CHAPTER 16 LISTENING TO THE LOST NOTES

17 1 0
                                    


CERYS

"Lenie, may nagdodoorbell ikaw na nga ang tumingin."

"Oo, ako na!" sigaw nyang sagot sa akin at bumaba na ng kwarto. "Tapsi, tara!" tawag niya sa aso nya para samahan sya sa gate.

Nagluluto kase ako ngayon sa kusina ng kakainin namin dalawa. Ayoko nang hayaan si Lenie sa kusina ko dahil baka sa susunod hindi na yung lutuin ang masunog nya kundi yung buong bahay ko na. Late na kami nagising ngayon ni Lenie at mukhang tanghali na rin kami makakapasok sa kumpanya.

May photoshoot kase ang grupo namin kahapon at late na natapos iyon. Ngayong araw naman ay magpapractice lang ang grupo namin sa mga performances para sa papalapit na nationwide free concert. Pero today hindi ako makakasama sa practice dahil ngayon namin naisipan ipagpatuloy nila Paulo yung dapat na gagawin namin nung nakaraan.

"Ay, ang aga naman manundo nito! Cerys, may bisita ka!" rinig kong sigaw ni Lenie pagkapasok nya ng pinto sa salas. Napakunot ang noo ko dahil wala namang nagsabi sa akin na may pupunta dito sa bahay, akala ko pa naman bill lang ng kuryente ang nadating.

Pinatay ko saglit ang kalan para sumilip sa sala kung sino ang dumating, ni hindi ko na nagawang hubarin ang suot kong apron kaya halatang abala ako sa kusina. Nakita ko si Lenie na may napakamalisyosong ngiti sa akin kaya inirapan ko lang sya saka napunta ang tingin ko doon sa dumating. Si Ken.

"Bat ka nandito?" Napatigil sya sa paghaplos sa ulo ni Tapsi at napatingin sa akin.

"Wala lang." tipid na sagot nya.

"Akyat muna ako sa taas, maiwan ko na muna kayo dyan." Sabi ni Lenie saka sya naglakad. "Go, Sis!" bulong nya pa sakin bago nya pa ako malagpasan saka sya umakyat sa kwarto.

"Wala ka bang pasok ngayon? Anong gagawin mo rito?" nagtatakang tanong ko sa kanya.

Naglakad naman sya papuntang sofa saka humiga doon matapos ay binuksan naman nya ang phone nya para manuod ng anime.

"Sabay na tayo pumasok."

"Ha!?"

"Sabi ko sabay na tayo pumasok." pag-ulit nya.

"So pumunta ka lang dito para sabayan ako pumasok?"

"Oo." Tipid na sagot nya tapos humikab.

Napaawang ang bibig ko ng marinig ko yun. Anong nakain nya para maisipan nya na sabayan ako pumasok? Di hamak na mas malapit ang condo unit nila sa company, napalayo pa sya para lang sabayan ako. Hindi ba pagagalitan ni Paulo ito?

"Bakit?"

"Gusto ko lang." walang gana nyang sagot at parang hindi big deal sa kanya na nandito sya.

"Bat di ka na lang dumiretso ng kompanya? Anong katol ang hinithit mo para maisipan na sumabay sakin? Ang tanga ng trip mo!" sabi ko.

Napabalikwas sya, parang nabwisit sa dami ng tanong ko, "Ang ingay mo magluto ka nalang, nagugutom na ako." Sabi nya tapos ay bumalik na uli sa pagkakahiga para manood. Kumuha ako ng unan na nasa isang sofa saka ko binato sa mukha nya. Nakakainis, sino sya para pumunta dito at utusan lang ako! Ang lakas ng loob nya a. "Aray!"

Bumalik na ako sa kusina para ipagpatuloy ang pagluluto, tahimik lang akong kumikilos doon. Si Lenie nasa taas parin, doon narin sya siguro naligo at nagprepare, naghihintay na lang na tawagin para kumain. Habang nagluluto ako naririnig ko ang mga tahol ni Tapsi mula sa sala, mukhang nilalaro sya ni Ken habang naghihintay na matapos ako rito.

Hinihintay ko na lang makulo yung ulam at mainin yung kanin, kaya naghahain na ako at naglalagay ng plato sa lamesa. Nagdagdag lang ako ng extra dahil naalalala ko ay may bisita pala kami.

The Ace (SB19KEN FANFICTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon