CERYS
Ilang araw na ang nakakalipas simula nung nangyaring insidente nung araw ng taping namin. Ngayon ilang scenes nalang ang kailangan naming gawin at matatapos na kami!
Aaminin ko sa ilang araw na kasama ko ang Eros madami akong natutunan kasama sila, masaya rin pala silang kasama.
Gaya ni Paulo, kapag wala kaming eksenang dalawa ay nagkakasundo kami sa usapan ng musika. Kapag nadadatnan ko syang naggigitara at gumagawa ng kanta, bilang ako na dakilang nagmamagaling, hindi ko mapigilan ang sarili ko na magbigay ng suggestions at makiepal kapag nakikita ko syang ganun. Mabuti nalang ay natutuwa sya at tinatanggap ang mga suhestiyon ko. Inalok nya rin ako na kung gugustuhin ko raw magrelease ng single willing sya magcompose ng isang kanta para sa akin.
Si Lester naman, kasama ng iba, kapag tinatamad kami ay maggigitara si Paulo at makikikanta sya sa amin hanggang sa maging maingay na ang set. Madalas naming pag-usapan ang mga lutuin dahil lingid pala sa kaalaman ko ay hilig din ni Lester sa pagluluto dahil iyon daw ang nagsisilbi nyang break kapag naiistress na sya sa trabaho.
Si Ken, nagkakausap kami pero napakakaswal lang, madalas kase ay may sarili syang mundo at naggigitara lang mag-isa sa gilid. Kapag nakakakwentuhan ko ang ilan sa mga kagrupo nya tsaka lang sya sasama at sasali sa usapan. Parang wala rin sa kanya ang nangyari noong nasa charity home kami, ni hindi sya nagsasalita tungkol doom, nagsorry o kung anuman kaya hindi ko nalang din inisip.
Habang si Jaster, dahil sya nga ang director ng project na ito ay hindi nya ako masyadong kinukulit. Sobrang seryoso nya kapag dating sa trabaho nya ngayon. Minsan nga ay natititigan ko na lang sya at napapatanong kung siya ba talaga ang nasa likod ng mga camera dahil sobrang pursigido nya para mapaganda ito. Akala ko puro biro at pagloloko lang ang alam nya, pero napakadedicated nyang tao sa mga bagay na tinatrabaho nya.
At kung lahat sila ay kasundo ko at maganda ang pakikisama ko, syempre hindi mawawala ang dakilang panira bawat araw ko dito sa set. Hindi ata natapos ang araw ng hindi kami nagbabangayan at nag-aasaran nitong si Josh. Minsan na nga kaming napagalitan ni Paulo dahil ang ingay namin habang nasa eksena, nag-aaway kase kami dahil madalas pati pagkain ko ay kinakain nya at napakagaling nya ring manira ng araw dahil sa pang-aasar nya.
Ewan ko ba dyan, ang init ng dugo ko. Ang lakas mang-asar kapag naman sya ang inasar mo napaka pikon din. Minsan nga magkakatitigan na lang kami nyan bigla ko nalang sya hahampasin ng kung ano ang hawak ko tapos gaganti sya sa akin tapos...away na. Bakit ba? e sa naalibadbaran ako sa pagmumukha nun e.
Sinasabi pa nila na may kamukha ko raw sya... Eww! Ang ganda ko, kahit yung paa ko hindi nya kamukha.
Bat hindi nalang kase sya nawalan ng role kagaya nung babaeng bisugo na ginawan ako ng eksena nung unang araw. Oo nga pala, nakaligtaan kong sabihin. Tinanggal na nila sa cast iyong babaeng iyon dahil nainis narin sila Jaster sa ugali, hindi naman masyadong naapektuhan ang kwento nung character ni Josh dahil hindi naman romance ang focus nun. Siya kase dapat ang katandem ni Josh.
Pero syempre hindi ko sya pinalampas, kahit pinalayas nila sa set yung bisugo na iyon ay nakaganti parin ako sa kanya. Hindi nga lang physically, pero nagantihan ko sya financially! Her fault she messed up with a wrong person.
Lunch namin ngayon sa set, kumakain ang lahat ng tao at kumukuha ng pagkain na inorder nila para sa amin. Kukuhain ko na sana ang huling piraso ng inihaw dahil iyon ang pinakamasarap sa nakahain ngayon ng may nakasabay ako sa pagkuha nito.
"Bumitaw ka, akin yan!" sabi ko kay Josh na nakadampot din ang kamay sa huling inihaw.
"Ikaw ang bumitaw, tignan mo oh! Ako ang unang nakakuha kaya akin dapat ito." Hinila nya ang stick papunta sa kanya pero hindi ko hinayaan at inagaw ko rin pabalik.

BINABASA MO ANG
The Ace (SB19KEN FANFICTION)
RomantizmMinsan na tayong pinaglayo ng tadhana, ngayong kasama na muli kita hahayaan ko ba na ulit ay mawala ka? -ACED Disclaimer: This is a work of fiction. Unless otherwise indicated, all the names, characters, businesses, places, events and incidents in...