CERYS
It's been a couple of weeks or more than a month since we debuted, it was good for us that everything went so smoothly since that day. Marami na ang nag-alok ng sponsorship sa grupo namin, wala ring tigil ang shows, commercials, TV guestings, interviews at iba pa. Napakagandang simula para sa aming lahat, though nakakapagod at least masaya.
Papasok na uli ako sa company ngayon for training, kagagaling ko lang ng opisina sa taas to check some files dahil kahit papaano kailangan ko paring gampanan ang trabaho ko bilang empleyado ng kumpanyang ito. Ngayon lang uli ako nakabisita sa opisina ko sa taas dahil ngayon lang nakaluwag ang schedule ko.
Wala kaming event ngayon dahil magpaplano kami to release a new ballad song ng aming grupo, hindi iyon comeback dahil masyado pang maaga para doon. Magdadagdag lang kami ng kanta para hindi kami puro sayaw tuwing may performance kami at para hindi narin puro covers.
Pababa na ako at nakasakay na sa elevator ng magring ang cellphone ko.
Paulo Calling...
Bakit naman tumatawag 'to? Sa pag kakaalam ko ay naka restday sila ng three days dahil nung nagdaang buwan ay napaka busy nila for nationwide events.
Nung mga nagdaang linggo kase kapag nagkakataon na wala na akong ginagawa sa training namin ay nagagawi ako sa practice room nila. Noong una ay si Jaster lang dapat ang sadya ko dahil nagpapatulong sya ilang mga bagay sa negosyo at kanta nya pero di nagtagal nagkakausap kami nila Paulo at Lester.
Naabutan ko kase silang bumubuo ng kanta dahil nagpaplanong magkaroon ng single muna si Lester bago magcomeback uli sila as group.
"Hello, Pau."
"Cerys, asan ka ngayon?"
"Papasok palang ako, bakit?"
"May gagawin ka ba ngayon? May ipapakisuyo sana ako sayo sa condo unit namin ngayon."
"Ano ba gagawin?" sabi ko dahil baka sandali lang naman ang ipapakisuyo nya at magawa ko pa.
"Oy! Pau, si Cerys ba yan?" rinig kong may nagsalita pa na isang tao sa kabilang linya. "Mamaya ka na Josh, wag ka ngang magulo." Rinig kong sabi ni Paulo.
"Kasama mo si Josh ngayon?" tanong ko.
"Oo, umuwi nga kase kaming lahat ngayon, ewan ko ba dito sa isang ito at sa akin pa pumiling sumama." Pagpapaliwanag nya, alam ko naman kaseng walang mauuwiang pamilya si Josh kaya siguro kay Paulo sya sumama, chinismis lang sakin ng napakadaldal nilang kagrupo na si Jaster.
"Kung wala kayo lahat sa condo, asan si Ken?" nag-aalalang tanong ko dahil wala rin namang mauuwiang pamilya si Ken dito sa Manila.
"Yun na nga sana ang ipapakisuyo ko saiyo, umalis kase kaming lahat kagabi sa condo na masama ang pakiramdam nung lalaking iyon. Nag-aalala lang ako dahil hindi pa sya sumasagot sa tawag namin simula pa kaninang umaga."
"Iniwan nyo si Ken doon ng mag-isa!? Masama pa pakiramdam?" natataranta na ako pero pinipilit ko paring kumalma.
"Ayaw sumama sa amin kagabi, ayaw daw nya umalis. Pakicheck naman sya Cerys."
Bigla kong pinindot ang buton ng elevator papuntang ground floor at lumagpas sa floor ng practice room namin.
"Papunta na ako." Yun ang huling sabi ko kay Paulo at binaba ko na ang tawag saka nagmadaling pumunta sa condo unit nila.
Malapit lang naman iyon mula sa company namin pero nagtatakbo parin ako habang naglalakad at nagmamadaling makasakay ng elevator papunta sa floor kung nasaan ang unit nila. Itinext naman sa sa akin ni Paulo ang passcode ng unit nila kaya pagkarating ko doon nabuksan ko kaagad ito at pumasok.

BINABASA MO ANG
The Ace (SB19KEN FANFICTION)
RomansaMinsan na tayong pinaglayo ng tadhana, ngayong kasama na muli kita hahayaan ko ba na ulit ay mawala ka? -ACED Disclaimer: This is a work of fiction. Unless otherwise indicated, all the names, characters, businesses, places, events and incidents in...