CERYS
Pagkalapit ko kay Ken, inakbayan nya agad ako at dinala papuntang rooftop. Tinawagan nya ako kanina habang nasa byahe pa kami ni Jaster. Hindi ko alam kung dapat ba ako matuwa sa pagtawag nya na iyon dahil parang niligtas nya ako sa isang sitwasyon na wala akong masabi.
Pagkasakay namin ng elevator pansin nya kaagad kung gaano ako katahimik at hindi kumikibo. Para naman kaseng ewan itong si Jaster, andami daming babae na patay na patay sa kanya sakin pa nagkagusto. Paano yun? Paano ko sya pakikitunguhan ngayon? Paano ko sya kakausapin?
Napabuntong hininga na lang ako sa dami kong iniisip, narinig kong natawa si Ken ng gawin ko iyon kaya sinamaan ko sya ng tingin.
"Bat mo ba gusto akong papuntahin dito?" sabi ko ng makarating kami sa rooftop.
"Wala lang." tipid na sagot nya pero pagkadating namin doon puro pagkain na inorder na ang nakita ko. Puro manok at meron pang ice cream. Sakto gutom ako.
"San galing yan?" tanong ko.
"Inorder ko. Nagutom ako e." umupo sya doon sa nakalatag na karton. Saan kaya neto nakukuha yung mga karton? Nung huling kita ko sa kanya dito may karton din sya na sapin kase natutulog sya.
"Kanina ka pa rito 'no?" sabi ko dahil halata naman, may bukas pang chichirya at kalat sa gilid. Andito rin ang gitara nya. Siguro nanuod na naman ng anime ito dito o kung ano.
"Medyo, may ginawa kase ako e." sagot nya sakin.
"Hulaan ko? Nood anime?" sabi ko.
"Hindi..." tinitigan ko sya ng matagal ng sabihin nya iyon, tapos ngumiti sya. "Oo na, nanuod ako saglit pero hindi lang yun ang ginawa ko." Pagdedepensa nya.
"Ano? Naglaro ka PUBG?" walang ganang tanong ko, iyon lang naman kase ang palagi nyang ginagawa kung hindi sa dalawang iyon, gumagawa yan ng kanta.
"Hindi rin." Sabi nya at binuksan ang isang pagkain na nasa harap nya.
"We?" di makapaniwalang sabi ko.
"Kulit mo, kumain ka na nga lang." inabutan nya ako ng pagkain, may sundae iyon at chicken burger. Kinuha ko naman iyon at umupo na lang din sa tabi nya, gutom narin naman ako. Wala kaseng padinner si Jaster e, ang kuripot. Astig ng set-up namin dito para kaming nagpipicnic lang.
"Ang sarap nung burger, san mo ba inorder 'to?" sabi ko ng kagatan ko yung spicy chicken burger.
"Sabi na magugustuhan mo e. Nakita ko lang yang bagong bukas na kainan, puro manok kaya sinbukan ko." Sabi nya at kumain na rin ng fried chicken nya.
Napailing na lang ako, basta talaga manok hindi palalampasin ng lalaking ito. Tahimik kong sinimulan ang pagkain na binigay nya. Masarap naman lahat ng inorder nya para sakin. Habang kumakain hindi parin maiwasan na sumagi sa isip ko lahat ng sinabi sakin kanina ni Jaster. Nagulat ako sa lahat ng iyon pero part of me, nasasaktan para sa kanya.
Hindi ko man sya gustong saktan, pero hindi kase pwede. Alam ko sa sarili ko na may iba na akong nagugustuhan at hindi sya iyon. Napakabait na tao ni Jaster, hindi nya deserve na masaktan, hindi nya deserve ang tulad ko lang. Kaya paano ko sasabihin sa kanya lahat ng nararamdaman ko at papaano ko ipapaliwanag sa kanya ang sitwasyon ko? Kainis. Naiinis ako sa sarili ko.
"Ken, naranasan mo na bang may magconfess saiyo?" tinapunan nya lang ako ng nagtatakang tingin habang subo parin ang kutsara sa bibig nya. "I mean, yung kaibigan mo na palagi mong kasama at laging nandyan para saiyo, bigla na lang umamin na may nararamdaman na pala para saiyo." sabi ko, cause somehow, I feel betrayed on what Jaster did. Akala ko ginagawa nya lahat iyon dahil kaibigan ang turing nya sakin, pero iba na pala ang nararamdaman nya.

BINABASA MO ANG
The Ace (SB19KEN FANFICTION)
RomansaMinsan na tayong pinaglayo ng tadhana, ngayong kasama na muli kita hahayaan ko ba na ulit ay mawala ka? -ACED Disclaimer: This is a work of fiction. Unless otherwise indicated, all the names, characters, businesses, places, events and incidents in...