters, businesses, places, events and incidents in...